Kabanata 3

1.7K 46 3
                                    


KABANATA 3 — Zandra


"Angel..." Ungol ko ng paulit ulit habang nararamdaman ko ang mahabang buhok sa kamay ko. Ngumiti ako sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko. Ang mukha niyang bagay na bagay sa pangalan niya. She's just as beautiful as the angels in heaven.

She is my first everything. Well, almost everything I guess. Siya ang pinakaunang babaeng pinahalagahan ko bukod sa nanay ko. Siya ang unang babaeng naging kalaro ko. Siya ang unang naging matalik kong kaibigan. Siya ang unang babaeng dinala ko sa bahay at pinakilala sa mga magulang ko. She's the first person who told me that dreams aren't figments of our imaginations. That sometimes it's real and it is us, humans, who will prove that these dreams come true in real life. She's the first and only girl I held in my arms—aside from my mother. She's the first girl I liked and the first girl I fell in love with.

And in this drea I am standing in front of her, seeing her smiling at me. Her eyes are the most beautiful among all I've ever seen. Dito mismo, sa puntong ito, pinangarap ko na sana paggising ko, siya pa rin ang makikita ko. I wished that what she told me about dreams is true. Because I want to be with her again... right at this moment.

She hugged me. I smiled again. I closed my eyes and opened it again when I felt her breathing.

Napabalikwas ako ng tayo at nanlaki ang mga mata ko nang makitang ibang babae ang katabi ko. "Shit!" Pabulong kong mura matapos masapo ang aking ulo. My head is pounding and my chest is beating, wildly!

May naalala akong panaginip ko pero malabo na iyon at unti-unti nang nabubura sa isipan ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pagdilat ko, nakahubad na dibdib ang nakita ko.

Fuck! I looked at my naked body. Agad kong hinanap ang mga damit ko at kung saan saang parte na ng kwarto ko iyon nakita. I saw a used condom on the floor and I can't think of anything other than cursing to what happened last night. I bearly remember anything. Naaalala ko pa nung inabutan ako ni Dustin ng condom sa tapat ng babaeng parang linta kung makadikit sa akin. I had enough alcohol to be drunk and wasted, enough to screw the girl whose name I can't even remember. 'Yon lang ang kayang abutin ng alaala ko. Masyado akong lasing para isipin ang iba pa.

Lumabas ako ng kwarto at ang maliwanag at maduming bahay ang namataan ko. Bumaba ako ng hagdan na pantalon lang ang suot. I couldn't find my shirt anymore. Maybe I tossed it somewhere here last night. Wala na akong matandaan dahil bago pa may mangyaring kababalaghan kagabi, nilasing ko muna ang sarili ko. Hoping that I could be brave enough to use the condom Dustin gave me.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at halos dumugo ang labi ko sa pagkagat ko rito. Fuck! I looked like a girl who lost her virginity! Lalaki ako pero inaamin kong unang beses ko iyong kagabi. And I don't think it could be anything memorable for me. I just left the girl naked and used in the room where I got out from. Umiling ako at ngumiwi sa sarili kong nagawa. I regretted everything.

Mga dumi na lang ang ebidensya ng party na naganap dito kagabi. Wala na akong ibang makita kahit na anino nino man. Ako na lang yata ang narito pati ang babae sa taas. Siguro ay nandito rin ang may-ari ng bahay. Bigla ay natabunan ako ng kahihiyan. If someone sees me now, alam ko na agad ang unang maiisip niya. Tumakbo ako patungo sa labasan ng bahay pero imbes na roon ako mapunta ay naligaw pa ako sa kusina.

Great! I have no idea how to get out of here! Madilim masyado kagabi para malaman ko pa kung saan ako nanggaling mula sa labas. Well, if this is the kitchen and the living room is just outside this room, maybe I'm just near the exit. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi hanapin iyon.

Nilakad ko ang maliit na hallway na nagdudugtong sa kitchen at living room ngunit napako ako sa isang mahinhing boses.

"You're house is a mess." Boses ng babae ang narinig ko at halos kumaripas ako patago sa isang sulok nang maisip na baka iyon ang babaeng nagalaw ko kagabi.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon