KABANATA 4 — Signal
Mahirap hanapin ang taong nagtatago sa'yo. At mas lalong mahirap hanapin ang hindi itinadhanang makita mo.
I didn't see her after that day. Ilang beses ko siyang hinanap hanggang sa natitirang huling buwan ng pasukan. Another set of requirements was given to us and we need to finish that before the school year ends. Nahirapan akong pagkasyahin ang oras ko at hindi ko malaman kung sino at ano ay uunahin ko.
I am so jealous because my friends were able to manage their time. O mas tamang sabihing alam nila ang prayoridad nila. Mas madalas kong naririnig sa kanila ang kabilaang party tuwing weekends kaysa sa mga papers na pinapatapos sa amin ng aming mga teacher. I guess this is one of the differences between my culture and theirs. Masyadong mabahala ang mga taong katulad kong lumaki sa Pilipinas kaysa sa kanila na lumaki sa mas malayang pamamaraan sa buhay. They're just so liberated that I can't cope up with them anymore. And I also don't want to change myself just to be like them.
Pinasa ko ang folder sa journalism club ng aming school. I am so proud of myself because I got through this challenge. Sana lang ay maganda ang kinalabasan ng paper ko at wala na silang ipabago roon.
"This one's great, Andrew!" one of the editors said. I smiled at her when she winked at me. Hindi ko mapigilan ang mailing.
There are so many girls here in school that'd shown interest in me but none of them got my attention. Wala sa kanila ang babaeng gusto ko. Sometimes I don't even know what kind of girl I want anymore. Minsan naaalala ko pa rin si Angel. She's hard to forget. Pero mas madalas ay ibang babae ang may hawak ng isip ko.
I shook my head when she invaded my thoughts again. Trying to get her out my mind was the hardest thing I've ever done since I knew her name.
Kanina pa tumunog ang bell pero nagkakagulo pa rin ang mga kapwa ko estudyante sa school. Kahit na malikot ang aking mata habang naglalakad sa hallway ay pinabayaan ko na lang iyon. It has a mind of its own and I don't care about it anymore. Kung may gusto itong makita, bahala ito.
I was about to get inside my pick up truck when a laugh caught my interest. Hindi lang ako interesedo, gusto ko ring makita kung sino ang tumatawang iyon. The familiar shiver was running in my system again. Pinaglaruan ko ang susi habang nililingon ang pinanggalingan ng nakakahalinang tawa.
I unconsiously smiled when I saw her. Yeah... that's her. Hindi ko mapigilan ang sarili ko nang mas lalo lang akong ngumiti habang pinapanood ko siyang tumatawa at namumula pa ang mukha.
God, I am crazy. Nababaliw na talaga ako gayung heto ako at sinusubukan pang itago ang sarili ko huwag lang niya akong makita. She's not even looking in my direction!
She tilted her head on one side. Tila tinitingnang maigi ang babaeng kausap niya. Nakahalukipkip din siya at hindi ko maiwasan ang mapatingin sa dibdib niya. Damn, she's blessed, alright. Pero mas masarap titigan ang mukha niya kaysa katawan niya. It's like I have a mental notebook in my mind while I am looking at her. Sinusulat ko roon ang lahat ng nakikita ko sa kanya. Her features, the way she moves, and the way her body sways as she laughs.
Matingkad ang kanyang mapupulang pisngi sa ilalim ng kulay kahel na kalangitan. Kumpara sa akin ay mas makinis at maputi ang kanyang balat. I bet it's smooth and soft if I touch it. I can't see her eyes clearly pero hula ko ay mahahaba ang pilik sa mga mata niya. Her long and wavy hair is tied up. Maganda at parang ginuhit ang mga kilay niya. She has a pointed nose. I think she's taller than the usual height of the girls I know. Siguro ay aabot ang ibabaw ng ulo niya sa mga mata ko kung sakaling katabi niya ako. Hindi ko alam kung anong banyagang dugo ang nananalaytay sa kanya. Pero sigurado akong hindi siya purong amerikana. Maybe she's Mexican or Latina? Pero ibang klase ang kulay ng balat niya. Pwede na nga siyang pumasa bilang Filipina.
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...