The Seven Worst #10 [She needs privacy]

978 11 0
                                    

The Seven Worst #10

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

Time Check

9:00 p.m.

After kumain ni Aaron ng dinner dito ay umalis na siya. Salamat naman at okay na sila ni Isabella. Sa totoo lang, ang bata pa nila para sa ganitong mga emote eh. Okay lang naman siguro magka-Gf/Bf eh, pero ang masaktan ng tulad kay Isabella? Unexpected.  Pero wala tayong magagawa, ganyan talaga pag inlove sa isang tao. Oops, don’t get me wrong, what I mean is ganun naman talaga ang mga taong inlove. Hindi ako inlove ah. Nakakapagtaka lang si Isabella, spoiled brat na laging nasusunod, ay si Aaron lang pala ang kahinaan. Pero pakiramdam ko di pa natatapos ang lahat. Madami pang mangyayari…

Napatingin ako sa side table ko. Nagriring kasi ang cellphone ko eh. Nandito ako sa kwarto ko and as usual nagbabasa nanaman ng libro. Nagtataka siguro kayo kung ano anong binabasa ko? Well, horror stories ang binabasa ko. Hindi ako mahilig sa romance eh.

Calling… Mommy

Si mommy pala yung tumatawag. Agad ko namang sinagot yung tawag niya.

[Hello, mommy?]  Sabi ko sa kabilang linya.

[Hi, babygirl. How are you na? Miss na kita baby, wala akong kasama magmall] Sabi sa akin ng sweet mother ko.

[Uhh, I miss you too mommy, anyway how’s dad?] Pagbabago ko ng topic.

[Yun nagpapahinga, kakagaling lang namin sa work eh. Bagsak si dad mo.] Natawa naman ako sa sinabi ni Mommy. I really miss them na.

[Hisami, may gift sayo si Tita Donna mo. Ipapadala ko na lang dyan tomorrow ha?] Sabi naman niya.

[Umuwi na galing Canada si Tita Donna?] Masayang tanong ko sa kanya.

[Yeah, actually kararating lang niya kahapon. Gusto ka nga niya makita eh kaso busy din siya sa business. Saglit lang naman siya dito. 2 days lang dahil binisita lang kami] Sabi naman ni Mommy sa akin.

[Oh, I see. Anyway, bakit ka po napatawag?] Tanong ko sa kanya.

[Wala lang naman. Hehe! I miss you na kasi eh] Sabi ni mommy na may malungkot na tono.

[Don’t be sad na mommy, para naman for me tong ginagawa mo right? Sige po, byebye na. Goodnight mommy, sweetdreams. Say ‘Hi’ to daddy for me huh? And oh, kiss him on his cheeks for me] Sabi ko kay mommy.

[Babygirl, sa lips na lang pwede?] Natawa naman ako kay mommy. Kahit kelan talaga. Namimiss ko na talaga sila! Ugh!

[Go ahead mom. Haha! It’s late na, bye!~] Sabi ko.

[Bye, baby! Take care] Pagkasabi niya nun ay binaba na niya yung phone.

Nilagay ko na sa may side table ang libro at cellphone ko at nagsimula na matulog.

**

Time check

6:00 a.m

Buti maaga ang gising ko. Thanks sa aking alarm clock. Late na din kasi ako natulog kagabi eh. Buti na lang at walang pasok ngayon.

Tumungo na ako ng banyo at naligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng simpleng damit at nag-suklay. Wala naman akong masyadong arte sa katawan eh, di ako nagp-pulbo okaya naman kahit maglagay ng lipgloss sa labi. Naiirita kasi ako eh.. So yun nga, after gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako at tumungo sa dining room para kumain.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon