KABANATA 19 — How?
Tanghali akong nagising nang sumunod na araw. Kumaripas ako sa pagtayo at mabilis na naghanap ng orasan. I saw the time on my phone. "Shit!" mura ko sa aking sarili.
Ala-una y media na at huli na ako sa in-arrange ni mommy na pagkikita namin ni Sebastian, ang aking pinsan.
Nagmura uli ako at kinusot ang mga mata . Mabigat na naman ito at tila may laman sa loob. An awful result for not sleeping well last night. The effect of making me worried. Hindi kasi rito natulog si Zandra at lubos ang pag-aalala ko kung nasaan kaya siya. I'm sure she has a house to come home to. Mayroon siyang kuya na maaaring mag-alaga sa kanya. Iyon ay kung hindi lang ako masyadong nababahala sa kalagayan niya.
Kinuha ko ang unang t-shit na nakapa sa drawer at pantalon. Kahit anong pag-aapura ko ay hindi na ako aabot sa pagkikita namin ng aking pinsan. It was supposed to be a breakfast meeting but even lunchtime was already over. Siguradong kung nasaan man ako hinintay ni Sebastian ay nakapag-almusal at nakapag-lunch na rin siya sa kahihintay sa akin.
Madaling araw sa Pilipinas ngayon kaya sigurado akong hindi pa nababalitaan ng aking ina ang hindi ko pagsipot kay Sebastian. Hindi rin naman siguro iyon magsusumbong. Ang mga magulang lang namin ang magkakausap tungkol sa pagkikitang ito at kung magsumbong siya sa kanya ay saka lang malalaman ng magulang ko.
I spent the afternoon doing the usual things I do every day.
Tiningnan ko ang aking phone at nagdalawang isip kung gagawa ba ng mensahe para kay Zandra. It is now past 4pm and I am going to start preparing for Owen's party. Habang pinag-iisipan ko kung tatawagan o ite-text ko ba siya upang ipaalala ang desisyon niya ay nagpunta ako sa kitchen. I looked for something good to eat in the fridge. May mga frozen food pa ako rito at may natira rin sa niluto ko kagabi. If she's hungry, she can eat this. Iyon ay kung hindi siya sasama sa'kin at magpapaiwan na lang dito. She can also make her own salad. Sapat na naman iyon sa kanya para sa dinner. I just don't know if she wants to eat her version of salad than mine. Sana lang ay hindi matigas ang ulo niya para magluto muli ng mag-isa.
Kusa akong napangiti nang maalala ko ang mga papuri niya sa aking pagluluto. I also remembered how she almost burn my apartment and worst, the whole building. Sinulyapan ko ang paso na nakuha ko kahapon ng hindi ko man lang namalayan. It's still wrapped with bandage. Tinanggal ko iyon at ngumiwi dahil sa sama ng hitsura ng paso. I'm sure this will leave a scar.
Naligo ako matapos masiguradong may makakain si Zandra oras na magpaiwan siya. Tumungo ako sa kwarto at bago magbihis ay nagtipa na rin ako ng message.
Me:
I'm still waiting for your decision.
I sent the message. Wala siyang reply kahit na kalahating oras na ang lumipas. I will leave at exactly 6pm. Ala-siete ng gabi ako pinapapunta nila Owen pero mas pinili ko ang maagang pagdating upang maaga rin akong makauwi.
Nang saktong alas-sais na ay nawalan na ako ng gana at pag-asa. Sumalampak ako sa aking couch. I was wearing a blue shirt and jeans. Tamad kong kinuha ang aking sneakers at sinuot sa aking paa. Bumuntong hininga ako bago inabot ng susi ng aking truck. Kung hindi sasama si Zandra ay aalis na ako. She didn't tell me if she was going to sleep here. May susi na siya at kaya na niya ang sarili niya kung mananatili lang siya rito sa loob ng apartment.
Tumayo ako at tinungo ang pinto. Iniikot ko sa aking daliri ang susi nang kumalampag ang doorknob. Pumihit iyon mula sa labas at narinig ko ang kalansing ng susi.
![](https://img.wattpad.com/cover/32799021-288-k522241.jpg)
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...