Kabanata 33

819 25 0
                                    

KABANATA 33 — Surname


"I'm really sorry, Miss Antel," utas ko sa aking kaharap. "I would accept it if only I had the time and resources. Kaya lang ay hindi pa tapos ang pagpapatayo ng aking boutique at wala pa akong mga kagamitan. I just arrived from the US," paliwanag ko sa kanya.

Ngumiti siya. It was actually a sad smile. "Sayang lang talaga, Miss Zandra. I've been looking for the perfect designer for a month now at ikaw talaga ang gusto ko. I thought I'd still need to fly to New York just to see you and talk to you. Ang pagkakita ko sa'yo kanina ay swerte sa akin," aniya.

Tinagilid ko ang aking ulo. I apologized and told her that I would refer her to a renowned designer. I mentioned to her about Miss Farida and she gladly accept my referral. Kaya lang, ang magiging problema ko ay kung tatanggapin pa ba siya ni Miss Farida gayung maiksi ang oras na hinihingi niya upang matapos ang kanyang gown. The famous international designer is busy with other things too.

Bumalik ako sa aking suite pagkatapos ng biglaang pagharang sa akin ng babaeng iyon. She invited and treated me for coffee. I humbly accepted her invitation. Kilala pala ako nito bilang fashion designer na nabasa niya sa mga binibiling bridal magazines. I learned that she'll be married soon and she's trying to find the perfect designer for her dream gown. She just told me that I fit for being the one.

Natawa ako habang pinapatong ang sling bag sa tabi ng aking maleta. Perfect? I don't think so. And I am not trying to be one. What I am trying to do is to make myself worthy of the life given to me. And yes, worthy of this career.

Sa kasamaang palad ay hindi pa yata ako worthy para gawin ang gown ng sana ay unang kliyente ko rito sa Pilipinas. I don't have the resources yet. At nagmamadali na siya dahil ang kasal ay sa darating na May na. Kaya naman labag sa loob kong tinanggihan ang alok niya bilang maging designer ng kanyang wedding gown.

Nilabas ko ang aking mga gamit sa maleta habang naiisip pa rin ang babaeng nakausap kanina. Her name is Miranda Antel. She's getting married after her seven-year relationship with his Chinese boyfriend. I have forgotten the unusual name of her fiance. Chinese iyon at mahirap bigkasin. Ang tanging naalala ko lang sa mga sinabi niya tungkol dito ay isa raw itong mayamang businessman na parehong may negosyo sa Pilipinas at ibang karatig bansa. It's hard to tell but I think she told me mentioned that to assure me that she can afford me. Iyon kasi ang narinig ko sa kanyang tono.

Hindi naman ako ganoon kamahal sumingil. Maybe when I was still under Miss Farida Yang. Pero ngayong nagtatayo pa lang naman ako ng sariling pangalan, I thought I should start with low-priced but high quality designs.

Isa isa kong niligpit sa cabinet ang aking mga baong damit. I put all my toiletries inside the bathroom and placed my designer tools on the circular table just beside the vanity mirror. Ang maliit na mesang ito ang kasama ko sa loob ng ilang linggo. Ang aking mga portfolio ay dinala ko rin ngunit iniwan ko iyon sa loob ng maleta.

Maya maya pa ay nagdesisyon na akong mag shower at matulog. I'm done unpacking my things. Ang kailangan ko na lang sa hapong ito ay isang mahabang pahinga para sa mas mahabang araw ko bukas ng umaga. Kuya texted me that he was already at his club. Bukas daw ay sasamahan niya akong bisitahin ang pinatayo kong boutique at ipapakita niya rin kung saan at gaano kalapit ang napili niyang condo na titirhan ko.

I dreamed of Andrew that night. I woke up with a smile on my lips but tears in my eyes. Mas pinili kong ngitian ang panaginip kahit na hindi ko iyon maalala. I didn't regret what I did earlier. Mas tamang hindi muna ako magpakita sa kanya. Baka magulat lang kaming dalawa sa haba ng panahong pagkakalayo namin at muling pagkikita. And to be honest, I really don't know how to deal with him after all these years. I don't even have an idea how to approach him. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magpaliwanag, humingi ng tawad, o kalimutan na lang ang nakaraan para magsimulang muli. Lahat sa mga iyon kasi ay mahirap gawin. Wala akong mapili.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon