Kabanata 25

960 34 1
                                    

KABANATA 25 — I Am Still Waiting


In one swift motion, I scooped her up into my arms. Nakangiti ako at ganoon din siya habang naglalakad ako patungo sa kanyang kwarto. Her eyes are still blinking with tears. I don't know what her tears mean but I am sure it's there because of what I said and did a while ago.

Siya ang nagbukas ng kwarto dahil abala ang mga kamay ko sa pagbubuhat sa kanya. She brought back her hands around my neck once we're inside. Sinara ko ang pinto gamit ang paa ko.

The kiss didn't last long. Ako ang unang bumitiw kanina dahil nararamdaman ko na ang lubos na panginginig ng kanyang katawan dahil sa mga halik ko. I have no idea if she was trembling because she liked it or because she's scared of it. Pero nang makita ko sa mga mata niya ang ngiti, ang unang dahilan ang naging konklusyon ko.

"Should I sleep here then?" tanong ko.

Mahigpit pa rin ang kapit ko sa ilalim ng kanyang legs at likod habang siya naman ay dinidikit ng husto ang mukha sa aking dibdib.

Marahan siyang tumango. Napangiti ako at ito na lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Umupo ako sa kama, kalong kalong pa rin siya.

Nakapikit siya habang nasa mga bisig ko. Nagtiim bagang ako. I guess we are not going to talk about what happened just minutes ago, huh? She won't ask me if what I said was true. Or if she's just having a beautiful dream and I need to wake her up now before she believes that it's true. Ganoon ang mga babae di ba? They would ask you nonstop until you tell them that truth. Until you tell them why you kissed them. Until you tell them repeatedly that you are really in love with them.

But yeah, Zandra isn't one of those girls. She's different. She's unique. And she has her own ways of doing anything.

Nang makuntento sa ilang minutong nasa loob siya ng aking mga bisig ay nilapag ko siya sa kama. Dumilat ang kanyang mga mata at natagpuan niyon ang akin. She smiled again, sincerely and genuinely, na para bang ang saya saya niya dahil sa nakikita niya. I am the one who's here. I am the one she is seeing right now. Ako ang dahilan ng kanyang kasiyahan.

Humiga ako sa tabi niya at binigyan niya ako ng mas malaking espasyo. Ipinahinga ko ang ulo sa sandalan habang ang kalahati ng aking katawan ay nasa kama na. Ginaya niya ang aking puwesto.

"You were the first, Andrew," halos hangin na lang ang mga salita ni Zandra.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na kunin ang kanyang kamay at paglaruan iyon sa ibabaw ng aking tiyan. Tiningan niya ang aking ginagawa.

"Mm-hm," untag ko, naghihintay ng kanyang paliwanag.

"You were the first person to say those three words to me sincerely, without asking for anything in return," aniya. Nabasag ang boses niya ngunit dahil sa pagtikhim ay nabuo uli iyon.

Tumikhim din ako para lang mawala ang namumuong mga bara sa lalamunan ngayon. She believes me. Nag-init at sumaya ang puso ko dahil pinaniwalaan niya ako.

I traced the curve lines on her palm. "Hindi 'pa' ako humihingi ng kapalit..." Napangiti ako. It's true. Siyempre ay gusto ko ng kapalit. I want her love in return.

"I know... Pero... hindi mo ako pipilitin, hindi ba?"

Nagkatinginan kaming dalawa. My heart began to pound inside my chest. It was racing so fast. Nagpigil akong maglabas ng mabigat na hininga dahil ayokong makita niyang sobrang naaapektuhan ako ng simpleng pagtingin pa lang niya. That I was so crazy about her that even her simplest moves affect the entirety of my being.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon