Kabanata 10

1.2K 32 0
                                    

KABANATA 10 — Tell Me Where


Sa hanay ng mga kotse ay nakita ko ang akin. Sarado na ang makinarya niyon at mas malinis tingnan kumpara sa hitsura nito dati. Siguro ay nilinis na rin ito. Tinapik ko ang harap niyon nang makalapit ako at sumulyap sa pinto ng shop. Her car is parked outside so that only means she's here again. Siguro ay hinatid ulit si Sukie.

The bell rang and a slender figure went out from the door. Natigilan si Zandra nang salubungin ko ang tingin niya. I smirked and she frowned.

"Hi!" bati ko sa kanya at winagayway pa ang kamay.

Umirap siya at tumungo sa harap ng kotse ko. "What are you doing here?" tanong niya, may pamilyar na iritasyon sa boses.

"I brought my car here last time. Pinagawa ko, do you remember? How about you? What are you doing here?" tanong ko rin. Pumunta ako sa harap niya.

"Hinatid ko si Sukie," sagot niya at humalukipkip. Agad naman niyang binaba iyon nang mapansin ang pagbaba ng tingin ko sa kanyang dibdib.

Nagtaas ako ng kilay. "Are you and Sukie..." hindi ko natuloy ang sasabihin nang singhalan niya ako.

"No!" sikmat niya.


"What? You're not friends?" tanong ko, umawang na naman ang bibig sa bigla niyang pagsabog.

"Huh?" Nawala ang tapang sa kanyang mukha.

"I'm asking if you and Sukie are friends. Palagi mo siyang hinahatid dito. And you come to her apartment." Nagtataka ako kung bakit kada kakausapin ko siya ay iritadong iritado siya.

Saglit na nakaawang ang bibig niya. And then she suddenly laughed. "Oh. Yes, we're friends. She's a childhood friend," sagot niyang may kinang sa mga mata.

Hindi iyon nakalagpas sa akin. I'm sure she realized that what she just did is wrong because she cleared her throat and got serious again. Ano naman kayang mali sa pagtawa?

Kung ganoon ay matagal na silang magkakilala ni Sukie. Kaya naman pala sobra ring mag-alala si Sukie sa kanya. Naalala ko pa kung paano ito nakiusap sa akin para lang sa kanya.

Umalis siya sa harap ko at inikutan ang sasakyan ko. "Is this your car?"

"Uh-huh," sagot ko, hindi matanggap ang panunukso sa kanyang tono.

"Akala ko mayaman ka..." tumigil siya at lumingon sa akin. "Did you stop being dependent to your parents?"

Tumango ako. "It's a good thing, right?" I asked, wanting her to agree with me. Wanting her to be proud of me. Damn!

"Hm. How old are you?" tanong pa niya.

Napangisi agad ako sa kanyang tanong. "19. Why?" Hindi ko maiwasang isipin na maganda itong pinatutunguhan ng usapan namin. She's interested in my age. Maybe she's interested in me too.

"I'm just curious. Well, lalaki ka naman. Kaya mo na ang sarili mo," humina ang kanyang boses.

"Sigurado naman akong ganun din ang mga babae," sabi ko at sinamahan siya sa ginagawa niyang pagmamasid sa aking itim na sasakyan.

Saglit na nagusot ang kanyang kilay ngunit dahil sa bilis ng pagkawala niyon ay parang guni-guni ko lang.

"Your car needs a makeover, you know?" aniya. Hindi na niya napigilang humalukipkip uli.

Nanahimik ako sa kanyang tabi. Tinitigan kong maigi ang kanyang mukha at isa isang dumating ang mga tanong sa aking isip. It's not hard to figure that something is bothering this girl. Something she cannot just say to me because I'm still a stranger for her. But I will try to get it out from her. Pakiramdam ko, kailangan niya ako para tumulong sa kanya. I just need to be more observant. I have to look through her.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon