KABANATA 24 — Kisses and Touch
I forgot about everything. But only temporarily. Hindi pala talaga kaya ang pagkalimot sa isang bagay na alam mong sobrang tatatak sa iyo. Para itong malalim na sugat at gumaling man ay nag-iwan pa rin ng peklat. Na sa tuwing makikita mo ay magpapaalala lang kung paano mo ito nakuha.
Zandra must have been feeling this after everything that happened to her. I couldn't blame her. This phase of her life affected her whole existense. Kahit anong mangyari, kahit anong pilit, hindi na niya makakalimutan ang pangyayari.
Hindi ko alam kung anu anong mga proseso ang kanyang ginawa para malimot at malagpasan ang lahat ng ito. She said she has a doctor. It's definitetly a psychiatrist, for sure. I wonder if he or she is an expert and good at what he or she does. Dahil kung magaling na doktor siya, dapat ay nagawa na niyang matulungan si Zandra sa loob ng mahabang panahon. But I also wonder if Zandra's really letting her doctor help her. No one could help a person who's not willing to take anyone's help seriously.
Ikinumpara ko ang aking mga karanasan kay Zandra. Sure, my experiences are way different from Zandra's. But I still underwent the process of forgetting. Surely it has a bit of similarity.
Ang aking ginawa ay umalis ako sa lugar kung saan alam kong maaalala ko ang lahat ng bagay na magbibigay sa akin ng sakit. I left the Philippines where all the memories are still fresh on its familiar grounds. Pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko noon kay Angel, ang dating babaeng minahal ko, para lang makalimutan siya. I didn't talk to some of our friends. I didn't try to look for her on her social accounts. The things that reminded me of her, I ignored all of it.
Inalala ko ang lahat. Paano ko nagawang makalimutan ang damdamin kay Angel ng ganoon kabilis? Should I consider how deep my feelings were for her? Kung gaano ba ito kalalim ay ganoon din kahirap? Kung gaano naman kababaw ay ganoon kadali? Kapag malalim ay mahirap hukayin paalis sa iyong puso ang mga damdaming bumaon doon. At kapag naman mababaw ay mabilis lang dahil nasa bukana lamang ito at kaya mo pang isalba ang sarili sa mas lalong paglalim ng damdamin. Maybe, what I really had for Angel was not as deep as what I believed. Nakuha ko ang pinagkaiba ng damdamin ko kay Angel sa nararamdaman ko ngayon para kay Zandra.
Nanikip ang aking dibdib. Pakiramdam ko nasa kaibuturan ng aking puso ang klase klaseng emosyon na para lang sa kanya. Now, I wonder if that one's a deep feeling. Real deep that I will never be able to dig into it anymore. Mahirap kalimutan ang ganitong klaseng damdamin dahil masyadong malalim. Sa ilang buwan pagkakakilala ko kay Zandra, hindi ko inasahan na sa kanya pa ako mahuhulog ng ganito. Sa tingin ko ay mahihirapan ako kung si Zandra ang susubukan kong kalimutin.
At iyon ang karanasan ni Zandra. Maaaring iba ang konsepto ngunit pareho ang kahulugan. What happened to her is burried deeply within her soul. Nakatatak pa nga sa kanyang kaluluwa. That was why it was very hard for her to forgive and to forget the person who did all of this to her.
Nakipagkilala ako sa maraming tao para maka-experience ng bago. While Zandra ignored everyone who wants to be her friend. Maybe not everyone. Siguro ay may pinipili lamang siya. At ang pinipili niya ay iyong mga taong alam niyang hindi siya kakayaning saktan. Should she consider opening herself to everyone? Para sa gayun ay mas magkaroon siya ng karanasan sa ibang bagay at mabigyan niya ng pagkakataon ang sarili na madagdagan ng mas masasayang alaala ang puso't isip kaysa panatilihin doon ang masasama? Hindi ko alam. I am not an expert at this. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan. Hindi ako sigurado. I suddenly want to learn how to aid mental and emotional conditions. Sana nga ganoon lang kadali.
A few days passed. Hindi na muling nagbukas ang paksa tungkol sa mga nangyari noon sa kanya. I think what I heard from her and what I have read from the article is enough for me. That would be the last information. I don't need to know more. I just have to let go of this and think of ways to help my girl. Yeah... my girl.
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...