KABANATA 2 — Some Game
My first three months went by with me being busy with my studies and other school stuffs. I engaged myself to the journalism club of the school because that’s been my hobby even when I was in the Philippines. Kahit na boring ang English subject namin dahil naka-focus iyon sa literature ay mahilig pa rin naman akong magsulat at mag-research ng mga kung anu-anong bagay. Naisip kong gawin na lang ang gusto ko habang nag-aaral ako para hindi na hussle pa. Hindi na ako kumuha pa ng iba pang extra curricular dahil ayoko rin naman pagurin ang sarili ko. The journalism club is currently busy with the school’s newspaper and when the school year ends, some from our team will work together with the photography club to work on the school’s yearbook and graduation of the senior students. Isa agad ako sa mga editor dahil sa napansin nila ang galing ko sa larangan.
Nakahanap na rin ako ng maayos na apartment gaya ng bilin ni Mommy. Sa tatlong buwan ko ay wala naman akong napansing masama sa mga kapit-bahay ko. Mas marami kasi ang pamilyang nakatira rito kesa estudyanteng tulad ko. I am on the second floor of a three storey apartment building just a kilometer away from my school. Malaki ang space ng apartment ko na pwede ang pangdalawahang tao. I am planning to find a roommate kung meron mang interesado.
“Roommate? You want me to ask our classmates?” Tanong ni Owen nang banggitin ko iyon sa kanya. Nabanggit ko sa kanya ang gusto kong mangyari at tutulungan niya ako dahil mas marami siyang kakilala rito sa school.
I shrugged. “Yeah. You think they’d be interested?” Tanong ko.
Tinagilid niya ang ulo at tiningnan ang cafeteria. “I dunno. Dapat college student ang tanungin mo. These guys here are still dependent to their parents. But maybe you could find someone.” He said.
Hindi naman kailangan na may roommate ako. I have no problems with the bills because of my parents’ money. Gusto ko lang sanang may kasama ako sa apartment ko. It’ll be better if it’s a guy. Much better if he’s a Filipino like me. Ang hirap kasing mag-isa ka lang lalo na kapag weekends. Sometimes I join Owen and Ethan to some night parties but lately I got bored with that same thing every weekend.
The parties are good. Hindi ako manginginom pero nasasanay na ako dahil ang tubig doon ay alak. Marami na rin akong naging kaibigan. Lumalawak na ang social life ko rito sa New York. Maliit lang ang mundo namin dito at halos lahat ay makikilala mo lalo kung madalas kang makisalamuha sa mga tao.
It helped me. Pero sinungaling ako kung sasabihin kong nakalimot na ako sa nakaraan ko. I still remember her most of the time. I think I’d never be able to forget a single thing about her. Umikot ang mundo ko sa babaeng minahal ko mula bata ako. She’s something I would never fail to remember. Ang damdamin ko sa kanya ang gusto kong kalimutan. So that when I am back, we could be friends again without any feelings involved.
Tinuloy ko ang pagkain ko. Kanina pa kami rito sa cafeteria at nag-uubos ng oras hanggang sa dumating ang susunod na klase. Hanggang ngayon ay puno pa rin ang tray ko ng pagkain dahil nagsasawa na ako sa niluluto nila rito. I am eating the same thing everyday. Kung pwede lang, I will invade the kitchen and cook something for myself. One thing I am good at, cooking. Para saan pa ang pagmamay-ari namin ng mga restaurants sa Pilipinas kung hindi ako marunong?
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...