KABANATA 7 — Not Satisfied
Naghihintay ako sa tanggapan ng automotive repair shop para ipaayos ang nasirang makina sa aking sasakyan. Pasalamat na lang at umabot pa ako rito bago tuluyang maglabas ng usok ang makina. This is a second hand car so I don't expect it to work like a brand new one. Sa murang halaga ko lang ito nabili at binantaan pa ako ng dealer ng mga maaaring maging problema ng sasakyan. He's offering me a better one but I chose this because it's cheaper. Isa pa, naisip ko noon na saglit ko lang naman itong gagamitin. Iiwan o ibebenta ko rin ito pag nagkataon. But I am starting to regret my choice now.
Humalukipkip ako at kinuha ang magazine sa harap ko. Mga litrato ng kotse ang nasa loob niyon at iba't ibang impormasyon tungkol sa mga sasakyan. Kahit kailan ay hindi ako naengayo sa mga magagarang sasakyan kahit noong bata ako. Yes, I played toy cars but I like robots more. Noong bata ako, nahilig na rin akong sumama kay mommy sa kusina at manood sa kanyang pagluluto. That's when I started to like cooking at iyon ang naging past time ko habang lumalaki ako.
Bumuntong hininga ako at nilapag uli ang magazine. Inikot ko ang aking paningin sa shop at napanguso sa kalumaan nito. I wonder how much this shop is earning. Hindi magara ang hitsura ng kanilang shop pero ang sabi sa akin ni Tan ay magaling daw itong gumawa at mag restore ng mga lumang sasakyan.
"You will need to leave your car here for at least two days. There are so many parts to be repaired," the old man said to me.
Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya mula sa labas. Tumayo ako at ipinamulsa ang mga kamay. "Oh," hilaw akong ngumisi. "I thought you could do it today," sabi ko at nang makita ang pagkunot ng kanyang noo at binawi ko agad iyon. "But, sure. I won't need the car anyway. I'll just get back after... two days?" tanong ko upang makasigurado.
Tumango siya habang pinupunasan ng maduming basahan ang kamay. Tumikhim ako at naglabas ng wallet.
"No, no... You can pay after getting your car back." Umalis siya sa harap ko at nagpunta sa likod ng maliit na mesa. Umupo siya roon at may mga tiningnan sa ilalim niyon.
Nagkibit nalang ako ng balikat. Kung ganun ay magko-commute ako pauwi. Bumuntong hininga ako at inisip kung paano. Siguro naman ay may makikita akong taxi kapag naglakad ako palabas ng block na ito.
Hindi na ako nagpaalam nang lumabas ako ng kanyang shop. Masungit ang matanda at ni hindi man lang ngumiti kahit nung dumating ako kanina hanggang sa sabihin niya ang problema ng kotse ko. Maybe because of too much work. Siya lang mag-isa ang nakita ko sa loob at wala akong napansing mga empleyado.
I played with my spare key. Nilingon ko ang pick up ko na bukas ang harapan ng makinarya. Sa tinagal ko rito sa New York, isa ang sasakyan na iyan sa mga nakakasama ko. I chuckled with that thought. Damn, I am being sentimental. Parang ayokong iwan ng mag-isa sa kotse ko roon. But my friends said that shop is the best. Hindi naman siguro nila iyon pababayaan.
Nang makalabas sa kalawakan ng mga paradahan ng sirang kotse ay binilisan ko na ang lakad ko. Ilang oras na lang ay lulubog na ang araw and I want to go home before it gets dark. Kailangan ko pang maghanap ng taxi para makauwi ako. Hindi pa naman ako marunong mag-bus dahil hindi ko pa nasubukan noon.
"Oh my gosh!" tili ng isang babaeng boses. Hindi ko na pinansin dahil sa pagmamadali ko.
When I hear the sqeal again, I can't help but turn around. Napaawang ang bibig ko at napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Sukie na tumatakbo patungo sa akin. My instict told me something else. I felt that I need to do something else aside from looking at Sukie. Kaya imbes na panoorin ang paglapit niya ay lumipat sa kanyang likod ang mga mata ko. A tall girl went out of the car and turned around to see what she's friend is excited about.
![](https://img.wattpad.com/cover/32799021-288-k522241.jpg)
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...