Kabanata 23

996 28 0
                                    

KABANATA 23 — If Given A Chance

My heart is pounding real hard inside my chest. My tummy is clenching. Masakit iyon sa pakiramdam at kung titiisin ko pang lalo baka isa isang maputol ang mga litid sa katawan ko. Halos sumabog ang speedometer ng aking sasakyan dahil tumutodo ang aking pagpapatakbo. Saka ko lang iyon binabagalan kapag naaalala kong kasama ko si Zandra na nanghihina sa tabi ko. I checked the nearest hospital to where we are right now. Ito ay sampung kilometro ang layo mula sa kung nasaan kami. Patuloy ang pagtingin ko sa aking phone na nakatayo sa dashboard.

"Hmm..." Mas lalong bumagal ang aking patakbo nang marinig ko ang munting ungol ni Zandra. Ilang beses ko siyang sinulyapan nang makita ko ang gumagalaw niyang mga mata.

"Zandra..." utas ko, umaasang magising siya.

Binagalan ko pa ang aking pagmamaneho. Ngayon ay nasa normal na ito. Zandra finally opened her eyes and I can see that she was a bit shocked when she found out that she was already inside my car. Umayos siya ng pagkakaupo. She removed her seatbelt and then she glared at me.

"What happened?" tanong niya sa akin. Panay ang paghinga niya ng malalim. Para bang nalagutan siya ng hininga kanina ng ilang minuto at ngayon ay bumabawi siya.

"Nahimatay ka, Zandra. You're unconcious for about... five minutes," tantsa ko sa oras.

Napatingin siya sa paligid ng aming dinaraanan. Kumunot ang kanyang noo. Hinilot niya ang gitna nito at napapikit pa habang ginagawa iyon.

"Where are we going?" tanong niyang muli.

Tinuro ko ang phone ko na nakailaw sa ibabaw ng dashboard. "To the hospital..."

"What?" puna niya sa aking sinabi.

Matalim ang mga mata ko nang lingunin ko siya. "I will bring you to the hospital whether you like it or not, Zandra," pangunguna ko sa parating niyang protesta. "Halos mataranta ako kung anong gagawin ko kanina nang mawalan ka ng malay," seryoso kong sambit. Gusto ko rin sanang sabihin sa kanya na namumutla siya ngunit hindi na dahil unti unti nang bumabalik ang kulay ng kanyang mukha.

Tumagilid siya sa akin. Umangat ang kanyang tingin sa aking phone. Inabot at pinatay niya iyon.

"Zandra!"

"Iuwi mo na lang ako sa apartment ko. N-napagod lang... napagod lang siguro ako," aniya. "Ganoon ang nangyayari sa akin sa tuwing inaalala ko ang lahat," utas niyang napaglingon uli sa akin.

Bumagal pang lalo ang aking pagmamaneho. Walang ibang sasakyan sa aming harap kaya hindi ako takot kung hindi man ako nakatingin sa daan. "You should have told me. I should have stopped you," sabi kong mas mahinahon kumpara kanina.

Bumuntong hininga siya. "My doctor said that I only need to rest every time this happens to me," aniya at bumaling muli sa harap.

Doctor? She has a doctor? Is it some kind of a psychiatrist? And what is happening every time? Ang mahimatay siya sa tuwing aalalahanin ang nakaraan?

Kinagat ko ang aking labi para lang mapigilan na ang sarili na magtanong. Ayoko na talaga. This won't ever happen again. I won't force her again to speak about herself. Kung ito ang nangyayari sa kanya sa tuwing maaalala ang karumal dumal na nakaraan ay ayoko na lang malaman ang lahat. It doesn't matter anymore. What matters is that she's fine now and she's with me. I will never bring her again to that kind of pain.

Sinunod ko ang kanyang nais. We went home and I insisted on helping her while we were walking inside the building. Maging sa elevator ay akay akay ko siya ng maigi. She's looking at me like what I am doing is really stupid but it doesn't matter to me. I want to make sure that she's fine. Makakampante lang ako kung nasa mga bisig ko siya.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon