KABANATA 30 — Blue Print
"This is the blue print, Zandra," sabi ng aking kapatid habang iwinawagayway sa harap ko ang isang rolyo ng malaking papel.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang mapasigaw sa saya. Lately, iyon na ang reaksyon ko sa tuwing makakatanggap ng magandang balita. I would jump for joy and feel to much excitement every time I encounter improvements. Improvement na nakakapagpabago ng aking buhay.
"May I see?" tanong ko sa kanya at humakbang ng isa palapit.
Tinagilid ni Kuya Zac ang kanyang ulo. "Of course. This is yours," aniya at marahang inilatag sa aking kama ang blue print na ipinagawa ko sa isang mahusay na arkitektong siya mismo ang humanap.
Mabilis ang pag-awang ng aking bibig. Mas mabilis ang paglaki niyon kasabay ng aking mga mata nang madaanan ng paningin ang kabuuan ng blue print. "Oh my," halos walang boses kong utas dahil sa pagkamangha.
"You like it?" nahimigan ko ang kaunting pagdududa sa tono ni kuya.
Tiningnan ko siya, saglit na tinitigan at pinandilatan. I don't just like it! I love it!
This day was just like all the other normal days I've had for the last five years. Ang pinagkaiba lang ay trabaho na ang inaatupag ko ngayon kaysa sa pag-aaral na trinabaho ko noon. Pero walang pinagbago dahil lumilipas ang araw na kahit pagod ang utak, kamay, at buong katawan ay masaya pa rin ako dahil alam kong may nagawa akong makabuluhan para sa sarili ko.
"Wow, mom! That's great!" masiglang sagot ko kay mommy na kausap ko sa kabilang linya. She's in Boston right now with dad for a business engagement. Binabalita niya sa akin ang nalalapit na pagbubukas ng bagong branch ng car dealing company ng aming pamilya roon at ayon kay mommy ay isang malaking tao raw ang naging investor ni dad para rito.
"You're dad was very thrilled because this person isn't just one of his expected investors! Pinaghirapan niyang kunin ang tiwala nito. And because of that, I want to tell you that when we got home, we'll have a small celebration for another success in your dad's business," ani mommy na halatang halata ang kasiyahan sa boses.
Natutuwa ako para sa itinatakbo ng negosyo ng aking mga magulang. They are really good in what they do, lalo na ang aking ama. Although dad's still hoping that one of his children will manage the company once he retired. It definitely won't be me. Gusto kong magtayo ng sarili kong pangalan at kompanya. And my talents weren't meant for cars and other business deals related to it. Si kuya pa siguro ay pupuwede. Pero ayon na rin kay daddy, my brother is still experimenting his skills in business and his clubs won't last forever. Maaaring isa ito sa mga magiging negosyo ni kuya ngunit hindi ito lang. Pasasaan ba daw ay maipapasok din niya si kuya sa negosyo ng aming pamilya.
"How aboout making that small celebration a bit bigger, mom..." nagsisimula ang isang malawak na ngisi sa aking labi habang sinasabi iyon.
I heard my mother's curious sigh. Hinigpitan ko ang kapit sa telepono dahil kung hindi ay maibabagsak ko ito sa sobrang excitement. I want to tell this to them in personal but I can't help it anymore. Masasabi ko na talaga, ngayon na!
"Hmm. Did something great happen to you too, Zandra?" tanong niya at doon na ako nagtitili.
I didn't stop myself when I stood up and started jumping for joy and excitement. I held the phone firmly while making loud and happy sounds. "Mom! I'm joining the event!" halos hindi ko masabi ng maayos iyon dahil sa hingal. "Mom! The New York Fashion Week for haute couture, mom! One of your daughter's works will be included under Miss Farida Yang. Mom! Farida Yang!"
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...