Kabanata 50

1.2K 29 1
                                    

KABANATA 50 — Completely


"Tell me everything," pagkasabi niyon ni Aunt Barbara ay sinabi ko sa kaniya ang lahat.

From the day I stepped foot on this country up to this very moment. Wala akong iniwang detalye. Kung mayroon man ay iyong maliliit na lang at mga hindi mahahalaga.

"So this Andrew had helped you with everything?" tanong ni Auntie.

Tumango ako. If there's one thing that I want to share to Aunt Barbara, it's the goodness of Andrew. I want them to like Andrew just like how his parents like me for him. Wala akong kailangan pagandahin sa ugali ni Andrew. He is natural. Everything he did to me was sincere and heartfelt. Hindi niya iyon ginawa nang labag sa loob niya. At gusto ko iyong malaman ng aking pamilya. That Andrew would be really good to me. He is good for me.

"Does your father know about this?" tanong niya.

Ngumuso ako. If dad knows, would he be mad?

Umiling ako bilang sagot.

"He should know about this, Zandra," she said with conviction. Alam kasi niya na tutol ang daddy sa pakikipagrelasyon ko noon kay Andrew.

My father was the one who insisted that I should avoid Andrew. Noon ay hindi ko na sila sinuway. I did it because I have to. I really have to leave him for myself.

Hindi na ako tumutol sa kagustuhan niya. Plano ko naman talagang ipaalam ang tungkol kay Andrew sa aking pamilya. I want them to meet the love of my life. At bago iyon, gusto kong ipaliwanag muna sa kanila ang kahulugan ni Andrew sa aking buhay.

Natapos doon ang usapan namin ni Aunt Barbara. I promised her to tell everything to my parents. Gagawin ko naman talaga iyon. Sa ngayon ay nagpapahinga sila para maibsan ang pagod mula sa mahabang biyahe.

"Kuya..." untag ko.

Umangat ang mukha ni kuya sa akin. He made a face when he saw me widely smiling at him.

"Yes, my princess?" tanong niya.

May yumakap sa aking puso. This is my brother who's always been there for me through out everything. Hindi niya ako iniwan kagaya ng aking buong pamilya. Siya ang naging kakampi ko noong bata pa ako at kahit na nilalayo ko ang aking loob sa kaniya noon, nagsikap pa rin siya para matanggap ko siya sa aking buhay.

"I have a favor," hayag ko.

Nanliit ang kaniyang mga mata sa akin. He has the familiar humor on his face. "What is it?" tanong niya.

Lumapit pa ako at naupo sa kaniyang tabi. We are in the living room. Dito siya nagpasyang magtrabaho sa halip na sa kwarto para naman may kasama ako. Nagdesisyon akong huwag muna umuwi dahil dito sa nais kong mangyari. And another reason is I want to spend more time with them.

"I want our parents to meet Andrew," hayag ko.

Saglit ako tinitigan ni kuya. I think he is reading what's on my mind. If he says yes, I will tell my parents right away. Mamaya kapag gising na sila ay sasabihin ko na. I want this to happen as soon as possible.

"Talaga bang iyan ang gusto mong mangyari? You know where dad stand about this," aniya.

Napatungo ako. "Ang ginawa ni daddy ay para sa kabutihan ko five years ago. It's different now, kuya. Alam mo naman iyon," sabi ko.

Tumagilid ang ulo niya. Inilagay niya ang kaniyang laptop sa maliit na mesa sa aming harap. Iniwan niya iyon doon at lumapit ng pag-upo sa akin.

Huminga siya ng malalim. Hindi ko alam kung matutulungan ba ako ni kuya rito. Is it so hard to help me with this? Siguradong papayag naman si mommy at daddy. Lalo na kung napansin nila ang mga pagbabago. I hope Aunt Barbara will help me explain too. Kung magiging problema ito ay hindi ako susuko.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon