KABANATA 34 — Soon
Hindi ko mapigilang matulala sa tuwing mawawala kami sa usapan ni kuya. I still can't get over the idea that Architect Sebastian Cortez and Andrew Joaquin Cortez might be related to each other. Is the surname Cortez common in the Philippines? Sa ideyang iyon pa lang ay naghuhurumentado na ako. Paano kung nagkatotoo pa iyon?
I am such an irresponsible human being. Damn! Ni hindi ko man lang inalam ang buong pangalan ng taong binabayaran ko para magdisenyo ng aking boutique. Did I have so many concerns before that I forgot to read Architect Sebastian's surname in his forwarded emails? Goodness, Zandra, you're stupid!
"Ah, siya nga pala. I forgot to tell you that we are meeting someone tonight," ani kuya na biglaan na lang nagsalita.
Napatingin ako sa kanya. He's not looking at me. I stared at his eyes and I saw something unreadable in it.
"And he's already here," aniya habang pinapanood ang kung sino man sa aking likod. Naroon ang entrance at marahil nakapasok na ang aming kikitain ngayong gabi.
Who is it? Is it Architect Sebastian Cortez? I thought the meeting would be tomorrow?
Naguluhan ako lalo nang tumayo si kuya. He smiled to someone he's looking at. Pormal kong pinunasan ang labi ko gamit ang table napkin at tumayo habang lumilingon sa parating na tao.
Suminghap ako nang tumama ang tuhod ko sa table matapos mamataan ang parating. Kumalansing ang mga kubyertos sa sahig at umurong paatras ang upuan.
"Shit," bulong ko nang makilala kung sino ang palapit na lalaki.
Natataranta kong nilingon si kuya. He's wearing an amused grin while looking at me. Umusok yata ang ilong ko matapos kong taliman ang mga mata sa kanya. Tiningnan kong muli ang parating at hindi naman ito nakatingin sa amin.
"Si Andrew, kuya? How can you..." bago pa man matapos ang sasabihin ay may narinig na akong pamilyar na boses sa likod ko. My heart skipped a beat. Nawala bigla at isang beses lang ang tibok. Siguro ay natunaw iyon sa loob ng dibdib ko nang mapakinggan ang boses ng may-ari nito.
"Good evening, Zachary," anang baritong boses ni Andrew Joaquin Cortez. Ang lalaking kanina lang ay laman ng isip ko.
I felt it all. Ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok at braso. Ang pag-iinit ng pisngi ko at mata. Ang panginginig ng labi ko sa paparating na luha.
Hindi ko nagawang lumingon.
"Good evening, Andrew. I'm sorry for the late notice. Mangyayari rin naman ang gabing ito. Why not make it ealier than what's planned, right?" bati at tanong ni kuya.
He was so composed while I am freaking surprised of the situation. Saka ko lang napagtantong pinaglalaruan nga ako ng tadhana nang mabasa ko ang nakasulat sa itaas ng salaming pader ng restaurant. I narrowed my eyes and read the embossed script. It is the name of the restaurant.
Cor'ssia.
'Cor' as in Cortez. Iyon ang naisip kong kahulugan ng unang pantig.
Nabigla ako nang may humawak sa aking braso. I trembled but when I realized that it was the hand of my brother, I calmed down. Tiningnan ko ang mga taong kasama ko.
Mali ang aking paglingon. Dahil sakto sa aking mga mata ang pamilyar na mukha ni Andrew. Unlike the last time I've seen him, his hair now has grown and he's wearing something casual. Isang gray v-neck sweater ang kanyang suot. He's more similar to the Andrew I've met in New York.
BINABASA MO ANG
Tainted
General FictionZandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa buhay niya at nagawa nitong wasakin ang kung ano mang nagpapaperpekto sa kanya. That one mistake scarr...