KABANATA 15 — Die
Nababaliw na nga ako. Nababaliw ako dahil sa'yo. Nababaliw ako sa'yo, Zandra.
Mariing kong kinagat ang pang-ibabang labi mapigilan lang na lumabas iyan sa bibig ko. She continued hugging me from behind. Parang ito ang paraan niya upang pigilan akong umikot at makita siyang umiiyak.
Tunog pa lang ng pag-iyak niya, nawawasak na ang puso ko. If I see it, it will surely kill me. Kaya naman hinayaan ko ang ganoong posisyon namin. We were in that position for a long time until she let go. I felt empty when her arms left me.
Bumuntong hininga ako at umikot para makaharap sa kanya. She was about to turn her back on me but I held her arm. Hindi siya nagpapigil nang ilingon ko ang kanyang katawan sa akin.
"Bakit ka umiiyak?" halos pumiyok ang aking boses. I didn't know that her pain can hurt me like like this. Parang may isang kamay na nakabalot sa puso ko at pinipiga iyon.
Yumuko siya. Determinado siyang iwasan ang aking mga mata. I am determined too. Hinawakan ko ang kanyang baba at inalalayan iyon upang maiharap ang mukha niya sa akin. Ang mata na lang niya ang sa iba nakatingin.
"Zandra..." tawag ko sa kanya.
Nakatikom ang kanyang bibig. Ni hindi ko naririnig ang paghinga niya. Nagtiim bagang ako bago ko bahagyang tinampal ang kanyang pisngi.
Mabilis ang paggusot ng kanyang kilay at dumapo ang mga tingin niya sa akin. Ngunit hindi siya nagsalita kahit na matalim ang mga tingin niya.
"I am asking you, Zandra. Bakit ka umiiyak?" tanong kong muli, mas banayad. May kislap pa rin sa basa niyang mga mata nang umiwas ulit siya.
Hinimas ko ang likod ng aking leeg kung saan dumaloy ang mga luha niya. Ipinakita ko iyon sa kanya bago nagtaas ng kilay. Tiningnan niya lang iyon.
"Ako ang unang nagtanong," matibay ang pagsasalita niya, taliwas sa nanghihina niyang hitsura. "Bakit ka ganito? Bakit mo ito ginagawa?" Nilahad niya ang kamay na parang nasa paligid naming dalawa ang lahat ng tinutukoy niya.
Umigting ang panga ko. Wala akong balak na iwasan ito. If she wants an answer, then I will give it to her. Ito ang gusto ko. Ang kausapin niya ako at magtanong siya sa akin.
"Dahil concern ako sa'yo. Ilang beses ko bang..."
"Andrew!" tumaas ang boses niya. Sumasabog at mahirap pakinggan ang galit niya.
"Let me explain, okay? Let me finish!" sikmat ko at hinanda ang sarili sa gagawing pag-amin.
Hindi na ako makakapagpigil.
"Gusto kita rito. Gusto ko nandito ka sa tabi ko kaya ginagawa ko ang lahat ng ito. I bought you the things you need para hindi mo na maisip na umalis at dito ka na lang tumira kung nasaan din ako." Marahas kong hinagod ang aking batok. Hindi ko na napigilan at lahat ng salitang nasa isip ko ay isa isang lumalabas sa bibig ko.
Hindi ko pinansin ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang mukha. This is not the time to cower. Sinimulan ko na kaya tatapusin ko ito.
"I don't know what this is all about." Nilahad ko rin ang dalawang kamay gaya ng ginawa niya kanina. Parang makikita roon ang lahat ng kabaliwan ko sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa para sa'yo. Siguro nga may mga naging sagot at dahilan na ako pero kulang pa iyon. Yes, I am worried. Yes, I am concern. Nangako ako sa'yong poprotektahan kita at 'yon ang tinutupad ko. But there is something else, Zandra... May iba pang dahilan na hindi ko pa kayang pangalanan," nanigas ang panga ko sa bawat pagsasalita ko.
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...