KABANATA 16 — Kaibigan Kita
Hindi ko magawang makaalis sa mahigpit na yakap ni Zandra ngunit nang maaninag ko ang sikat ng araw sa bintana ay pinilit kong makawala sa kanya. She's sleeping peacefully. Panatag na ang kanyang mukha at hindi na naulit ang paggising niya kagabi. Whatever dream she had, it didn't repeat again.
Nakatulog ako ngunit pagising gising sa tuwing nararamdaman ko siyang gumagalaw. Humihigpit parati ang kapit niya sa akin na parang aalis ako sa kanyang tabi at kada mangyayari iyon ay mapapadilat na lang ako. Kaya naman nang tumayo ako ay nag-ingat ako upang walang magawang ingay na makakapagpagising sa kanya. Marahang bumagsak ang kamay niya sa kama nang wala nang makapa sa kanyang tabi.
Lumabas ako ng kwarto matapos masiguradong tulog na tulog pa rin siya. Naghanda ako ng madaling lutuin na almusal dahil alam kong ilang minuto na lang mula ngayon ay magigising na siya. She's an early person. Late na nga ito kumpara sa mga naunang natulog siya rito at nagising ng madaling araw. She must have been so exhausted because of what happened last night. And I've been blaming myself eversince.
Nang mailagay ko ang fried egg at bacon sa plato ay pinatay ko na ang apoy. Kumuha rin ako ng tinapay at nagkanaw ng kape. I put everything on a tray and carried it to Zandra's room.
Nang buksan ko at bahagyang tinulak ang pinto ay nakaupo na siya sa kama. Nagtama agad ang aming mga mata at ilang segundong ganoon bago niya tiningnan ang tray na dala ko para sa kanya.
"Breakfast?" mahinanon kong tanong at sinamahan iyon ng isang ngiti.
I don't know if I should walk to her. Nadala ako kagabi nang halos itulak niya ako palayo sa kanya. Like I am a terrifying stranger to her. Naramdaman ko ang kaunting kirot sa aking dibdib nang maalala ang lahat ng emosyong nakita ko sa kanya.
Nang tumango siya ay saka pa lang humakbang ang mga paa ko. Itinabi niya ang kumot at naglagay ng unan sa ibabaw ng hita. Itinuro niya iyon at doon ko ipinatong ang pagkain niya.
Tumitig muna siya roon ng ilang saglit. I was staring at her in dead silence. I want to ask if she's okay but I don't want to remind her of what I did last night. Natatakot akong magalit siya sa akin ulit. And this time, sa akin na talaga siya magagalit at hindi na sa kung sinong naalala at nakita niya kagabi.
Kinagat ko ang aking labi. I didn't dare come near her. I didn't seat beside her. Kahit na mahigpit ang yakap namin sa isa't isa kagabi, parang hindi tama ang kahit pagtabi na lang sa kanya ngayon. She's fragile right now. I don't want to do anything to break her again. I don't want to see her slowly shattering into pieces once more.
Nagsimula siyang ngumuya nang matapos sumubo. I can't help the smile on my lips. It's so good to see her getting better. Ngunit nang bumaling siya sa akin ay agad na nawala ang aking ngiti.
"Andrew..." For a moment I thought we were going to talk about what happened. But when she pointed at her food, I realize that we won't. "Kumain ka na rin ba?" tanong niya.
I sighed. Umikot ang kanyang panginin sa aking buong mukha. Nanlumo ako sa ginawa niyang iyon. Malamig ang tingin ng kanyang mga mata na nakakapangihina.
Umiling ako. "I'm not hungry." It's true. Sa mga nangyari, nakakawala ng gana kumain. Tinuro ko ang pagkain sa harap niya. "You should eat more. Kung kulang pa iyan, mayroon pa sa labas," I told her.
Tumango siyang muli. Nangunot ang aking noo. She's acting like nothing happened. Gusto ko iyon para sa kanya. Pero sana kung may nais siyang pag-usapan, makita naman niya ako at kausapin tungkol doon.
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...