Kabanata 40

1K 27 0
                                    

KABANATA 40 - Handa 


"When's the opening?" tanong ni Owen.

Napangiti ako dahil sa excitement. "Next week. You know, I was about to call you to tell the news," sabi ko. "You are invited, of course. But you're already here," nagkibit ako ng balikat.

He pouted his lips and crossed his arms. "Akala ko, 'di mo na ako tatawagan," aniya.

I smiled at the way he speaks Tagalog. Halatang hindi siya masyadong sanay. "Naging abala lang ako masyado rito," sambit ko habang naiisip si Andrew. Almost all of my time was spent with him. If I was busy, it was all because of him. Babanggitin ko na ba kay Owen na nakita at nakausap ko na uli ang kanyang kaibigan?

Humalakhak siya bigla. Ang ulo niya ay humahagis patalikod sa bawat pagtawa. He looked at where my brother was standing. Kausap nito ang mga tauhan ng aking boutique pero hindi ko alam kung tungkol saan.

"Dumating ako early this morning. And then I called Zac and asked him to fetch me at the airport," utas niya.

Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.

"I know..." iling niyang tumatawa pa rin, sumasang-ayon sa reaksyon ko. "Wala akong nakuhang service kaya siya na lang," aniya. "Of course he rejected me. Pero nung sinabi kong sasaya ka kapag dinala niya ako sa'yo ay pumayag siya agad. He really has a soft side just for you," aniya.

Tumagilid ang aking ulo at saglit na natulala sa kanyang ikinwento. Kuya will do anything to make me happy. Ganoon na siya kahit noon pa. I know how real and sincere he is. Kahit ang hindi niya makasundong si Owen ay napapayag siya para lang sa akin.

Nagkwentuhan pa kami ni Owen tungkol sa kung paano siya nagdesisyon bumisita. He said the hotel management found someone who could take over his position while he's gone. He grabbed the opportunity for a vacation. Hindi naman siya nagbabakasyon noon o humihingi ng leave kaya madaling napagbigyan ang kanyang hiling. And according to him, he is the most efficient general manager among their hotel chains. Hindi raw siya hahayaan makawala ng kumpanya kaya madali niyang nakuha ang simpleng hiling.

"Ang yabang mo," kumento kong tinawanan lang niya.

It's past four in the afternoon. Isang oras na kaming nag-uusap ni Owen. I checked my phone for any messeges but there's none. Hindi rin tumawag si Andrew. Inisip ko na baka seryoso ang meeting nila ng kanyang mama kaya hindi niya magawang tumawag. He said his mother misses him a lot. Sana naman ay hindi siya magmadaling umuwi dahil maayos naman ako rito.

"I'm famished!" singhap ni Owen habang hinihimas ang tiyan. "Is there some place where we can eat?" tanong niya.

Ang unang pumasok sa isip ko ay ang Cor'ssia, ang restaurant nila Andrew.

"May alam ako. But..." tiningnan ko ang tiyan niya habang nangingiti. "Could your tummy wait for a few more minutes? May hinihintay kasi ako," untag ko.

HIndi na ako nakapaghintay. If Andrew can't text me, then I will. Sasabihin ko lang sa kanya na aalis ako saglit ng boutique at hintayin ako kung mauna man siya rito. I don't want to interrupt him but I think I should inform him about what I do.

Nagtipa ako ng message sa aking phone. Naghintay sa akin si Owen habang nanonood.

Ako:

Andrew, are you busy? I just wanna ask kung anong oras mo ako susunduin? A friend visited me. Gusto kong makilala mo siya.

Mabilis akong nakatanggap ng reply.

Andrew:

Almost done. Sinong kaibigan?

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon