Kabanata 36

973 30 0
                                    

KABANATA 36 — Different Smiles


"Hence, the interior of the boutique will be all white as what Miss Zandra wants the design to be," pagtatapos ni Kaydee sa kanyang presentation tungkol sa interior design ng aking boutique.

Napangiti ako at marahang pumalakpak. Ganoon din ang ginawa nila kuya. Kahit si Architect Sebastian ay napansin kong nagustuhan ang presentasyon.

"We already have the furniture. All we need is your approval, Architect Cortez," ani Kaydee. Napansin kong pormal siya pagdating sa trabaho. Kaibigan niya ang arkitekto pero hindi ko pa siya narinig na tinawag ito sa unang pangalan.

Isang tikhim ang narinig mula kay Architect Sebastian. "I don't know why you still need my approval, Kaydee," ngiti niya. "But anyway, since you want to know my opinion, I'd say that your design is indeed good and it fits the idea of this boutique," aniya.

Napatango ako sa kanyang sinabi. I'm glad he liked what I want. Gusto ko lang talagang marinig ang opinyon niya dahil siya ang nagdisenyo ng istraktura at malalaman niya kung alin ang mas babagay at hindi sa kanyang sariling dinisenyo. As a designer, I would want that power over my designs too.

"If this is what Miss Morris wants, then anyone of us have no say about this, right?" ani Architect Sebastian habang nakatingin sa akin. "Siya ang nagbabayad sa atin para gawin ang kanyang gusto," dugtong pa niya.

I smiled at his politeness. Yumukod ako sa kanya upang ipaalam na nagustuhan ko ang kanyang sinabi. Nang iangat ko ang mukha ay kay Andrew sumakto ang aking paningin. He is staring at me. Nasa tabi siya ng kanyang pinsan at kanina ko pa hinahayaan ang paninitig niya sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya. But if I were to base this at how I knew him years ago, I think he's glaring at me because he disliked what he's seeing.

Nagtaas ako ng isang kilay at umiling naman siya bilang sagot. Inalis niya ang tingin sa akin.

Sumali siya sa meeting kahit hindi naman kailangan. He said he has nothing to do for the rest of the day. Gusto lang daw niyang bisitahin ako rito. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya pagkatapos ng meeting. Maybe he'll decide to leave after this. Wala naman siyang sinabing plano para mamaya.

Unti unti ay nasasanay na rin ako sa kanyang presensya. Pakiramdam ko ay walang nangyaring limang taon at ang eksena ngayon ay nangyari pagkatapos ng gabing umamin siya sa akin. It was a weird feeling. Pero sana naging totoo na lang ang pakiramdam kong iyon.

Pagkatapos ng usapan ay sabay sabay kaming tumayo. Architect Sebastian congratulated his friend. Si kuya naman ay nakipag-usap dito pagkatapos. Si Kaydee ay naging abala sa pakikipag-usap sa mga tauhan ng furniture company habang ineeksamina ang mga dumating na kagamitan.

Kami ni Andrew ang naiwang nakaupo sa harap ng mesa.

Sinusuri niya ang paligid ng aking boutique. Pinagmasdan ko ang kanyang kilos at pansing pansin ko ang kawalan ng pagbabago sa kanya. Tumigil ang kanyang mga mata sa fountain na tuyo pa dahil nakapatay pa ang kuryenteng magpapagana rito.

"I like the fountain," aniya. "I guess this is your idea too?" sambit niya at nahimigan ko roon ang panunuya.

Napangiti ako. "Naisip ko lang palagyan. I don't really know why I suggested it," pag-amin ko.

Basta ko na lang kasing naisip iyon noong nasa kalagitnaan na ng pagdidisenyo ang kanyang pinsan.

"Akala ko nga ay mahihirapan akong kumbinsihin ang arkitekto. Good thing na si kuya ang kumausap sa kanya. Huli na kasi nung naisip kong gusto ko ng fountain sa gitna na bubungad sa entrance. It was weird but Architect Sebastian did it anyway," nangingiting utas ko.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon