Kabanata 12

1.1K 38 1
                                    

KABANATA 12 — Come. Quick.


Isinama ko si Zandra sa aking apartment. Hindi siya nagreklamo nang mamatay ang makina ng aking sasakyan at lumabas ako roon. Tinakbo ko pa ang front seat para pagbuksan siya ng pinto pero naunahan niya ako.

"You don't have to be a gentleman, Andrew. Kaibigan mo lang ako, hindi nililigawan," matabang niyang utas ngunit may kaunting sarkasmo.

Umawang ang bibig ko pero natawa pa rin. She's making it clear to me that we're just friends. I am making that clear to myself too. If only she knows.

"Right," utas ko. Ipinamulsa ko ang aking dalawang kamay. Sinundan ko siya nang pumasok siya sa loob ng building.

"Sa apartment ka ba ni Sukie matutulog?" tanong ko nang makasakay kami ng elevator.

Naalala ko ang unang beses namin dito sa loob. Ang tanga ko noon. I'm the assuming one. Akala ko ay sasama siya sa akin sa apartment ko pero iyon pala ay roon kay Sukie ang punta niya. I expected too much. Sana nagtanong ako. But she ended up sleeping in my apartment anyway. And now, she's here again.

Sumulyap siya sa akin. "Hindi na ba available ang kwarto sa apartment mo?"

Nakagat ko ang aking labi. Dammit! Iniisip ko lang ito kanina. Tumaas ang gilid ng labi ko para hindi halatang nagulat ako. "For you, it will always be available."

Ngumisi siya ngunit hindi sa paraang tuwang tuwa.

Pinanood ako ni Zandra habang nagluluto ako ng aming makakain. I couldn't move freely because she is watching me. Parang may pumipigil sa akin at mayroong kumakapit sa aking katawan. Panay ang tikhim ko habang hinahalo ang salad na para sa kanya at ang pasta na para sa akin.

"Are you sure this salad is enough for you? Dadagdagan ko ang pasta..."

Umiling siya at pumangalumbaba. "I'm fine with salad," utas niya at ngumuso. "Marunong ka talagang magluto 'no?" sambit niya.

"I learned from the best. Sa mother ko," sabi ko. Nabanggit ko na ito sa kanya. But I'm not sure if she still remembers it. Wala naman kasi siya sa sarili noon.

Tumango siya at tumalon mula sa highchair. Tumabi siya sa akin at sinilip ang kanyang salad. "Simpleng salad lang ang kaya kong gawin," aniya.

"This one's simple too. Dinagdagan ko lang ng dressing para mas masarap. I put some roasted chicken para hindi puro gulay ang manguya mo," sabi ko.

Nagpamewang siya. Nanahimik lang siya habang nakadungaw sa hinahalo ko. Hindi rin niya napansin na nakatitig na ako sa kanyang mukha habang abala ang kamay ko sa ibang bagay. I wonder if I could do this in a different way. Holy shit, Andrew!

Ipinilig ko ang aking ulo dahil lumalayo na sa katotohanan ang nararating ng isip ko. Bahagya akong umubo at umiwas sa kanya. Iniwan ko ang salad sa counter at sinuri naman iyon ni Zandra.

Ang red sauce ng aking pasta ang sinunod ko. Nang matapos ay nilagay ko sa malinis na plato ang pasta at sauce sa ibabaw.

"Ang sabi mo, may restaurant business kayo?" tanong niya sa akin.

Ipinatong ko sa mesa ang aming mga pagkain. She remembers that, though. "Yup. Tatlong branches pa lang. My mom is planning to have more branches in Metro Manila and then eventually, sa provinces," sagot ko.

Nagkanaw ako ng juice. I should buy fresh fruits from now on. Para hindi instant ang kinakanaw ko para sa aming dalawa.

Umupo siya sa aking harap. Magkaharapan kami at kitang kita ko siya sa ilalim ng liwanag kong dining room. I wonder if I could change it to a brighter light so...

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon