The Seven Worst #1 [New World]

1.4K 16 0
                                    

The Seven Worst #1

[Valerie Velasco's POV]

‘’Mabuti naman at kumpleto na kayo. Ako nga pala si Valerie Velasco, You can call me auntie. At ito ang asawa kong si Dustin Velasco at ang aking daughter na si Dimples Velasco. Maaari ko bang malaman ang pangalan niyong lahat? Umpisahan mo, hijo’’ Sabi ko sabay turo sa lalaking malapit saakin.

‘’*Ehem* I’m Ezekiel Del Valle, 14 years old. Incoming 2nd year H.S. student’’ Sabi naman niya sabay pacute. 

[A/n: Ezekiel pronounced as EZEKEL.]

‘’Jethro Solomon, 14 years old. Incoming 2nd year H.S’’ Pakilala naman niya without any reaction. Ang weird naman netong batang ‘to. Parang galit lagi, sabagay war freak daw siya sabi ng parents niya. 

‘’Vera Smith. 14. 2nd year’’ Sabi niya sabay roll ng eyes. Aba! Maldita 'to ah.

‘’Jett Bentley Dion. Just call me JB’’ Sabi naman ni JB tsaka umupo. Gwapo siya, lahat naman sila mukha talagang mayayaman eh.

‘’Greyson Santos, 14.’’ Sabi naman nung lalaking mukhang jerk.

‘’Isabella Sandoval, 14 years old. Incoming 2nd year H.S. Nice to meet you all’’ Mukhang masayahin ‘to kaso may pagkamaarte. Psh! Grabe daw magwaldas ‘to ng pera. Halata na sa pananamit eh, Mukhang mamahalin lahat.

Napatingin naman ako sa babaeng nagbabasa ng libro. ‘’Ah, hija. Ikaw? Anong pangalan mo?’’ Ako na nagtanong sakanya.

‘’Mashie Hisami Mohasco’’ Maikling sagot niya sabay buklat ulit ng libro. 

Pinaliwanag ko sakanila ang patakaran ko at ang lahat lahat tungkol sa paninirahan nila dito.

‘’So, Ang monthly budget niyo lang kada month ay 100,000’’ Sabi ko sabay inom ng coffee ko. At sa inaasahan ko nagreklamo yung spoiled brat which is Isabella.

‘’What the hell, Auntie?! 100,000 is not enough for 1 month! That’s only my weekly allowance!’’ Inis na sabi niya habang nakakunot ang noo. Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.

‘’Well, Hindi na ito ang buhay na makakapagwaldas ka ng pera araw araw. Kelangan niyong magtipid! At respetuhin niyo ako dahil nasa pamamahay ko kayo. Kung gusto niyo umalis, go ahead! I will open the door for you. Hindi naman ako ang nagmakaawang dalhin kayo dito, kundi ang parents niyo. So, saan kayo pupunta? You have no choice! Anyway, about sa monthly budget niyo, Kasama na din dun ang allowance niyo for school’’ Pagkasabi ko nun ay nanlaki ang mata nilang lahat except kay Mashie. 

‘’Something wrong? *smirk*’’ Tanong ko. Wala naman silang nagawa.

‘’Oh by the way, tomorrow may flight kami papuntang France. Iiwan ko dito si Dimples’’ Sabi ko sa kanila. Nanlaki ulit ang mga mata nila.

‘’Iiwan mo kami dito?’’ Tanong ni JB.

‘’Dagdag pakain pa yang anak mo eh!’’ Sabi naman ni Vera.

‘’Excuse me, may business kami ng husband ko. Iniwan namin pansamantala yun para sa inyo! Tsaka, don’t worry hindi naman MALDITA ang anak ko at hindi din siya maarte sa pagkain’’ Sabi ko habang nakatingin kay Vera.

‘’Eh bakit di mo pa isama si Dimples?’’ Tanong naman ni Greyson.

‘’Well, 6 years old pa lang kasi siya and 7 years old ko pa siya ipapasok sa school. So, dito muna siya. Don’t worry, bibisita ako dito paminsan minsan. And oh, Don’t you dare na apihin ‘tong anak ko at mananagot kayo sakin. Siya ang magsisilbing mata ko dito sa mansion ko!’’ Sabi ko pa sakanila. ‘’Nakalimutan ko palang sabihin, wala tayong maids dito. Kayo ang gagawa ng lahat-lahat dito sa bahay total kayo din naman ang titira dito. Kung ako sa inyo gumawa na kayo ng mga listahan ng gagawa ng household chores. Yung kwarto niyo nasa 2nd floor. May mga name tags na yun na nakasabit sa may pinto. About sa kwarto niyo, wala siyang TV or something dun. Ayokong magkulong kayo habangbuhay sa kwarto niyo kaya tinanggal ko ang entertainment jan. Gusto kong maging magkakaibigan kayo, Tandaan niyo 3 years kayong magkakasama dito.’’ Paalala ko sakanila. Nanatili silang bato sa kinauupuan nila dahil gulat siguro sa mga nasabi ko. Well, kung mababait sana sila.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon