The Seven Worst #41 [Siguro]

647 5 0
                                    

A/n: Haro, guys! I just want to promote IcePrincessGirl’s story. Basahin niyo if meron kayong time. Yung nakadedicate sa chapter na ‘to siya yun. Tingnan niyo na lang sa works niya ‘The Campus Prince in Disguise’ yung title. Arigato.

The Seven Worst #41

[Valerie Velasco’s POV]

I saw it and I heard it clearly. Ang harsh naman magsalita nitong si JB. Grabe yung mga sinabi niya kay Mashie at nung nalaman niyang nandun si Mashie ni hindi man lang siya nagexplain or nagdeny. Napakabato naman ng puso niya. I think he needs guidance.

Tinawag ko na ang seven at pinasakay na sila sa sasakyan. Susunduin pa namin sina Keira at Stacey. Sadly to say, wala si Donna.

Mula sa likod, pinagtabi ko sila Jethro, Vera, Mashie at JB. Sa susunod na row naman ay sila Isabella, Kiel Greyson at isang bakante. Si Stacey ang balak kong paupuin don.

At sa unahan, si Dimples at isang bakante na para kay Keira. At syempre, hindi ako mawawala. Ako yung driver. Ang panget kasi ng may driver na iba eh kaya ako na lang ang nagprisinta. Nilayo ko si Keira kay JB at tinabi sa anak kong si Dimples dahil alam kong magmomoment lang sila dun kapag sila ang nagtabi.

Nang makarating kami sa bahay ni Keira ay pinaupo ko na siya dito sa harapan. Buti naman at hindi siya nagreklamo. Nang dumating naman kami sa bahay nila Stacey, ay pinaupo ko na siya sa tabi ni Greyson. Nung una nagrereklamo siya pero wala din siyang nagawa dahil wala na siyang ibang uupuan.

Habang nagb-biyahe kami ang ingay-ingay nina Isabella at Kiel. Si Greyson hindi makapag-ingay dahil nasa tabi nga niya si Stacey. Naa-awkard siya.

Si Vera naman nangungulit kay Jethro. Si Mashie naman tulog tapos si JB naka-headset at nakatingin sa bintana. Si Keira naman at Dimples ay naglalaro ng tablet tapos si Stacey kanina pa nakasimangot. Nakakatuwa sila tingnan. Mga batang ito talaga. Naalala ko tuloy yung kabataan ko.

After ng mahaba-habang biyahe ay nakarating din kami sa beach na pupuntahan namin. Pumunta muna kami sa tutuluyan namin dahil nga hanggang linggo kami dito. Sama-sama sa kwarto ang girls while sama-sama naman ang boys.

Nagpalit na ng mga swimsuits yung girls, pati kami ni Dimples syempre. Tapos yung mga boys nagpalit na din ng swimming trunks nila.

[Vera Smith’s POV]

‘’Oh, Mashie? Bakit di ka pa magpalit ng swimsuit?’’ Tanong ko kay Mashie na pinapanood lang kami magpalit.

‘’Hindi ako nagdala ng swimsuit, hindi naman kasi ako nagsusuot nun eh’’

‘’So, maliligo ka ng naka t-shirt lang?’’

‘’Ewan?’’

‘’Here!’’ Tapos binato ni Isabella sa kama yung kulay black na swimsuit.

‘’Ano ‘to?’’ Tanong naman ni Mashie.

‘’Swimsuit. Alam ko kasing hindi ka magdadala ng swimsuit kaya nagdala ako. Favorite color mo yan diba? Suot mo na’’

‘’Ayoko magswimsuit. Nakakahiya’’

‘’Dali naaaaa’’ Sabay-sabay naming sabi nila Keira tapos hinila siya papasok ng banyo. Maya-maya naman ay hiyang-hiya siyang lumabas at naka-cover pa ang buong katawan.

‘’Tanggalin mo nga yang kamay mo!’’ Tapos tinanggal ko yung kamay niya. Yumuko na lang siya at…. OMYGEEE. Ang sexy niyaaaaaa. Tapos ang puti putiiiiiii.

‘’My gash, Mashie! Ang sexy sexy mo pala! Natalo mo kami’’ Papuri ni Keira.

‘’Oo nga! You’re so puti pa’’ Sabi naman ni Isabella.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon