Walang nagawa ang pagluhod at pagmamakaawa ko sa mag-asawa. They said that they'll think about it. Umuwi akong luhaan at napagalitan pa ni Mommy dahil panay ang absent ko sa trabaho. I asked for a leave, and she agreed naman since Tita Monroe and Nemesis were there.
Dumaan ang birthday ko at ni isang bati mula sa aking asawa ay wala akong natanggap. Ginanap iyon sa bahay nina Mommy at bumalik lamang ako sa bahay para kumuha ng mga damit ko at ni Aurora. Laking gulat at takot ko pa nang may dumating kinagabihan, ang assistant ni JC. Kaagad kong binuksan ang envelope at halos manlamig ang aking pakiramdam.
"W-what the fuck is this?!"binalingan ko ang assistant.
"Wala po akong ideya sa kung anong dokumento iyan, ngunit utos po ni Sir Jose na ipaabot sa inyo."
"This is an annulment! What the fuck he is thinking?! Where's your goddamn boss?!"wala na akong pakialam kung malakas ang aking boses dahil tiyak akong walang makakarinig sa akin.
"I am sorry, Ma'am. Wala po akong alam sa kinaroroonan ni Sir."nakayukong aniya.
Natawa ako nang mahina at hindi inalintana kahit na umiiyak sa kaniyang harapan. Ano pa ba ang saysay nang pagtatago ko nang emosyon ko kung aware naman ang taong 'to sa nangyari?
"Tell your boss that if he really wants an annulment, then he needs to show up! I won't ever sign this piece of shit until I talk to him. Do you get that?"
Tumango ang lalaki at nagpaalam ring umalis. Mahigpit ang kapit ko sa annulment habang sinusuri iyon. Walang pirma galing kay JC. Halos mapunit at gusot-gustot na. Nagmadali akong umakyat at kinuha ang aking cellphone. Nanginginig ang kamay na nagtipa ako at tinawagan siya ngunit bigo akong makausap dahil hindi siya sumasagot.
Do you hate me this much, Jose Cuervo?
Itinago ko ang annulment papers at nagmadaling bumalik sa bahay nina Mommy. Akmang lalampasan ko sina Ruth at Aurora nang mapansing kausap nito ang kaniyang ama. Napatingin sa akin ang bata kaya ngumiti ako at sumenyas na ibigay sa akin ang phone. Nangingiting sumunod naman ito. Hindi ako nagkamali nang makita ang pangalan ni JC. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Baby, aren't you sleepy yet?"
Halos manlaki ang aking mga mata sa narinig. Muntik pa akong makalimot na hindi nga pala ako ang kausap niya at si Aurora.
"Aurora, you still there?"
Napabalik ako sa aking sarili at lumayo kayna Ruth. Huminga ako nang malalim habang iniisip kung ano ang dapat sabihin kay JC.
"Where are you?"
Sinikap kong hindi mabasag ang aking boses at hinintay ang kaniyang sagot ngunit lumipas ang dalawang minuto at nanatili siyang tahimik.
"Who's this? Why are you holding my daughter's phone?"
What the hell?! Can't he recognize his wife's voice?! I couldn't believe this man! Ganoon ba siya kagalit na maski ang boses ko ay nakalimutan niya na?!
"Stop with your games, JC. This is Aurelia. Where are you?!"
"Aurelia? Aurelia who?"
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata.
"I am not playing with you! Be serious, damn it! I-I am your wife."bahagya pang humina ang boses ko sa huling salita.
"Wife? The last time I checked, I don't have one, so who the hell are you?"
Damn it! Ni hindi pa nga umuusad ang annulment namin ay itinatak na kaagad niyang wala siyang asawa.
"Oh, really? You'll be dead once I find you, my jerk husband!"
Natahimik lamang ito kaya ikinalma ko ang aking sarili. Baka mas lalo itong hindi magpakita kapag tinarayan ko siya. Pero kasalanan niya rin naman dahil pinapainit niya ang ulo ko.
"It's my birthday, and y-you didn't come. You didn't even greet me, but instead, you s-sent something I never expected."
Naglandas ang luha sa aking pisngi nang maalala ang ipinadala niya kanina.
"Isn't that what you've always wanted?"malamig ang kaniyang boses.
"N-no! That's not what I want. I-I want you to come back home, JC. Aurora needs you."
And I need you too.
"You don't tell me what to do now, Aurelia."aniya bago tapusin ang tawag.
Tinangka ko siyang tawagan muli ngunit hindi na ito sumasagot. Nang bumalik ako sa loob ay tulog na si Aurora. Inutusan ko na lamang si Ruth na dalhin ito sa kwarto ko dati upang makapagpahinga. Nagtungo ako sa kitchen at ano pa nga ba ang sagot para sa nakaka-stress kong buhay? None other than alak. Pinili ko ang alak na kapangalan ng asawa ko. Ewan, desperada na ata talaga ako.
Napapailing na dinala ko ang isang bote at lumabas muli. Nangangalahati na ako nang maramdamang may papalapit.
"Bakit gising ka pa, Aurelia?"
"What's wrong? Why are you crying?"kunot noong tanong ni Daddy kasunod si Mommy. Nakapantulog na ang mga ito. Baka nagising sa ingay ko. Nanginig ang aking mga labi at lalong napaiyak.
"Aurelia, what happened? Tell me, sweetheart."inalo ako ni Daddy kaya yumakap ako sa kaniya habang humihikbi.
"S-si JC, Dad. Iniwan niya na ako at g-gusto niya nang makipaghiwalay. A-ayoko, mahal ko ang asawa ko at m-miss na miss ko na siya. D-do something, please."
Dinig ko ang mahina niyang pagmumura at paghalik sa aking noo habang marahang hinahaplos ang aking buhok. Lumapit rin si Mommy at inagaw sa akin ang alak na hawak.
"Drinking is not the answer for every problem, Aurelia. What you did to your husband is something we don't tolerate. We somehow understood his part and why he left you. But it doesn't mean we don't care about your feelings. Sinabi ko na sa iyo noon, mahal na mahal ka nang asawa mo."
"Your mother is right. Alam kong masakit dahil natabunan nang galit mo ang nararamdaman mo para kay Villamor pero mahirap pilitin ang taong ayaw mismo magpakita. Maybe what happened was the better choice for him."
"B-but I'll do better. I will be the perfect wife for him na. Dad, Mom, please do something. I-I already asked h-his parents pero ayaw na nila sa akin."
Ni hindi na ako makakita nang maayos at makahinga sa labis na pag-iyak.
"Daddy..."umiiyak na sumubsob ako sa kaniya na tila bata.
"Shh, stop crying. Gagawan ko nang paraan. Ako mismo ang hahanap kay JC."bulong ni Daddy habang pinapatahan ako.
_____________
Napanood ko na naman 'yung Slamdunk and napaka-cool talaga ni Sendoh my loves so sweet! Pati na rin si Ryota Miyagi! Haays, sa kanila na lang talaga ako nakakaramdam nang kilig!

BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what happened that led them into marriage. He tried his...