KABANATA 43 - Kwarto
Everything around me changed from the present to the day when my mother left me. That was more than twenty years ago. Malabo na ang mga alaala pero naririnig ko pa rin ang aking sarili kung paano ako umiyak noon. She said she's gonna visit me if she had time. She promised she'd come back. She said that someday, she would also bring me to the place where she was going. Iyon ang mga pinangako niya sa akin na pinangarap kong tuparin niya.
Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng gate. Ang bahay sa loob ay masisilip lang mula rito. It has changed. Pero ganoon pa rin ang disenyo ng bawat kanto ng bahay. Kahit na iba na ang kulay ng pintura, kahit na napuno ng halaman ang paligid nito, iyon pa rin ang bahay na tinirhan ko noon.
Batid kong nanonood si Owen sa akin mula sa kanyang kotse. I sighed in relief when he didn't follow me. Tama lang na naroon lang si Owen. I have to do this by myself. Kung may mangyaring masama sa akin, doon ko lang siya kakailanganin. But right now, I need to be alone.
Kahit na nagdadalawang isip na pindutin ang doorbell ay sinunod ko pa rin ang dapat at tamang gawin. Maaaring iba na ang nakatira rito. But I want to see the whole place. I want to get back to the place where it all happened.
Nakailang pindot na ako ng doorbell ngunit wala pa ring lumalabas sa pinto sa loob. Malapit na akong sumuko. If no one will come outside, then I will just stay here outside while giving myself a chance to get back to the life I had before. Or I could just come back tomorrow or the next day.
Pero nang makarinig ako ng mga kaliskis mula sa loob ay nabuhayan ng pag-asa ang puso ko.
"Sino 'yan?" isang medyo batang boses ang nagtanong mula sa loob.
Nang lumabas siya ay agad kong napansin ang dumi sa kanyang katawan. Nakatitig ako sa kaniya nang batiin niya ako.
"Hi!" anang babae.
Inaasahan kong isang matanda ang lalabas mula sa pinto pero sa boses pa lang niya ay nasiguro kong bata pa ito. Sa tingin ko ay matanda ako sa kaniya ng ilang taon base sa hitsura at pangangatawan.
"Uh, good morning," bati ko rin. Tiningnan ko ang kaniyang likod kung nasaan ang pinto.
"Sorry, ang dumi ko!" tumawa siya at pinunasan ng kamay ang mukha. "Nililinis ko kasi 'tong bahay. Kaaalis lang nung huling nagrenta rito. Ang dumi sa loob!" puno ng iritasyon ang boses niya. "Oo nga pala. Ako si Ferna," usal niya.
Ngumiti ako. "I'm Zandra," pakilala ko rin sa aking sarili.
Nilingon ko si Owen. Dahil hindi tinted ang pinahiram na sasakyan sa kaniya ni kuya ay nakikita ko siya mula sa labas. He's just staring at me. Wala na ang frustration na nasa mukha niya kanina lang.
"Pwede mong tingnan ang loob kaya lang sinasabi ko sa'yo, ang dumi talaga. Parang mga hayop ang tumira," usal ng babae.
Napangiwi ako sa deskripsyon niya sa mga taong tumira roon.
"Ang ganda at linis pa naman ng suot mo," pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"A-ayos lang sa akin," sagot ko kahit na hindi ko siya maintindihan.
Binuksan niya ang gate. Tumapak ako papasok doon. At lot of memories flooded in my mind just by stepping inside the gate.
"Mukhang hindi maayos ang loob ng bahay pero sinisiguro ko sa'yo na maganda naman iyon at maluwag. Limang tao ang pwedeng tumira. May isang kwarto sa first floor at tatlo naman sa itaas," aniya.
Unti unti ay napagtatanto kong pinapaupahan ang bahay na ito. At akala siguro niya ay narito ako para roon.
Nagusot ang aking kilay habang nag-iisip. Where is the owner of the place? Sigurado akong hindi na si... hindi na siya ang may-ari nito ngayon. He's long gone. Wala akong nakilalang kamag-anak niya noon. It was always been just me and him.
![](https://img.wattpad.com/cover/32799021-288-k522241.jpg)
BINABASA MO ANG
Tainted
Ficción GeneralZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...