Chapter 28

11 1 0
                                    

"Wala pa rin ba kayong balak ng asawa mo na sundan si Aurora?"tanong ni Lavinia.

Nag-angat ako ng tingin at pinagtaasan siya ng kilay. Isinara ko ang aking laptop at sumandal sa swivel chair.

"Dumaan ka ba talaga para itanong lang 'yan?"

"Maybe?"nakakalokong sagot niya.

"Wala akong balak. Maghihiwalay din naman kami kaya bakit pa? Mas mabuting nag-iisa si Aurora."

"Gaga! Bakit naman kayo maghihiwalay? Sayang naman ang four years at ang anak n'yo. Hindi mo ba alam na baka maapektuhan si Aurora kapag nangyari iyon?"

"Maaring maapektuhan nga siya pero maiintindihan niya rin naman iyon sa paglipas ng panahon."

"Tsk! Really, Aurelia? Kung may balak ka palang i-annul si Jose Cuervo, then bakit hindi mo pa ginawa noon? Baka naman...."

Ngumisi siya at nagtaas ng kilay. Napailing na lamang ako.

"I don't love him."

"Siddharth pa rin?"

"Hindi na rin."

"Eh sino na pala kung hindi sila?"

"Stop this topic, Lavinia. Wala sa kanilang dalawa. Ikaw? Kailan mo pakakasalan 'yung TJ mo?"

Siya naman ngayon ang napairap.

"Sinabi ko nang wala akong balak magpakasal. Eww! And about that man? Hindi ko naman 'yon boyfriend. Kakilala lang."

"Well, you just had sex with that kakilala of yours."

"Sus! Ikaw rin kaya kay Jose!"giit ni Lavinia.

Natahimik ako sa isinagot niya kaya tawang tawa ito. Nag-stay siya doon hanggang tanghali at hinintay pang mag-lunch break para sabay kami. Nagkita-kita kaming tatlo nina Roselle sa isang restaurant.

Buong araw naging okupado ang isipan ko tungkol sa nabanggit kong annulment namin ni JC. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin kung kailan ko gagawin iyon. May grounds na ako para kay JC at iyon ay ang pakikipagrelasyon niya kay Agacy. Gayon pa man ay hindi rin iyon gaanoon katibay dahil wala akong pruweba na may ginagawa silang kalokohan. Magkataon lang talagang mahuli ko sila ay isasampal ko kaagad sa kaniya ang annulment namin.

"Oh my god! Tingnan mo 'to, Aurelia!"

Napabalik ako sa aking sarili nang marinig si Roselle na nagsalita. Inabot niya sa akin ang kaniyang phone kaya kinuha ko iyon. Tumikom ang aking mga labi habang pinapanood ang isang video kung saan makikita doon sina Siddharth, JC, at Agacy. Nakatago si Agacy sa likuran ni JC na tila pinoprotektahan ito mula kay Siddharth. Maraming tao ang nakapaligid at napagtanto kong sa labas iyon ng kompayang pagmamay-ari ng magaling kong asawa.

"What the hell?!"naiusal ko nang makitang inilang hakbang ni JC si Siddharth at kwinelyuhan. Dinig na dinig mula sa video ang mga mura nilang dalawa para isa isa't isa. Ibinaba ko ang cellphone sa table at hindi na nag-abala pang tapusin iyon.

"Aurelia! Saan ka pupunta?"tanong nina Roselle nang tumayo ako at bitbitin ang aking bag.

"Hell."maikling sagot ko bago sila tinalikuran at lumabas.

Mabilis ang aking naging pagmamaneho papunta sa kinaroroonan ni JC at nang makarating ako doon ay nakita kong wala ng kaguluhan sa labas. Napakuyom ang aking mga palad dahil sa sobrang galit. Anong rason niya para makipag-away kay Siddharth? Si Agacy na naman ba?

Ang aking mga nadadaanang trabahante ay napapatabi at halos matigilan nang makita ako. Dumiretso ako sa opisina ni JC at walang atubiling binuksan iyon. Naabutan ko siyang may hawak na ice pack at idinadampi iyon sa gilid ng kaniyang labi. Napatayo siya nang makita ako. Iginala ko ang aking paningin sa loob at napagtantong wala doon si Agacy.

"Nasisiraan ka na bang talaga?! Kaya mong makipagpatayan kay Siddharth para lamang kay Agacy?! Damn you, Jose Cuervo! Sa ginawa mo ay mas lalo lamang kitang kinamuhian at mas lalo mo lamang pinapatunayan sa akin na may relasyon kayo ng babaeng iyon!"

"Lia, it wasn't like that. Wala kaming relasyon. Let me explain."

Bago pa niya ako mahawakan ay tumama na ang aking palad sa kaniyang pisngi. Nangingilid ang aking mga luha dahil sa sobrang galit. Naiinis ako dahil bakit siya ganoon kay Agacy. Bakit kailangan niyang masangkot sa magulong relasyon nina Siddharth at ng babaeng iyon. Mas lalo akong namuhi kay Siddharth sa nakitang pasa sa mukha ng aking asawa. How dare that man hurt my husband?!

"Bakit siya pa, JC?! Alam mong kinamumuhian ko si Agacy pero bakit patuloy mo pa rin siyang dinidikitan?! Ano bang mahirap sa pakiki-usap ko na iwasan mo siya?"

"Agacy and I don't have a relationship, Lia. She was just a friend."mahinahong giit niya.

"Akala ko ba m-mahal mo ako?"

Hindi ko rin inaasahan lalabas iyon sa aking bibig ngunit nasabi ko na. Bakas rin ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.

"I love you. I really do, Aurelia."masuyo ang kaniyang boses at tila kikukumbinsi ako pero pinigilan ko ang aking saring magpadala.

"Hindi mo ako mahal. You're just like Soddharth! Ginagamit mo lang ako kagaya nang ginawa niya sa akin at ang mas malala pa doon ay para na naman kay Agacy!"

"Wala akong gusto kay Agacy! Kaibigan ko lang siya, matalik na magkaibigan ang mga magulang namin—"

"Liar! Hindi mo na ako maloloko pa! Just admit that you love that bitch!"

"If I love her, then I should've marry her instead of you! Bakit ba ayaw mong maniwala na mahal kita at ikaw lang?"

Napahinto ako nang ilang segundo ngunit umatras muli nang tangkain niyang lumapit.

"Kung mahal ko siya at may relasyon kaming talaga ay bakit ko hahayaan ang sarili kong maikasal sa'yo?!"

"You were always there for her everytime she needs you! P-papaano naman 'yon?"giit ko.

Pumikit siya nang mariin at tinalikuran ako. Napahikbi ako at halos manlabo na nang tuluyan ang aking paningin sa kakaiyak.

"G-ganiyang ganiyan din si Siddharth noon. Tatlong taon kami, pero sa itinagal ng panahon na iyon ay nagsinungaling lamang siya at sa huli ay pinili p-pa ring saktan ako."

Natatakot akong baka ganoon ka rin sa akin.

"Stop comparing me to that bastard! Hindi mo talaga mararamdaman na mahal kita dahil hanggang ngayon ay inisiip mo pa rin siya! Goddamnit! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na mahal kita para maniwala ka? Ayokong magalit sa'yo pero tangina lang talaga dahil nakakasawa na, Aurelia!"

Natigilan ako at halos mabalot nang panlalamig ang aking buong katawan. Salubong ang kilay ni JC at ngayon ko lamang siya nakitang ganito kagalit.

"Instead of asking me for a proper explanation of what really happened earlier, you bring up your goddamn ex-boyfriend again! You really know how to pissed me off."

Kahit na kinakabahan ay pinilit kong hindi ipakita iyon sa kaniya.

"I don't need to hear your explanation. I want you to stop meddling with Agacy's business with Siddharth. Dahil baka isang araw ay magkaroon na ako nang lakas ng loob na hiwalayan ka."mariing banta ko.

"Oh, try me, Aurelia. I am so damn tired to care about that anymore."nakangisi ngunit ramdam ko ang galit sa kaniyang pananalita.

All for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon