KABANATA 27 — Tanggapin at Patawarin
Sa ilang taong lumipas ay walang ibang naging laman ang puso ko kundi hinanakit, galit, takot, at pangamba para sa mundong ito. I am here on earth, breathing like what humans are supposed to do, but I do not really feel like I'm alive. Para bang humihinga lang ako dahil iyon ang utos ng aking utak sa aking katawan.
Ika nga nila, bilong ang mundo. Minsan, ikaw ay nasa itaas kung saan ramdam mo ang lahat ng kasiyahan, tanaw mo ang kagandahan ng mundo, at pakiramdam mo ay para kang nasa alipaap at lumilipad sa tuwa. Minsan naman ay nasa ilalim ka. Madilim at nakakatakot. Malungkot at parati kang nakatingala sa mga taong nagbubunyi sa kagandahan ng kanilang buhay. Wala kang ibang magawa kundi manood na lang sa kanila at kainggitan ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
Sa akin, walang minsan minsan. Dahil buong buhay ko ay nasa ilalim ako. Hindi ko kailanman naranasan ang mapuwesto sa itaas. Kaya naman bata pa lang ay napupuno na ng kamuhian ang puso ko para sa mga taong nanakit sa akin.
Lumagapak ako at nanatiling nakabaon sa hukay ng kahapon. Para bang pinagkaitan ako ng kakayahang makalimot. Para bang ayaw umusad ng mga paa ko upang magtungo sa panibagong bukas. Lahat ng tao sa aking pagligid ay nakausad na samantalang ako ay nananatili pa ring nakatayo sa lupa ng nakaraan.
Itinuloy ko ang nauna kong plano. No, I didn't carry on for the sake of obeying the orders of my father. I didn't do this so my mom would be satisfied. I didn't do this because I'm scared of kuya. I did all this for myself.
"Don't be selfish, Zandra. You know you couldn't love the man fully. Hindi mo pa nga naaayos ang sarili mo ay damdamin na agad ng iba ang inaatupag mo? Naiintindihan mo ba, Zandra?" paulit ulit si kuya. Matapos ng huling atake ng aking mga memorya ay ito na parati ang sinasabi niya.
After what happened to me that night, they postponed my flight to France. Anila'y hindi nila ako hahayaang umalis sa ganoon ang kalagayan. But after a week, after days of thinking and convincing myself that this one's the better choice, pumayag na akong umalis patungong France upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral.
"I'm, aware of that, kuya... I get you, okay? Ang gusto ko lang talaga ay makita siya. Kahit silip lang ay ayos na," pakiusap ko pa. Bukas ay aalis na ako. It's my final decision but they still won't trust me about it.
"I also understand your sentiments, li'l sis. But just so you know, my princess, if it isn't obvious to you, bantay-sarado ka ni dad. There are bodygards everywhere. Kahit noon pa man. Hindi mo lang sila nakikita," aniya.
Inikot ko ang paningin sa labas ng building ng apartment ni Andrew. Where? Kuya's right. I really can't see them. I know that I have my bodyguards but I haven't seen any of them. Wala namang seryosong nangyaring masama sa akin mula nung thirteen years old ako kung saan pinagsamantalahan ako ng sarili kong boyfriend. After that, nothing happened anymore and my bodyguards remained hidden up until now.
"Can you just pretend? Kunyari ay may kaibigan ka..." Bago pa ako matapos ay pinutol na niya ako.
"No, we can't pretend here, Zandra. The men aren't stupid. They know exactly where we are. Pinabayaan ka lang dahil pinakiusapan ko silang hanggang labas lang tayo at hindi lalapit," may awtoridad na sa boses ni Kuya Zac at batid kong hanggang doon na lang ako.
Tiningnan ko ang building kung nasaan ang apartment ni Andrew. Halos manginig ang labi ko sa pagpipigil na umiyak. Kuya will freak out if he sees me crying again. Kaya nakuyom ko na lang ang aking kamay sa gilid habang nakatitig sa lugar kung saan ko iniwan ang lalaking una kong minahal.

BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...