Kabanata 21

1.1K 28 0
                                    

KABANATA 21 — Let You Know

Narinig ko ang sariling daing nang masilayan ko ang sinag ng araw. Malabo pa at bumabawi pa lang ang aking mga mata sa matagal at mahimbing na tulog. Napigilan ang pag-unat ko ng aking mga biyas nang maramdaman kong masikip ang kama.

Sumilay ang ngiti sa aking labi at dinilat ko ng husto ang aking mga mata.

"Good morning!" Zandra greeted with her most gorgeous smile. Nakahiga pa rin siya sa aking tabi. Magkasalikop ang kanyang kamay na pinapatungan ng kanyang ulo. I saw her white set of teeth. If only she would smile to me like this every day, then I would have the most wonderful days of my life.

Kamuntikan ko nang makalimutan na natulog pala ako kasama siya.

"Good morning!" untag ko. Tumayo ako ngunit nanibago nang itukod ko ang kanang kamay sa kama. When I looked at it, I saw a gauze wrapped around the bleeding wound I had last night.

"Ginamot ko... Where'd you get that by the way? Nakipag-away ka ba?" tanong niya sa akin, umuupo na rin sa kama.

Umiling ako at kusang napangiti sa aking sugat. "Nah..." Hindi ko na sa kanya sasabihin ang dahilan ng sugat na ito. If she knew that she's the reason why I got this, then she'll be bothered once again. When she's bothered, I won't be able to see that wonderful smile.

Tinanguan niya ako. "Gusto ko sanang magluto ng breakfast. But I remembered what happened the last time I worked in the kitchen," tumawa siya. "I figured that... maybe you could help me now? Teach me how to cook?" aniya.

What could be so special about this day? Well, whatever it is, I hope it happens every time she's here. Mas masarap sa pakiramdam ang makitang magaan ang loob niya. It makes me happy too.

"Okay... I'll just go to the bathroom." Tumayo ako at sumunod naman siya nang lumabas ako ng kanyang kwarto.

Pagkalabas ko ng bathroom ay nakahanda na ang lahat ng kailangan para sa aming lulutuin. Naglahad siya ng kamay.

"Para hindi na kuha ng kuha? Last time I did that, nasunog ang niluluto ko," mahina siyang humagikgik.

Napailing na lang ako. Hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking labi mula nang magising ako kanina. This day would be my most favorite among all the days I've been with her.

Nagtungo ako sa kanyang tabi. Sa aming harap ay may isang tray ng egg, ham, at bacon. Ngumuso ako at nag-isip ng aming unang lulutuin. "We'll start with the easiest," pahayag ko.

Kinuha ko ang pan at ang tray ng egg. Ang stove ay sinindihan ko sa medium heat lamang. Ipinakita ko iyon sa kanya.

"Medium heat lang para hindi masunog. Put a small amount of oil... hindi kagaya ng ginawa mo noon na halos gawin mong sabaw ang mantika," utas ko habang ginagawa ang mga sinasabi.

Nagpigil siya ng ngiti sa pamamagitan ng pagnguso. Tumabi pa siyang lalo sa akin upang masilip ang aking ginagawa.

Nang medyo mainit na ang mantika ay kumuha ako ng itlog. "Crack the egg, then lagyan ng konting salt," I showed her how to do it.

Tumango tango siya, tila naiintindihan na ang aking sinasabi at ginagawa.

"Just wait for about two minutes..." Inabot ko ang spatula at kinuha ang nalutong itlog. Ipinakita ko iyon sa kanya matapos ilagay sa malinis na plato. "Depende sa'yo kung gaano kaluto ang egg. I want it lightly cooked," sabi ko. "So... ganito lang dapat ang kalalabasan." Ipinakita ko nalutong itlog sa kanya.

"I want that too," aniya at sinuri ang aking itlog.

Kinagat ko ang aking labi habang pinapanood siya sa kanyang panunuri. Tila tinitingnan niya ang bawat detalye ng itlog na aking niluto. When she was finally satisfied, she smiled at me and nodded her head.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon