The Seven Worst #9 [The Spoiled brat's weakness]

929 9 2
                                    

The Seven Worst #9

[Isabella Sandoval's POV]

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Soundtrip mode ang peg ko eh. Sunday kasi ngayon.

Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang andito si Ate Vanessa, yung Ate ni Vera. Umuwi na din siya kahapon after niya mag-dinner. Halatang hindi talaga sila magkasundo ni Vera. Pero mabait naman si Ate Vanessa eh.

Napatayo ako sa kama ko nang may kumatok sa pinto. Lumapit naman ako sa may pinto at binuksan yun. Si JB lang pala.

''Baket?'' Tanong ko sa kanya.

''May naghahanap sayo sa baba. Siya ata yung ex mo eh, yung nakaaway ni Greyson'' Sabi niya habang nagkakamot sa ulo. May kuto?

''Sus, Si Aaron lang pala eh---Teka, SI AARON ANDYAN?!!'' Di ko na mapigilang mapasigaw sa gulat. Napatakip naman siya ng tenga niya.

''Wag ka sumigaw, di ako bingi. Tss'' Sabi naman niya saka ako nilayasan. Dali-dali naman akong pumasok ulit sa kwarto ko at nagsuklay, nagpabango at naglagay ng konting lipstick sa lips ko. Malamang, alangang maglagay ako ng lipstick sa ngalangala ko. 

After ko magpaganda, choss! Bumaba na ako agad at pagbaba ko nakita ko si Aaron na nakaupo sa may sofa.  Nilapitan ko naman siya at umupo din sa kabilang sofa. Bale, magkaharap kami.

''P-pano mo nalaman na dito ako nakatira?'' Paunang tanong ko sa kanya.

''Wala ka na dun. Andito lang ako para ibigay sayo 'to'' Sabi niya sabay abot sa akin ng isang necklace. Sa pagkakaalala ko, ito yung regalo ko sa kanya. Heart shape yun na nabubuksan tapos nakalagay yung picture ko at picture niya.

''A-aaron, regalo ko 'to sayo eh'' Sabi ko sabay balik sa kanya nung necklace.

''Ayokong magkaron ng kahit katiting na marka na magpapaalala sa akin tungkol sayo. Kaya naman kesa sunugin o isangla yan, ibibigay ko na lang sayo. Wag na wag mo na akong kakausapin, Isabella. Kahit magkita pa tayo sa school wag mo na akong papansinin. Please lang. Isipin mo na lang na isa akong stranger sayo'' Pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang yun, biglang tumulo ang mga luha ko. Pinipigilan ko pero ayaw, gusto na talaga lumabas ng mga luha ko.

''Aaron, ganon na lang ba kasakit yung ginawa ko para gawin mo sa akin 'to? Aaron, mahal pa din kita'' Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Siya naman walang reaction, nakatingin lang din sa akin na may cold look.

''Wala akong time para dito, Isabella. Hindi na kita mahal kaya tigilan mo na ko'' Sabi niya sabay tayo. Hinabol ko naman siya at hinawakan ang braso niya.

''ANO BA?!'' Sabi niya sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya. Napalakas ang pagkalas niya kaya naman napadapa ako sa sahig. Yumuko na lang ako at umiyak.

''Aaron, hindi ikaw yan. Hindi ikaw yung Aaron na minahal ko..'' Sabi ko habang umiiyak. Patuloy namang tumutulo ang luha ko sa sahig.

''Mas mabuti pa ngang hindi ako yung Aaron na minahal mo, atleast dun masaya ako…'' Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya. Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit gan'to yung epekto ng sinabi niya sa akin. Ganto ko siguro siya kamahal.

Pinilit kong tumayo kahit alam kong nanghihina na ako. Pagkatayo ko ay mahigpit kong niyakap si Aaron. Tinulak naman niya ako pero napalakas ang tulak niya kaya napahiga ako.

‘’Isabella, I’m sorry’’ Narinig kong sabi sa akin ni Aaron nang mapansin niyang nasaktan ako sa ginawa niya.

‘’Isabella’’ Naptingin ako sa tumawag sa akin. Papalapit sa akin si Mashie at Vera habang si Ezekiel ay..

*BOGSH*

Sinuntok ni Ezekiel si Aaron sa mukha.

‘’Sumosobra ka na ah!!! G*ago ka ba?! Tol, babae yan! Kahit pa sobrang laki ng kasalanan niya sayo, hindi pa din tama na gawin mo ‘to sa kanya. Wala ka bang puso ha?!’’ Galit na sabi ni Ezekiel sabay suntok ulit kay Aaron sa mukha dahilan para mapahiga siya.

‘’Tama ka, wala na akong puso… nawalan na ako ng puso mula nang saktan ako ni Isabella’’ Seryosong sabi ni Aaron sabay tayo at tumalikod.

‘’Ang immature mo. Lalaki ka ba? Tingin mo may mapapala ka kapag hindi mo siya pinatawad?’’ Inis na tanong ni Ezekiel. Tumalikod naman agad si Aaron at sinuntok si Ezekiel. Bumawi naman si Ezekiel hanggang sa nagsuntukan sila nang nagsuntukan. Sinubukan silang awatin nila JB pero ayaw nila paawat.

‘’Here’’ Napatigil sila sa pag-aaway nang makita naming may hawak si Mashie na dalawang kutsilyo. ‘’Saksakin niyo na ang isa’t isa nang matapos na ‘to’’ Kalmadong sabi ni Mashie. Napanga-nga naman kami sa sinabi niya samantalang gulat naman sina Ezekiel at Aaron. Tumigil na lang silang dalawa at nagbigayan na lang ng masasamang tingin.

‘’Aaron, alam kong wala ako sa posisyon para sabihin sayo ‘to. Pero alam mo, ang duwag mo. Nasaktan ka lang ng isang beses sinisi mo na buong mundo. Feeling mo napakapathetic mo. Duwag ka! Natatakot kang masaktan ulit kaya ayaw mong patawarin si Isabella. Hindi pa ba sapat ang pagluhod at ang paglalaan niya ng maraming luha para sayo? Hindi pa ba sapat yun para mapakitang mahal ka niya? Hindi pa ba sapat yun para masabing sincere ang sorry niya sayo? Wag mong tigasan ang puso mo. Alam kong meron pang natitirang pagmamahal dyan...’’ Sabi ni Mashie saka kinuha ang dalawang kutsilyo.

‘’Ano? Mag-papatayan kayo o magbabati?’’ Seryosong tanong ni Mashie. Lumapit naman si Ezekiel kay Aaron at mahinang sinapak yun.

‘’Sorry, tol’’ Sabi ni Ezekiel. Sinapak din siya ng mahina ni Aaron.

‘’Sorry din’’ Sabi niya kay Ezekiel sabay harap sa akin at tinulungan ako tumayo.

‘’I’m sorry, Bella…’’ Napangiti ako sa sinabi ni Aaron. Nung kami pa kasi, Bella ang tawag niya sa akin.

‘’I’m sorry din’’ Sabi ko naman sa kanya sabay yakap.

‘’Magluluto na ko ng hapunan’’ Sino pa ba ang magsasabi niyan? Edi si Mashie. Grabe, parang wala lang nangyari para sa kanya.

‘’Sabay ka na kumain ng hapunan. Magluluto naman ng dinner si Mashie eh’’ Sabi ko kay Aaron. Ngumiti naman siya.

I didn’t expect na ang spoiled brat na tulad ko ay may kahinaan din pala. Never akong naging gan'to sa isang tao. Tama nga ang sabi nila, ang taong mahal mo ang siyang kahinaan mo. Masaya ako ngayon, worth it din pala ang mga luhang binuhos ko ngayong bati na kami ng taong mahal ko.

<3 <3 <3

[A/n: Short update lang :) Aaron Villaflor at the right side<3]

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon