KABANATA 46 — Afterlife
Matindi ang hagulgol ko nang mabasa ang sulat-kamay niyang pangalan.
Daddy.
I used to call him daddy with so much love and adoration. Pero nang magsimula ang lahat ay nawalan ako ng respeto sa kaniya. The way I call him 'daddy' changed. I remembered how I call him that way with hatred and disgust. Hindi na bumalik ang dating respeto ko sa kaniya lalo na nang ulit-ulitin niya ang pagpapahirap sa akin.
Noon naisip ko na nakakadiri na maging ama ang isang tulad niya. Fathers should love their children. They should take care of them and give them the best life they deserve. Hindi iyong kagaya ng pambababoy niya sa akin. Hindi iyong siya pa ang nagbigay ng pinakapangit na karanasan para sa akin.
And even when I read his letter, the hatred in my heart still remained. Tama siya. Walang tamang eksplanasyon sa lahat ng mga ginawa niya. Walang tamang rason. Dahil kahit saang anggulo man tingnan ang mga paliwanag niya, hindi iyon katanggap tanggap para sa isang musmos na dinungisan niya ang pagkatao.
Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Hinayaan kong yapusin ako ni Andrew. Isinandal ko ang aking likod sa kaniya. Hinayaan kong saluhin niya ang nanghihina kong katawan. Kung wala siya rito, malamang ay bumigay na ang katawan ko sa lupa. At ang lupang kinatatayuan ko ang magiging karamay ko sa hirap na nararamdaman ko ngayon.
"It's okay, Zandra. Everything's going to be okay..." ani Andrew.
Those words mended my soul but also shattered my heart. What Andrew said helped me be fine after reading the letter. But my heart was completely broken by the fact that the one who did all this was apologizing and I couldn't even bring myself to imagine that I am forgiving him. Pero gustong gusto kong magpatawad. Gustong gusto...
"Should I forgive him now?" tanong ko kay Andrew habang nakatitig sa nakaukit na pangalan. Kahit na itanong ko pa iyon, alam ko na sa sarili ko ang sagot.
Reading his letter might be fine for me. But giving him my forgiveness? It's too much to ask right now.
Naramdaman ko ang pag-iling ni Andrew sa aking likod. "You don't have to... At least not yet," aniya. "Pinabasa ko sa'yo ang sulat para mapanatag ka na. Para alam mo kung anong rason niya sa mga nangyari. Although I also thought that his reasons were not acceptable. Hindi ko sinasabing patawarin mo siya, Zandra. What I want you to do is to stop letting him ruin your life. Dahil tapos na. Wala na siya. He may be somewhere suffering all the punishment for what he's done to you. He had a letter for you. Nanghihingi siya ng tawad. He's done ruining your life, Zandra. He regretted everything. Naramdaman ko rin iyon sa sulat niya at alam kong ikaw rin. This is the closure that you need. Kailangan mong malaman na nagsisisi siya para makalimutan mo na ang lahat."
Sa paliwanag na iyon ni Andrew ay lumuwag ang paghinga ko.
Ang sinabi niya ay ang bagay na kahit ako ay hindi ko makuha noon. Mayroon nga akong gustong mangyari. Pero dati, hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko mapangalanan. Now that Andrew said it, it became clear to me. Iyon nga ang gusto kong mangyari. Ang malaman ang mga dahilan at ang kahit papaano ay makarinig mula sa kaniya. In my case, I was only able to read his thoughts.
I want reasons. Even though the reasons might be unacceptable, I still want to hear it. I want to hear his apology. I want him to beg for my forgiveness. That's what I've been longing for. The explanations, reasons, and apologies. Iyon naman kasi talaga ang kailangan ng mga taong nasaktan hindi ba? Though we are not sure if we could forgive the one who hurt us, we still want to hear from them. Maghahanap talaga tayo ng mga dahilan kung bakit tayo sinaktan. Itatanong natin kung ano nga ba ang nagawa natin at dinanas natin ang sakit. What did we do to deserve all that?

BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...