KABANATA 22 — Sapat Na Ba?
Sa isang overlooking skyline kami nakarating ni Zandra. Siya ang nagturo sa akin sa pagpunta rito. Sabay kaming lumabas ng sasakyan at tumambad sa amin ang malamig na simoy ng hangin. She hugged herself as she walked to the place.
Naghahalo ang mga munting kulay kahel ng liwanag at mas malawak na kadiliman sa kalangitan. Lumubog na ang araw. We haven't had the chance to watch the sunset. Ngunit ang ganda ng tanawin ay maaari nang ipagpalit sa panonood ng paglubog ng araw.
We are the only people in the place. Tama si Zandra na pribado rito kahit na pam-publiko ang lugar. If there is a place like this in the Philippines, I'm sure na hindi mawawalan ng tao roon. People in the Philippines knows how to appreciate. They know how to love even the small things that could make them happy.
Ngunit kahit na maaliwalas sa pakiramdam, hindi ko magawang ma-appreciate ng husto ang kagandahan ng syudad dahil sa namumuong kaba sa aking dibdib. But I still let myself witness the breathtaking skyline of New York City.
Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Zandra. I looked at her. Naglakad pa siya paharap. Nang makuntento ay huminto siya at tumuwid ng tayo. Hinayaan niya ang sariling sumama sa ihip ng hangin.
I'm right. She belongs to such wonderful places. Kung sana lang ay alam niya iyon. Dahil sa nakikita ko, ang hitsura niya ay iyong tipong hindi magawang makisama sa kanyang paligid. Hindi magawang makisalamuha sa mga taong lumalapit sa kanya. Para bang kakaiba ang tingin niya sa sarili at tila bawal siyang makihalubilo sa mga tao man o lugar.
"This place have been my sanctuary eversince." Sinipat ko siya nang magsalita. Pumikit siya at inamoy pang muli ang hangin. Sa aliwalas niyon ay inasahan kong mawawala ang kaba sa aking dibdib. Sana ay mawala rin ang bigat ng mga nararamdaman ni Zandra.
This is it, Andrew. You've been asking for this since you met this girl. Now, she'll let herself be open to you. You should be ready. Ang tagal mo itong hinintay.
Nilunok ko ang lahat ng namuong bara sa aking lalamunan simula pa nung umalis kami sa park. The whole ride was a complete silence between the two of us. She didn't talk, she didn't even look at me. Ngayon lang siya muling umimik mula kanina.
Halos mapatalon ako nang balingan niya ako. "I mean... Itong lugar na ito. Ang syudad na ito. This state, this country," aniyang nakalahad ng isang kamay.
Ngumiti siya at pinikit uli ang kanyang mga mata. Malalalim ang hugot niya ng hininga. Hindi ko naiwasang sabayan siya. If it would be hard for her, then I'm sure as hell that it would be hard for me too. Sana ay kayanin ko ang lahat ng ito.
"My mom lived here since I was born. I mean, literal, Andrew. Nang maging maayos na siya matapos akong ipanganak ay agad siyang tumungo rito. My brother's here as well that time. My father too. Naiwan akong mag-isa sa... Pilipinas," aniya. Ang huling salita ay tila mahirap bigkasin para sa kanyang dila.
Naglakad siya pabalik sa akin. Nakasandal ako ngayon sa harap ng aking sasakyan. Mas maigi rito dahil nararamdaman ko ang init ng makina ng kotse. Nakakatulong iyon sa lamig ng lugar. Nagsisi ako na hindi ako nagdala ng jacket. Wala tuloy magagamit si Zandra ngayong nilalamig siya. Patuloy ang paghaplos niya sa kanyang mga brasong nasa kanyang dibdib.
"I am not carrying the name of my real father."
Napaawang aking bibig sa katiting na pagbubunyag niya tungkol sa sarili. Doon pa lang ay nagulat na ako. Doon pa lang ay mas dumami na ang tanong. Doon pa lang ay parang may pumiga na sa aking puso.
BINABASA MO ANG
Tainted
Fiksi UmumZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...