Kabanata 47

971 27 0
                                    

KABANATA 47 — The One


Pilit kong iniiwas ang mukha ko. Andrew just won't stop teasing me! Kaya naman pala baon niya ang iPhone ay para makapag-selfie kaming dalawa. He said it's for remembrance but I think he is just making fun of me!

"Stop it, Andrew!" iritasyon na ang bumabalot sa aking boses.

Tumawa siya. "C'mon! Just one shot!" aniya.

Sunod sunod ang iling ko. I've never done this before. Parang wala nga akong litrato noon na ang dahilan lang kung bakit kinuha ay para lang sa kasiyahan. All my pictures were taken formally. If not required, I wouldn't even entertain one shot. Pero itong si Andrew ang pinakamakulit sa lahat ng nagtangka!

Bumuntong hininga ako at binagsak ang aking balikat. "Isa lang pero wala nang susunod, okay?" taas-kilay kong sabi sa kaniya.

His smile widen and it showed his perfect white teeth. "Promise, isa lang," sambit niya.

Napangiti ako. "Alright. One shot only," usal ko.

Tumabi ako sa kaniya gaya ng kanina pa niya gustong mangyari. He extended his arm upward. Nakita ko ang aking sarili sa camera habang nakatanaw roon. I pursed my lips and then smiled a little when he counted from one to three.

"One... Smile, Zandra," aniya. "Two... three..." He then tapped his phone.

Sinundan ko ng tingin ang naging litrato namin. Si Andrew rin ay manghang nakatitig doon. He touched our faces on the screen. Napahinga ako ng malalim dahil doon. This is our first picture together. This is a first for me too. Hindi ko akalain na ganito kasaya ang pakiramdam ng isang simpleng picture na kinunan niya sa phone.

Kumapit ang braso niya sa baywang ko at hinila ako sa kaniyang tagiliran. "God, I love you so much, Zandra. Can't get over you anymore..." aniya at hinalikan ang aking sentido.

We spent the whole night hugging each other. Doon kami umuwi sa kaniyang condo. I texted my brother that I'd be staying with Andrew. Si Owen din ay minessage ko. The least thing I want to happen is for them to get worried again.

Nagising ako kinabukasan nang walang makapa sa aking tabi. Napabalikwas agad ako ng bangon at nasilaw pa sa matinding sikat ng araw mula sa balcony ng kwarto.

Nilingon ko ang paligid ko at na-relax lang nang maalalang dito ako natulog sa kwarto ni Andrew kagabi. But where is he right now?

Inalis ko ang kumot na nakatabon sa aking katawan. Sinusuklay ng daliri ko ang aking buhok habang patayo sa kama nang bumukas ang pinto. Andrew entered the room while holding a tray of food.

"Good morning!" bati niya at naglakad palapit sa akin.

Napaupo ako sa kama. "Good morning!" sambit ko rin.

Nilapag niya ang tray sa ibabaw ng kama. "Had a good sleep?" tanong niya. Tumabi siya ng upo sa akin.

Tumango ako habang nakangiti. I was worried that I was alone earlier when I woke up. Pero hindi ko na lang iyon sasabihin dahil nandito naman siya.

Tiningnan ko ang pagkain. He's really good. Kahit simleng almusal ay nagawa niyang pagandahin ang presentasyon. Tinitingnan ko pa lang iyon ay nabubusog na ako.

Napatingin din siya sa pagkain pagkatapos ay sa akin. "You should eat. I'll just take a bath and you should too after you're done eating," aniya.

Kumunot ang noo ko. "Are we going somewhere?" tanong ko kaagad.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon