KABANATA 32 — Hey, I'm Here
"I would like to book two tickets to the Philippines,"
"I can't believe na na-issue tayong dalawa!"
Halos magkasabay ang pagsasalita namin ni Owen. Napatingin tuloy ako sa kanya habang ang kausap ko sa kabilang linya ay abala sa pag-aasikaso sa nais kong schedule. I wasn't paying attention to his frantic words so I didn't get what he was saying. Ngunit naintindihan ko siya dahil sa kanyang reaksyon sa tinitingnan. He was looking at my recent magazine appearance. Ito ay para sa buwang ito at ang na-feature rito ay ang unang beses na paggawa ko ng isang wedding gown para sa kilalang personalidad na taga Germany.
"What made you think that the blind item was refering to us?" tanong ko matapos kong ibaba ang telepono sa aking table. Inayos ko ang lahat ng mga sketches ko sa isang box.
"Isn't it obvious, Zandra? Nakita mo ba 'yong magazine three months ago? It was my picture! Nakatalikod nga pero alam kong ako iyon," nakaigting ang panga niya sa pagsasalita.
Naalala ko ang tinutukoy niya. It was a picture from the hotel where Owen is the general manager. Ang litrato ay nakuha sa lobby nito. Iyon 'yong katatapos lang ng interview ko para sa isang magazine at pauwi na sana nang mabangga ko si Owen. We had coffee that afternoon. Hindi ko inakalang mapapasama iyon sa page ng magazine kung saan feature ang aking biography. The management apologized to me after they published the magazine. They thought that it was a personal thing for me and I am trying to hide it. Akala nila ay sakop iyon ng kontrata.
"At least we know the truth, Owen. And the truth is nothing is going on between us. Nothing will ever happen between us, 'di ba?" sambit ko, abala pa rin sa paglilinis ng table ko rito sa boutique ni Miss Farida.
"Ouch," sinundan niya iyon ng maikling tawa. "I think you just insulted me, my dear friend. You just friendzoned me," aniya na nagpalaglag ng aking panga.
Tumawa ako matapos ng kaunting gulat. Owen was a real joker. Minsan hindi ko alam kung seryoso na ba siya sa mga sinasabi dahil parati niyang dinadaan sa biro at katatawanan ang lahat. Kaya nga magaan ang loob ko sa tuwing kasama ko siya. We've always had the lightest conversations. Hindi pa naman kami dumarating sa puntong nag-uusap kami tungkol sa malalalim na problema.
"Why don't you just help me, then? Kung ayaw mong naiisulto ka," untag ko at itinuro ang iba pang mga gamit.
I am almost done packing up my things. Dadalhin ko ang lahat ng ito sa bahay. Tuluyan nang natapos ang kontrata ko kay Miss Farida. She asked for a short extension and this is the last day. I am already starting to create a name for myself. Nagsimula iyon nang gawan ko ng gown ang kakilala kong German na ikinasal noong nakaraang buwan. Hindi na iyon nakakabit sa pangalan ni Miss Farida at sa akin na mismo nanggaling ang bawat aspeto ng aking disenyo. Mula sa pagguhit nito sa papel, sa telang ginamit, sa paglikha ng mga detalye nito, at ang kamay na gumawa, lahat ay akin. I can almost say that it was my very first masterpiece.
Hindi naging mahirap ang kumawala sa pangalan ng isang Farida Yang para sa akin. My status as a fashion designer was already known the day when people saw my work in the New York Fashion Week. Ang pangako ni Miss Farida na magkakaroon ako ng sariling pangalan sa event ay natupad. It came true for all the designers she helped join the event. Kaya naman nang magsarili ay hindi ako nahirapan. Kilala na agad ang aking pangalan sa industriya and I couldn't be more grateful to all the people who helped me get to this point. Kung may pagkakataon na mabayaran ko ang mga utang na loob ay gagawin ko.
"I want to come too," ani Owen habang nagbubuhat ng isang box. Ang dala ko ay ang aking personal handbag at mas maliit na kahon.
"Wala ka namang gagawin sa Pilipinas. You told me you don't get vacations at this period of the year? It's peak season. Kailangan ka ng trabaho mo," sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/32799021-288-k522241.jpg)
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...