KABANATA 20 — I love you
Hindi ko pa napa-park ng maayos ang sasakyan ay nakalabas na si Zandra. Napamura ako dahil umaandar pa ito nang buksan niya ang pinto. Nagmamadali ko itong inayos sa paradahan at saka siya hinabol sa loob ng building. Mabuti na lang ay nagawa niyang hintayin ako sa elevator.
"Don't do that again!" sikmat kong dinuduro siya nang nasa loob na kaming dalawa.
She just stared at me blankly. Umiwas siya ng tingin nang hindi ko bitiwan ang kanyang titig. Kanina lang ay kusang loob siyang nagbukas ng sarili para sa akin. Now, she's too uptight. I have no idea what to do to her anymore. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung anong sasabihin lalo na at ganito ang inuugali niya. I don't know if I should comfort her after sharing some part of her past to me or be annoyed because now she treats me like I was the bad person here.Umigting ang aking panga nang bumukas ang elevator. Nagmartsa si Zandra palabas at inunahan ako sa pagtungo sa sarili kong apartment. She took the key from her bag and unlocked the door. Dire-diretso siya sa loob kaya bago pa siya makatakas patungong kwarto ay hinaklit ko na ang kanyang palapulsuhan.
Isang malakas na singhap ang lumabas sa kanyang bibig. "Andrew, leave alone for now, okay? Please?" aniya at tinapunan ng masamang tingin ang aking kamay.
Umawang ang kanyang bibig. Tiningnan ko rin iyon at napansin ko ang pangingitim ng paso na nakuha ko kahapon.
"Hindi mo pala pinalitan 'yong bandage?" tanong niya sa akin, biglaan ang paghinahon ng boses.
Umiling ako. I almost forgot about the burn. Ni hindi ko na ito napansin mula nang umalis kami kanina. Ngayon na lang uli.
Inilingan din ako ni Zandra at saka dumiretso sa bathroom. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumayo at hintayin siya. Lumabas siya na may dalang ointment at bagong bandage na ilalagay sa aking paso.
"You should've have put a bandage on it. It might get infected," kunot-noong utas niya. Nakatayo kaming dalawa habang inaayos niya ang bandage sa ibabaw ng paso sa kaliwa kong kamay.
Kagat kagat niya ang kanyang labi sa pag-aayos hanggang sa matapos ito. Bago pa niya maibaba ang kamay ko ay pinigilan ko na iyon. Pinagpalit ko ang posisyon niyon. Ako na ngayon ang nakahawak sa kanya.
I feel her tensed when I touched her. Nakaangat ang dalawang kamay namin at pinaglaruan ng hinlalaki ko ang ibabaw ng palad niya.
"I don't exactly know how to help you, Zandra," pumungay ang aking mga mata sa hinahon ng pagsasalita ko. Ito ang aking sagot sa naiwang tanong kanina. "But I'm here. I'm sure that I am always here if you need me. Kahit hindi ko alam kung paano ako tutulong ay mananatili pa rin ako sa tabi mo. Sana huwag mong ipagkait sa akin iyon. Just allow me to be here with you and then I'll figure out the rest after." Matapos niyon ay marahan kong binaba ang kanyang kamay.
Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo bago siya marahang tumango at tumalikod para pumasok sa kanyang kwarto.
I didn't see her the morning after that night. And I didn't see her after that morning too. Huminahon ako at hindi gumawa ng bagay na pagsisisihan ko. I let her be alone for as long as she wants. Even if it is making me worried. Even if I am missing her like crazy. Even if I haven't seen her for so long it was almost a week.
Hindi ko hinanap si Zandra. Hindi ko rin siya kinulit sa mga messages at tawag. Isang beses lang na hindi siya sumagot at huminto na ako. I let her be. She needs an alone time. Ang sabi ko ay pupunta ako sa tabi niya oras na hilingin niya iyon. Pero dahil mukhang hindi naman niya ako kailangan ay hinayaan ko na lang muna siya. Ngunit hindi nakuntento ang utak ko sa pag-iisip sa kanya sa bawat oras ng bawat araw.
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...