Kabanata 31

841 27 0
                                    

KABANATA 31 — Kaibigang Lalaki


"I don't know what he did to you but I'm glad that he did. Kung ano man iyon," ani kuya kahit pa ilang minuto na akong nanahimik.

I was contemplating what I just heard from him and what I need to do once I see him again. Napaupo na ako sa harap ng mesa, nakatulala at nag-iisip kung anong gagawin sa muli naming pagkikita.

He's not yet married. Napakagat labi ako sa isipin. He's too young to get married, alright. But it is a possibility. Ibang klase si Andrew. He could get any girl he likes. Sa pagkatao niya ay walang sinumang babaeng magdadalawang isip na magkagusto sa kanya, na mahalin siya. Even though I haven't seen him with any other girls before, I know that he could pull the attention of every girl.

"And I'd be honored to meet this man. He had changed you. A lot, Zandra," dagdag niya.

Napamaang ako kay kuya. Dinudungaw niya ako habang nakangiti ng sinsero. I never imagined that he would do it for me. Oo, humingi ako ng pabor pero hindi ako umasang gagawin niya iyon. He really tried to find Andrew for me. At nagkita sila? Did they know each other now? Did Andrew remember him? Hindi sila kailanman nagkakilala noong magkasama pa kami ni Andrew dito sa New York. But he always told me that he knew my brother by name. Nagkulang din ako noon dahil hindi ako madalas magkwento tungkol kay kuya. There's nothing to say about my brother. Bukod sa siya ang nagiging dahilan ko sa tuwing gumagawa ako ng excuse kay Andrew kapag hindi niya ako nakikita ng matagal o di kaya ay ginagabi ako ng uwi sa kanyang apartment noon.

"Kuya, how about his apartment? May nakatira na bang iba?" tanong ko nang maalala ang lugar kung saan punong puno ng mga alaala namin ni Andrew.

Namewang si kuya. I know. He couldn't believe that I'm still this drowned to the memories of the past. But he can't blame me for not wanting to forget the things that made me happy. Iyon ang sandata ko noon nang pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng pakikipag gera sa aking nakaraan. It was also my shield. Si Andrew ang natatanging taong tumulong sa akin bukod sa aking pamilya.

"I will ask someone to go there and see," umiigting ang bagang niya pero alam kong sa positibong dahilan iyon.

Nakahinga ako ng maluwag dahil ipagtatanong niya ang tungkol sa apartment. Hindi talaga ako matitiis ng kapatid ko.

"How about his address in the Philippines? Hindi mo ba itatanong?" tanong niya sa akin, nakapamewang pa rin.

Nangingiti akong umiling. I will not ask about his address. Kapag nasa Pilipinas na ako, I'd like to experience how fate works. Hihintayin ko ang takdang oras ng pagkikita namin. I'm not doubting fate. I know it will work for me. It will give me the right time. Nararamdaman ko na malapit na.

Umalis si kuya sa gabing iyon upang bisitahin ang na-miss niyang club. Sumama ako sa kanya. I wore a decent outfit for the night. It's a tube top, knee length dress. Nabili ko ito noon sa Paris na hindi ko naman nagamit dahil bihira ang paglabas namin upang mag-party noon dahil sa rami ng ginagawa.

Naalala ko tuloy ang mga naging kaibigan ko roon. I still communicate to some of them, lalo na ngayon. Pero ang iba sa kanila'y noong graduation ko pa huling nakita.

Umalingawngaw sa aking tainga ang malakas na boses ni Lady Gaga nang makapasok kami ng club. Kuya's arm was around my waist and he's guiding me while walking through the crowd. Hindi maiiwasang dumaan sa punong dance floor habang papasok kung ang tungo mo ay sa bar counter. That was my favorite spot and kuya will leave me there.

Maraming bumati kay kuya habang naglalakad kami papasok. Women kissed him on his cheek while saying how much they missed him. Men just gave him high fives and they laugh over something I can't understand. Hindi maipagkakailang party boy ang aking kapatid noon pa man. He wouldn't have his clubs if he's not into parties. He loves it so much. Kulang na nga lang ay dito siya tumira sa kanyang club dahil noon pa man ay nakakabit na ito sa sistema niya. I am wondering how our dad will take this out of his system. I guess he has nothing to do but accept this part of him.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon