"Go ahead! File it nang sa ganoon ay maghiwalay na tayo!"hamon niya sa akin.
Hindi ko mapigilang hindi maluha sa kaniyang sinabi. Ang inaakala kong reaksyon niya ay taliwas sa nangyari. Ang akala ko magagalit siya kasi mali ang paratang ko at pipilitin niya akong maniwala na walang namamagitan sa kanila. I sighed. Siguro nga ay wala na kaming pag-asa.
"Hindi ka rin naman makikinig kaya bakit umaasta kang ako pa ang may kasalanan, Aurelia? Sa tingin mo bakit pa tayo magsasama kung wala ka rin namang tiwala sa akin?"
Imbis na sagutin siya ay nagtungo ako sa aking kama at tahimik na nahiga doon. Niyakap ko nang mahigpit ang aking unan at itinago ang aking mukha. Wala na akong pakialam kung marinig niya akong umiiyak, wala na rin naman siyang pakialam kung masaktan niya ako o hindi. Ibang iba na si Jose Cuervo, hindi siya ang lalaking pinakasalan ko noon. Habang buhay ko nang panghahawakan ang pagsisi dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nagbago. Naramdaman kong lumundo ang kama at sa tingin ko ay nahiga na rin siya. Natigilan ako nang yakapin niya ako mula sa likuran.
"Don't touch me!"pagpupumiglas ko ngunit mas malakas siya, imbis na umalis ay mas lalo niya lamang hinigpitan iyon.
"Shut up, Aurelia. Pareho tayong pagod kaya matulog ka na."
Matulog? Hindi ko ata makakaya iyon! Sa sobrang inis ko ay kinagat ko ang kaniyang braso.
"Goddamn it! Sadist!"reklamo niya ngunit hindi naman umalis sa pagkakayakap sa akin.
"Bitiwan mo ako! A-akala ko ba maghihiwalay na tayo? Bakit mo ako niyayakap?!"
"Bukas na natin pag-usapan 'yan. Matulog na tayo, Aurelia."
Rinding rindi ako sa tuwing tatawagin niya ako sa buo kong pangalan dahil sinanay niya akong Lia ang itinatawag niya sa akin.
"Cheating bastard."naiinis na bulong ko ngunit natigilan muli nang maramdaman ang paghalik sa akin ni JC sa aking buhok.
"Go to sleep, Lia."
Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang itinawag sa akin. Imbis na tumahan ako ay mas lalo akong napaiyak. Halos hindi na rin ako makahinga nang maayos kaya panay ang pagpupumiglas ko kay JC.
"L-lumayo ka sa akin! May iba ka na rin naman at balak mo akong iwan kaya umalis ka na!"
Hinawakan niya ang aking magkabilang braso gamit ang isang kamay, hindi naman masakit kahit na mahigpit. Sapat lamang para hindi ako makagalaw upang magpumiglas.
"Stop crying, will you? Walang magagawa ang pag-iyak mo."mahinahon ngunit mariing aniya.
"Dahil nasasaktan ako!"
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga kasunod nang pagkalas ng pagkakayakap niya sa akin. Nanatili akong nakatalikod sa kaniyang gawi at hindi maawat sa paghikbi. Ang akala ko ay aalis na siya ngunit muli kong naramdaman ang kaniyang palad sa aking likuran, marahang humahaplos na animo'y bata akong pinapatahan. Ganoon din ang ginawa niya sa aking buhok, minsa'y dinadampian nang magagaang halik.
"Lia, wala akong ibang babae. Mary kissed me on the side of my lips pero wala kang dapat ikabahala dahil hindi ako ang gusto niya."
"Hindi gusto?! May babae bang hahalik sa taong hindi gusto?! Anong klaseng halik 'yon, friendly kiss?! Kahit saang parte ng katawan mo ay hindi ako makapapayag, Jose Cuervo! Ako lang dapat ang pwedeng gumawa non! Ako lang!"
"Shit! Lower down your voice, baka marinig ka ng mga magulang mo."natatawang aniya kaya hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko. At bakit siya natatawa? Mukha ba akong katawa-tawa sa harapan niya dahil ipinapakita kong nagseselos ako?!
BINABASA MO ANG
All for You
RomanceAurelia Alvarez got her heart broken when Siddharth split up with her, revealing that he's still in love with his ex-girlfriend. Jose Cuervo took the chance to be with Aurelia when he found out what had happened that led them to marriage. He tried h...
