KABANATA 17 — Early
Pagkaalis ni Zandra ay tumawag ako kay daddy. I don't want to forget about his birthday again. Kaya habang naaalala ko pa ay babati na ako sa kanya. Matatapos na rin ang gabi sa Manila at mahuhuli na ako kung hindi pa ngayon. I heard the low sounds from the background when my father answered his phone. Umupo ako sa couch at malawak na ngumiti.
"Happy birthday, dad!" Hindi pa man niya ako sinasagot ay ito na ang sinalubong ko.
Isang tawa ang narinig ko mula sa kanya. Hindi ko man madalas naiisip o nasasabi sa kanila, but I miss them so much. Especially dad. Ilang buwan na rin mula nang huli siyang bumisita rito kasama si mommy. I miss talking to him and hearing his advice when I need it. He always know the right words to say to me. Habang si mommy ay puro pagalit sa akin, si dad naman ay puro payo kung paano ako mas magiging mabuting tao.
"Thank you, son. I thought you'd never greet me," aniya sa masiglang tono.
Ngumisi ako. I almost forgot. Pero alam kong maaalala ko rin naman ang kaarawan niya. Masyado lang natabunan ng ibang bagay ang isip ko.
"Dad, pwede ko ba naman kalimutan ang birthday mo?" bumuntong hininga ako. "I'm sorry, I'm not there to celebrate it with you," sabi ko.
Narinig ko ang kanyang paghinga. Hindi maingay ang background. Bukod sa mga boses ng mga tao na bulong na lang ang dating sa akin at ang malamlam na musika ay wala na akong ibang naririnig.
"It' fine, anak. It'll be better when you're here but a call is enough for me. Hindi naman ako kagaya ng mommy mo," mapaglarong sabi niya.
Natawa ako sa kanyang kumento. Hindi nga siya kagaya ni mommy. Magkaibang magkaiba siya na minsan hindi ko maintindihan kung paano sila nagkakasundo.
"Right!" humalaklak ako. "So, how's the celebration?" Sumandal ako sa upuan at naghintay sa kanyang mga kwento.
"Just the usual, anak. Kagaya lang ng mga nagdaang taon. Edad ko lang ang nagbago." Sabay kaming nagtawanan.
There this bond between me and my dad that I can't feel with anyone else but him. Kahit kay mommy ay hindi madalas ang biruan sa mga usapan namin. Siguro kasi pareho kaming lalaki ni daddy kaya iba ang pagkakaintindihan naming dalawa. Mataas ang tingin ko sa aking ama at idolo ko siya sa lahat ng magagandang nagawa niya. Hindi ko lubos maisip na 55 years old na siya ngayon at ilang taon na lang ay senior citizen na. Natawa ako sa aking naisip pero nalungkot din. He's getting older.
"Kailan ka naman bibista rito, anak?" tanong niya sa akin.
Sa tanong niya ay parang hindi na tahanan ang tingin ko sa Pilipinas. Bibisita? Ang akala ba nila ay wala na akong balak umuwi at dito na ako titira? Bakit ako bibisita sa sarili kong tahanan? Ngumuso ako at nainis sa aking sarili. Kasalanan ko dahil ito ang pinaramdam ko sa kanila. Isang taon na mula nang huli akong nakatapak sa Pilipinas.
Lumunok ako. "Dad, uuwi ako. Kulang lang talaga ako sa oras ngayon..." Naalala ko si Zandra at ang kagustuhan kong samahan at tulungan siya.
"You don't have enough time? It's your vacation, son. Please, don't use your studies as an excuse for not coming home kahit na bakasyon lang. Hindi pa nagsisimula ang pasok mo at alam kong gawa gawa mo lang ang rason mo noon sa amin ng mom mo," aniya sa tonong bistado ang mga palusot ko.
Hindi ako nakaimik.
"Is it still because of the girl..." Hindi naituloy ni dad ang sasabihin. Maybe he's thinking if it's right to open this topic right now.
BINABASA MO ANG
Tainted
Narrativa generaleZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...