KABANATA 6 — Thank Her
I watched her as she drank her glass until it's empty. Hinihingal na naman ako sa pagkairita. Where's her damn boyfriend? Wala na naman at iniwan na naman siya? Doesn't he know how hot his girl is? That every man in this room, including me, is drooling for her? Kung ako ang boyfriend, kahit isang segundo ay hindi ko siya iiwan sa gitna ng maraming tao, sa gitna ng mga lasing na lalaki na pwede siyang bastusin habang wala ako.
Iniiwan niya ang girlfriend nang wala man lang bantay? Kung wala ako rito, sino nang titingin sa kanya?
Ilang hakbang na lang ang lapit ko nang tumalon siya mula sa high chair. Nang kamuntikan na siyang mahulog ay mabilis pa sa ipo-ipo ang kilos ko. I was behind her in one second and holding her after another. Nanginig ako at nanlambot nang maramdaman kung anong hawak ko. Bago pa man makapag-react ang isip ko ay sinigawan na niya ako.
"I said don't ever touch me again!" he violently shouted at me. Napapikit ako sa gulat dahil sa galit niya.
Marami agad nakatingin sa akin. Napalayo ang mga bartender at kahit ang mga katabi namin dito sa counter ay umalis sa kanilang mga pwesto. Nagsisi agad ako sa ginawa ko. Hindi sa pagliligtas sa kanya kundi sa maselang bahagi ng katawan niyang nahawakan ko.
Matalim ang mga tinging pinukol niya sa akin. I can almost feel it piercing every part of my system. I frowned because of the ache I felt within me. Tinitigan ko siya kahit na mahirap para sa aking tingnan ang galit niyang mga mata.
Matapos nang mahabang titigan ay tinalikuran niya ako. What? After what happened at the dance floor? Iiwan niya uli ako at hindi man lang magpapasalamat? I saw her getting her purse on the counter. She marched away from me and into the crowd.
What kind of girl is she? Masarap pakinggan ang tawa, masarap titigan ang mga ngiti sa mukha niya, ngunit nakakatakot naman kapag nagalit siya. She looks innocent and wild at the same time. Naiinis na ako sa kanya at sa mga ginagawa niya sa akin!
Nagmartsa rin ako patungo sa kanya. Nang maabutan ay hinablot ko ang braso niya. "Is that your way of saying thank you?" hindi ko makapaniwalang tanong. Nangunot pang lalo ang noo ko nang blangko na ang ekspresyon sa mukha niya habang tinititigan ako.
I felt the weight of her stare. Nabigla ako nang maramdaman ang panginginig ng pulsuhan niyang hawak hawak ko. Binitiwan ko iyon nang mabasa ang takot sa mga mata niya.
"I'm sorry... miss. Did I scare you? You're shaking..." Hindi ko magawang banggitin ang pangalan niya dahil baka mas matakot lang siya. I don't want her to think that I'm just like the guy who insulted her a while ago. Hinding hindi ko iyon gagawin sa kanya.
I tried to reach for her hand again when she hid it behind her. Biglang nanikip ang dibdib ko.
"J-just... Just don't touch me." Mas napiga ang puso ko sa panginginig ng boses niya.
Damn, what did I just do? Natakot ko siya. I remembered what Sukie said when she asked for my help. Those guys in our apartment building were trying to mess up with her and she didn't like it. Ang lalaki kanina, binastos din siya kaya siya nagalit. I didn't do anything offensive. Gusto ko lang naman siyang lapitan para humingi ng pasensya. God, I don't even know what I am sorry for! Basta gusto ko siyang lapitan at makausap! And yeah, nahawak ko ang pwet niya. That's it!
"No. I won't... I won't touch you, I promise," tinaas ko ang dalawang kamay ko. I surrender. Fuck! Wala na yata ako sa tamang pag-iisip.
Matagal niya akong tinitigan. Sa tagal niyon ay gusto ko na lang na kainin ako ng sahig na tinatapakan ko para wala na siyang makita pa sa akin. I am nervous of what she'll think of me. Masamang tao na ba ako sa paningin niya? I saved her! Hindi ba niya iyon naaalala? Baka nakalimutan na niya dahil sa alak na ininom niya...
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...