The Seven Worst #26 [Mixed Feelings]

772 4 0
                                    

The Seven Worst #26

[Mashie Hisami Mohasco]

Kuhaan ng card namin ngayon kaya wala kaming pasok. Si Aunt Valerie daw kukuha ng card namin tapos ipapakita na lang niya kapag dumalaw siya dito. Andito kami ngayon sa Karaoke Hub sa SM. Actually, kakarating lang namin. Kasama namin sila Stacey, Aaron, at Donna. Si Dimples? Andun kila Mrs. Aguilar, yung principal namin. Hinahanap kasi ni Aldrich si Dimples eh. Kaya yun, dun muna siya nagstay.

[A/n: John Aldrich Aguilar, siya yung anak nung principal nila Mashie]

‘’O, sino unang kakanta?’’ Tanong ni Jethro habang hawak yung mic.

‘’AKO!’’ Sabi ni Isabella na kanina pa energetic. Andyan kasi si Aaron.

[Ezekiel Del Valle’s POV]

Nandito na kami ngayon sa K-hub at si Isabella na ang kakanta. Matagal ko nang gusto marinig boses niya. Sa totoo lang, kaya ko lang naman sinama si Donna dito eh para may pampalipas oras ako. Dahil nga sa… nagseselos ako kay Aaron.

NP: Way back into love

By: Hugh Grant

Nagsimula na siyang kumanta. Nakatingin lang siya kay Aaron. Yung tingin na si Aaron yung tinutukoy niya sa bawat lyrics ng kinakanta niya. Saklap oh! Sa harapan ko pa talaga. At dahil sa di ko na nakayanan ang scene na yun, lumabas na lang ako ng k-hub.

Nakaupo lang ako sa tabi ng pintuan nang maramdaman kong may nagbukas ng pinto. Si Donna lang pala. Umupo naman siya sa tabi ko. Isa siya sa magaganda kong kaklase.

‘’I feel what you feel’’ Napalingon naman ako sa sinabi niya.

‘’Ha?’’

‘’You like Isabella, do you?’’

‘’Pano---‘’ Di na niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil sumagot siya agad.

‘’Mahal na kita magmula nang una kitang makilala. Dati, hanggang tingin lang ako sayo dahil madaming babaeng naghahabol sayo. Pero I can’t imagine na mapapalapit ako ng ganto sayo. Lagi kitang pinagmamasdan kahit malayuan pa yan. Hindi kita nagustuhan dahil lang sa gwapo ka. Nagustuhan kita kasi ikaw yan. Nagustuhan ko yung katauhan mo. Nahahalata ko sa kilos mo na gusto mo si Isabella. Kaso ang masakit…iba ang gusto niya. Diba?’’ Napatungo ako.

Konsensya, lungkot, at saya ang nararamdaman ko. Konsensya dahil ginagamit ko si Donna para lang makalimutan si Isabella. Lungkot dahil sa dinami dami pa ng gagamitin ko ay yung taong matagal na palang may pagtingin sa akin. At  saya dahil hindi niya ako nagustuhan dahil sa itsura ko. Halos lahat kasi ng mga nagiging babae ko eh itsura lang ang habol sa akin.

‘’Ezekiel, andito lang ako kung gusto mong may mapaglabasan ng sama ng loob. Hindi pa naman katapusan eh. Malay mo hindi gusto ni Aaron si Isabella. Kasi kung gusto niya si Isabella, matagal na dapat niya yung niligawan’’ Napatingin ako sa sinabi niya. May punto siya. Kung gusto ni Aaron si Isabella dapat nililigawan na niya yun.

‘’Oo nga eh, kahit ako curious na. Hindi ko alam kung ano ba talagang trato ni Aaron kay Isabella’’ Napasabunot na lang ako ng ulo dahil sa naguguluhan na talaga ako.

‘’Basta, andito lang ako para sayo." At tumayo siya. "Okay lang kahit di mo ako gusto. Una pa lang alam ko na yun eh. Masaya na ako sa kung anong meron tayo ngayon. Tara na sa loob? Ipaglaban mo si Isabella. Alam kong kakayanin mo yan Kiel, I trust you.’’ Sabi niya sabay offer ng kamay niya. Tumayo naman ako habang hawak pa din ang kamay niya. Sobrang bait ni Donna. Sana siya na lang minahal ko. Kaso wala eh, kay Isabella ako tinamaan.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon