Kabanata 13

993 34 0
                                    

KABANATA 13 — That's It, Nothing Else


Tumakbo ako sa pinto nang marinig ang hindi makapaghintay na malalakas na katok. Pinadaan ko ang mga daliri sa aking magulong buhok bago ko pinagbuksan si Zandra.

"This should be very important, Andrew." Tuloy tuloy ang kanyang pagpasok at pag-upo sa aking sofa. Pinatong niya ang bag sa coffee table at natabunan niyon ang envelope na kanina ko pa tinititigan.

"Hindi kita papapuntahin dito kung hindi," utas ko at lumapit sa kanya. "You want juice? Gawan kita ng salad kung gusto mo," sabi ko habang nakadungaw sa kanya.

She glared at me. Umatras ako at tinaas ang dalawang palad, parang sumusuko. "Fine," pagsuko ko.

Umupo ako sa kanyang tabi. Sinandal naman niya ang likod at ulo sa malambot na sofa. Parang tamad na tamad sa pagpunta rito. Lumingon siya sa akin at hinintay ang dahilan ko kung bakit siya pinapunta.

Kinuha ko ang kanyang bag at itinabi iyon. Lumantad ang envelope at tinuro ko iyon sa kanya. Huminga ako ng malalim. "My dad's birthday is next week," panimula ko. Pero iyon pa lang ang nasasabi ay sumabog na agad ang bulkan sa katawan niya.

"What?! You asked me to come here because your dad's birthday is next week?" paghihisterya niya.

Umirap ako at ginulong muli ang aking buhok. "Hindi pa 'yon, okay? Patapusin mo muna kasi ako!" bahagya tumaas ang boses ko kaya naman tumigil siya.

Huminga uli ako ng malalim.

"Ayokong umuwi. Bakasyon man pero ayoko talagang umuwi." Kinuha ko ang envelope at itinapat iyon sa kanyang mukha. "My mom sent me this ticket kasi ayokong bumili para sa sarili ko. Balikan ang ticket pero ayoko talaga." Sumandal ako sa sofa kagaya niya.

"Oh? Tapos? Anong gagawin ko?" aniyang bakas na wala na siyang pasensya. Hindi na naman niya napigilan ang paghalukipkip niya.

Sa ilang araw na pakikipag-usap at pagtulog niya rito ay nasasanay na ako sa kanya. Hindi ko na pinapansin ang pabago-bago niyang ugali na mas madalas na laging galit at iritado. Although I still can't get over her choice of clothes. Lagi siyang naka skirt kung saan nakikita ko parati ang mahahaba niyang legs.

"Kailangan kong mag-isip ng idadahilan.," utas ko. "I gave them the same reasons eversince I got here. Baka kapag parehong dahilan na naman ay hindi na nila ako payagan," paliwanag ko.

Iyon talaga ang mangyayari. Ayoko nang irason na kaya ayaw kong umuwi ay dahil ayokong balikan ang aking nakaraan. I am done with my past and I am not making a big deal out of it anymore. Also, this time, it isn't because I don't want to see Angel. Kahit makita ko pa siya ay ayos na sa akin. Sigurado akong wala na akong mararamdaman na kahit ano sa muling pagkikita naming dalawa. Kaya hindi na maaari ang mga rason na ito. Magsisinungaling lang ako kung gagamitin ko ulit iyon.

"Sabihin mo na nagre-ready ka na for college. Tell them that you are frequently visiting the university to be familiar with it. Sabihin mo nag-a-advance study ka ng mga lessons mo," inisa isa niya ang lahat ng maaaring idahilan.

Pero lahat ng iyan ay nasabi ko na!

Hilaw akong tumawa. "Believe me, Zandra. I already told them those reasons pero mapilit ang parents ko. Lalo na si mommy. Kahit mga tatlong araw lang daw ay sapat na sa kanila."

"Eh bakit ba kasi ayaw mong umuwi?" tumuwid siya ng upo at hinarap na ako. Umurong ako palayo nang ipatong niya ang isang hita sa ibabaw ng sofa.

Huminga ako ng malalim at tumikhim. "Ayokong bigyan sila ng chance na pilitin akong mag-stay na sa Pilipinas." What I said is true. My mom will do everything to make me stay. Anything. If she has to cage me so I won't get away, she would.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon