Kabanata 9

1K 34 0
                                    

KABANATA 9 — Fate


Pagkabalik ko galing ng kusina ay nakaupo na si Zandra sa mahabang sofa ng aking apartment. She's looking at the stuffs piled on the coffee table. Yumuko siya roon na parang tinitingnan maigi ang mga naroon. Nakita ko ang envelope na hinawakan pa niya ngunit hindi naman kinuha.

Ngumisi ako. That's my acceptance letter from NYU. Ang nasa tabi nito ay ang mga librong binili ko tungkol sa kukuhain kong kurso at ang ilang magazines tungkol sa university.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya. Umangat ang tingin niya sa akin at saka dumiretso ng upo. Ngumuso siya at pinadaanan ng tingin ang kabuuan ng aking living room.

"Mas malaki ang apartment mo kaysa kay Sukie," aniya. Ito ang unang beses na nagsalita siya mula nang tumakas kami roon sa mga lalaki. This was also the first time she initiated the conversation.

Itinabi ko ang mga papel sa mesa at nilapag ang dalawang platong kinuha ko mula sa kitchen. "Yeah. Two rooms kasi ito." Hindi ako sa tabi niya umupo. I'm thinking that I should be good this time. Hindi ko na muna siya iinisin. Kahit na wala naman akong ginagawa para mainis siya sa akin.

Tumango siya. Umikot muli ang paningin niya at tumigil iyon sa pinto.

Inunahan ko na siyang magsalita. "You should stay here for a while. Baka nandoon pa sila. Or probably, they're waiting for you at the lobby," utas ko habang nakatitig sa kanyang mukha.

Bumaling uli siya sa akin. Hindi ko maiwasan pansinin ang pagiging inosente ng kanyang mukha. The innocence is so obvious lalo na kapag hindi nakakunot ang noo niya. Pero batid kong hindi na siya ganoon kainosente pagdating sa ilang bagay. I bet that she'd seen worse, experienced worst, kaya ganoon na lang ang pakitungo niya sa ibang tao. Lalo na sa mga lalaki.

Nakagat ko ang labi ko nang tumango siya. Masunurin din naman pala siya minsan.

Nilagay ko sa harap niya ang platong dala ko. Ang adobo ay nasa gitna at libreng kumuha kung gusto niyang kumain. Pero sa halip na iyon ang mangyari ay ako na mismo ang naglagay sa kanyang plato.

"Kumain ka muna... habang nandito ka." Naglagay na rin ako sa sarili kong plato. Tumayo ako at kinuha ng juice na kinanaw ko para lang sa kanya.

Palabas ako nang makita ko siyang nakataas ang kilay at ngumunguya. One side of her lips went up and I knew that she liked the food. Biglang gusto ko na lang tumayo roon at panoorin siyang kumain. Pero mas maganda yata kung mas malapit ako sa kanya at matititigan ko pa ng harapan ang kanyang mukha.

"So?" tanong ko, nakatingin sa tinidor na hawak niya.

Nagtaas siya ng kilay. "So?"

"Is it delicious? Papasa ba?" agad akong ngumisi. Tumungo ako upang makahilig ng kaunti sa kanya. Hindi ko mapigilan ang kung anong pagsabog sa loob ko.

Umismid siya ngunit ngumiti. "Pwede na," sambit niyang bahagyang nanunuya.

Bumuntong hininga ako. Ayos na sa akin ang kumentong iyon. Kaysa naman sabihin niyang hindi masarap.

"Kailan ka huling kumain niyan?" tanong ko. Ang gusto ko talagang itanong ay ilang taon na ba siyang nakatira rito sa US. But I don't want her to feel that I am starting to go into her private world. Kaya mabababaw na tanong muna.

Nagkibit siya ng balikat. Sumubo uli siya at hindi nakalagpas sa akin ang pagkislap ng mga mata niya. Hindi lang pwede na para sa kanya ang luto ko, sarap na sarap siya.

"Years ago. Bata pa ako..." kinagat niya ang kanyang labi. "You know what, marunong kang magluto. Actually, magaling at masarap. How'd you learn to cook?"

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon