The Seven Worst #7
[Mashie Hisami Mohasco's POV]
Katulad kahapon ganun pa din ang nangyari. Nagluto si Isabella ng sunog na itlog at ubod ng pait na corned beef. Halatang mga buhay prinsesa. Pinagtiyagaan na lang namin 'yun dahil nagugutom na kami. At ngayon, otw na kami sa school. Puro reklamo ang naririnig ko sa kanila.
''Ba 'yan! Andito pa din sa dila ko yung pait ng corned beef na kinain ko kanina!'' Pangaasar ni Greyson. As usual, lagi naman siyang ganyan..
''Baka kasi di ka pa nagt-toothbrush kaya nalalasahan mo pa'' Inis na sabi ni Isabella sabay irap sa kanya.
''Hoy, nagtoothbrush po ako! Sadyang panget lang ang luto mo! Ilang ampalaya ba nilagay mo sa corned beef ha?'' Pang-aasar ulit ni Greyson. Nagtawanan naman SILA. Oo, sila lang. Di naman nakakatawa eh. Joke ba 'yun?
''Argh! I hate you BULLY!'' Sigaw ni Isabella sa kanya habang iritang iritang napapasabunot sa buhok. Kanina pa kasi siya inaasar ni Greyson.
''My pleasure!'' Sagot naman sa kanya ni Greyson habang natatawa tawa pa. Binigyan na lang siya ni Isabella ng isang malupit na death glare.
''Idol talaga kita Greyson'' Sabat naman ni Jethro. Nag-apir na lang ang dalawa.
''Hey, Mashie. Bakit tahimik ka ata?'' Tanong sa akin ni Ezekiel. Tanga naman nito, lagi nga akong tahimik.
''Stupid playboy. Lagi naman siya tahimik ah?'' Inis na sabi ni Vera.
''Onga naman, makastupid naman 'to. Edi ikaw na matalino'' Sabi naman ni Ezekiel.
''Thank you'' Sagot naman ni Vera sabay irap.
''Away kayo nang away'' Sabi ko habang binabasa ang librong binili ko.
''Masanay ka na.'' Sabi naman ni Jethro. Di na lang ako umimik. Ang w-weird nila promise! Dapat kasi maging Anti-Social na lang sila tulad ko. Para wala silang kaaway.. Napalingon ako sa tabi ko, si JB. Nakatingin lang siya sa may bintana. Ang tahimik niya naman, hindi naman siya ganto nu'ng 1st day namin sa mansion eh. Anyare?
''Andito na po tayo'' Sabi ni Manong driver. Bumaba naman kaming lahat. As usual, pinagtitinginan at halo halong compliments nanaman. Popular na nga kami dito eh. Kahit san ako magpunta kahit sa CR pa yan, kilala nila ako. ''Hisami'' pa nga ang tawag nila sa akin eh.
''Mauna na ko sa inyo'' Sabi ko sa kanila sabay takbo. Ayoko na hintayin ang response nila at dali daling tumakbo papuntang room. Mas okay dun kasi tahimik. Maaga pa naman kaya konti pa lang ang students na nasa room.
[Ezekiel Del Valle's POV]
''Mauna na ko sa inyo'' Sabi ni Mashie saamin sabay takbo. Ayan nanaman ang pagka-anti-social niya. Halatang naririndi na siya sa mga compliments sa amin.
''Nako! Kahit kailan talaga napaka-loner niya. Mas nage-enjoy siya mag-isa.'' Sabi ni Isabella habang nagpapaypay.
''Let's go na'' Pag-aaya sa amin ni JB.
''Sige, mauna na muna kayo. Manchichix pa ko eh.'' Sabi ko sa kanila sabay wink. Napabuntong hininga naman sila at umalis na. Saan ba madaming girls? Aha! Dun na lang sa hallway.
Dumaan ako sa hallway at as usual, bulungan dito bulungan dun. Tilian dito tilian dun.
Shit, lapit kaya tayo sa kanya?
Onga eh, kaso nahihiya ako.
Ang gwapo gwapo niyaaaa!
Shimaaiii, palapit siya dito. Maganda na ba ako?
BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Ficção AdolescentePitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...