KABANATA 49 — Pagbabago
Umuwi rin kami nang maggabi. Inalok kami nina Tita Anya na magpalipas ng gabi roon pero ang anak mismo nila ang tumanggi. I wanted to be polite so if they asked my opinion, I'd say yes. Pero si Andrew ang tinanong nila. He refused. Mabuti na lang din at tumanggi siya dahil may mahalagang mangyayari bukas.
Gabi na nang makauwi kami. Mabuti na lang at maliwanag ang daan at wala masyadong sasakyan. Nang makarating kami sa national road ay napagtanto kong nakapasok na kami ng Manila. Nilingon ko si Andrew na nakatutok ang atensyon sa pagmamaneho.
"You're parents are nice," usal ko sa aking iniisip kanina pa. I've been thinking about this all day and I am really greateful that they accepted me for their son.
Sumulyap si Andrew sa akin at nagpamalas ng malaking ngisi. "Iyon na nga ang sinabi ko sa'yo. You were just too nervous to believe me," aniya.
Ako na lang ang natawa sa sarili ko. I was nervous. I have the right! Ngumisi ako nang may maisip.
"Wait till you meet my parents. Siguro ay kakabahan ka rin," sabi ko.
Ngumuso siya sa pahayag ko. Nagngising aso ako dahil doon. I received a message from my brother this afternoon telling me that our parents will arrive tomorrow. Napaaga raw ang flight ng mga ito dahil hindi na busy si daddy sa negosyo. Kung ipagpapaliban pa kasi ay masasayang lang daw ang kanilang mga araw na walang ginagawa sa New York.
Andrew didn't know about this. I was planning on telling this to him right now but I changed my mind. Gusto ko rin ang thrill na ito para sa kaniya. I also want to know what he would feel if I tell him that he would be meeting my parents soon.
"Will you be nervous if I tell you that I want you to meet them this weekend?" hindi na rin ako nakatiis.
Isang beses siyang suminghap. Hinagilap niya ang kambyo bago pumorma sa gagawing pagliko.
Hindi agad siya nakasagot. I stared at him for a while and a look of anxiety was forming on his face.
"Fine! You won. Of course, I'd be nervous," pagsuko niya.
Humalakhak ako. Nilingon niya ako nang may namimilog na mga mata. I stopped laughing when I realized how he looked at me.
"Oh bakit?" tanong kong nakakunot na ang noo.
Umiling siya. "God, I love how you laugh," aniyang parang namamangha.
Natawa na lang uli ako. He's crazy! "Para namang hindi mo pa ako narinig tumawa," hayag ko.
Umiling uli siya. "I almost forgot the sound of your laugh, Zandra. Bibihira ko lang narinig iyon."
Nagparte ang aking bibig. Natahimik na lang din ako sa sinabi niya. Bihira ba talaga? At ang parati niyang nasasaksihan ay ang pag-iyak ko?
Umisod ako palapit sa kaniya. Nang maramdaman ko ang init ng katawan niya ay napayapa ang damdamin ko kagaya ng parating nangyayari.
Inuwi ako ni Andrew sa aking condo. Gusto ko man siyang matulog sa tabi ko ngayong gabi ay nagtiis akong huwag na. My parents will be here tomorrow. Hindi namin sila masusundo ni kuya kaya nagdesisyon silang magpa-service na lang at ihahatid ang mga ito sa bahay ng kapatid ko. My brother will pick me up after he finished his business.
Andrew and I just texted each other the whole night until I fell asleep.
Kinabukasan ay nagising ako sa mataas na sikat ng araw. Nakalimutan ko palang tabunan ng kurtina ang balcony ng aking kwarto kaya naman sobrang liwanag sa loob. I feel at ease when I opened my eyes and stood up from bed. Unang hinagilap ko ay ang aking cellphone.
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...