Kabanata 29

810 31 0
                                    

KABANATA 29 — Detailed and Emotional


Nakatulala ako sa hindi mawaglit na ngisi ng lalaking nasa harap ko. He said his name was Owen. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang unti unting naaalala ang pagkikita namin noon sa isang party kung saan ako sinama ni Andrew.

"Owen..."

"Mm-hm. Owen Ralph Estacio," sambit niya sa kanyang buong pangalan. May pagmamalaki sa kanyang tono ngunit pansin naman doon ang pagiging pala-kaibigan.

Nilahad niya sa aking harap ang kanang kamay. Nagbaba ako ng tingin doon bago binalik uli ang paningin sa kanyang mga mata.

I accepted his hand shake. Isang beses na gumalaw ang kamay namin at binitiwan niya agad iyon. A smirk is still plastered on his face.

"I remembered that I haven't introduced myself to you properly before. Lasing ako noon pero may naaalala pa rin naman ako lalo na dahil ikaw ang pinakilalang date ng kaibigan ko," he politely said.

Nanliit ang aking mga mata sa kanya. He was drunk that time. Naalala ko na nga. I remembered his remarks and how he looked at me like it's so unusual for a girl like me to be in his party. But I don't remember him talking to me in tagalog that time. Hindi nito alam na Pilipino rin ako katulad niya. Naalala ko pang hayagang pinag-usapan nila ako sa lenggwaheng akala nila ay hindi ko maiintindihan.

Tumango ako nang magtagal ng ilang segundo ang panunuri ko sa kanya. He doesn't look like he's drunk now. He's holding his glass of liquor with his right hand and by the looks of it, hindi pa niya ito nababawasan.

"Naalala ko na," utas ko at nanlaki ang mga mata niya roon.

Umiling siya na para bang may hindi kapani-paniwalang naririnig at nakikita. "All the years that I've known you, I didn't know that you were a Filipina. I thought you're a Latina. Never thought that you're an asian too," aniyang sinusuri ang aking mukha.

Hindi na ako nanibago sa kanyang kumento. Siguro inisip niyang Latina ako dahil sa kutis kong hindi naman gaanong maputi kagaya ng kulay ng mga amerikanang babae. My hair has a natural brown color. Nahaluan na ako ng iba't ibang foreign bloods ng aking ama kaya siguro naghalo halo na rin ang kinalabasan niyon sa pisikal kong anyo. I looked more westernized instead of Asian.

Saglit kong pinasadahan ng tingin ang features ni Owen. Black hair, dark and round eyes, and a fair skin. Yeah, he has the characteristics of an Asian, a Filipino. I wonder if he's pure like Andrew.

Matipid ang aking ngiti. "No one knows, really. Only my closest friends..." Like Sukie, Helen, Andrew... I don't really have many friends before.

Ilang beses siyang tumango. Sa wakas ay lumayo siya at binalik ang tamang distansya sa pagitan namin. Naupo siya sa stool na katabi ng akin. Lumayo nga siya ngunit hindi naman ako tinantanan ng mga mapanuring mata niya.

"Hm... And I assume, just like everyone else, I didn't know that you can be..." pinagmasdan muna niya ang kabuuan ko sa pang-ilang pagkakataon bago itinuloy ang sasabihin. "...approachable too."

Napangiti ako nang marinig iyon mula sa kanya. I'm approachable, huh?

Kumislap ang mga mata ni Owen na para bang sobrang kamangha mangha ang nakikita sa harap niya. He's Andrew's friend. I wonder if he talked about me to them. Maaaring nakilala ako ni Owen dahil kay Andrew. But I was reminded of I've heard before when Andrew brought me to his party. Si Owen ang may kilala sa akin at ang mga impormasyong alam ni Andrew ay nanggaling sa kanya. I remember na inamin ni Andrew na nagtanong tanong siya tungkol sa akin sa kanyang mga malalapit na kaibigan.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon