Kabanata 38

953 35 0
                                    


Ang chapter na ilang beses na nabura sa laptop ko at na-recover. Hanggang sa nabura na ng tuluyan. Nasaktan ako kasi nabura ito, haha! Ang hirap nang ulitin dahil lahat ng feels ko ay nandun sa nabura. Pero ito na, salamat at naulit ko. Sorry natagalan. Enjoy!

Adult Content

---

KABANATA 38 — It's Andrew


Nagmaneho si Andrew nang hindi man lang nagtatanong o nagsasabi kung saan kami pupunta. I just remained silent while he was frequently sighing.

Nang tumango siya kanina bilang pagsang-ayon sa aking gusto ay bumulugso sa kaba ang damdamin ko. I insisted this. Kaya kung kinakabahan man ako, wala akong karapatang magreklamo.

Mamaya, kapag magkausap kami, hindi maaaring ganito ang pakiramdam ko. I need to explain everything to him clearly. Ayokong may maiiwan na impormasyon. Kumpletong mga rason ang ilalahad ko sa kanya. He just have to listen to me. But if he stops me in the middle of my explanation, I will let him. Kung aayaw siya sa pakikinig, mananahimik ako. I will take every courage I have within me. Kung ang desisyon niya ay ang hindi ko inaasahan, tatanggapin ko iyon ng buong puso. Labag man sa loob, tatanggapin ko iyon.

Sa isang matayog na building kami huminto ni Andrew. Unang pumasok sa isip ko ay baka rito siya nakatira. He drived to the building's parking space and parked his car there. Diretso ang tingin ko sa madilim na parking space. The light coming from the little light bulsb in every corner gave the area some clearness.

Nang kalasin ni Andrew ang kanyang seatbelt ay tinanggal ko na rin ang akin. Bumaba siya ng kanyang sasakyan, tumakbo at pinagbuksan ako ng pinto. Nakatitig lamang siya sa akin at tahimik. Tipid akong ngumiti sa kanyang kilos.

"Uhm, nasaan tayo?" tanong ko habang nililibot ang tingin sa parking space. I'm quite sure that this is a condominium.

"My condo's here. Sa... itaas tayo mag-usap," aniya at nilahad ang isang kamay.

Malambing na haplos ang naramdaman ko sa aking puso. Even when I'm nervous, I could still feel some comfort from his gesture. Iba talaga si Andrew. Iba talaga siya sa mga lalaking nakilala ko. He's just... so caring and gentle.

Tinanggap ko ang kanyang kamay. Pinagsalikop niya ang mga iyon at marahan niya ako iginiya patungong elevator. We were silent until we stopped on the thirty-sixth floor of the building. Tinahak namin ang mahabang hallway at huminto sa dulong pinto. My heart beat for that familiar scene, the familiar place where we used to be like this.

Para bang habang narito ay ibang paligid ang nakikita ko. I remembered every detail. Ang kanyang apartment, ang kanyang pinto, ang loob nito.

Binuksan ni Andrew ang pinto gamit ang isang keycard at passcode. Kusang umilaw ang hallway papasok ng kanyang unit. He switched on the lights in the living room. Umawang ang aking bibig at nag-init ang aking mga mata sa nakitang interior nito.

Nilingon ko siya. He was looking at me directly into my soul. Nang subukan kong linawin ang aking mga mata ay saka ko lang napagmasdan ang nangingilid na luha sa mga mata ni Andrew. Alam na agad niya ang nasa isip ko.

Masyado siyang malayo at nang kainin ko ang distansya naming dalawa ay sinabayan niya ako. Sumubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. Doon bumuhos ang aking mga luha.

Sunod sunod na hikbi ang lumabas sa aking bibig habang hinahagod ng palad niya ang aking likod. Nang magtagal pa ay parang bumabaon na ang kamay niya sa aking baywang para lang mailapit pa ako sa kanya ng maigi. It's like hugging each other won't ever be enough. It seemed like we can no longer be separated.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon