The Seven Worst #17 [Chocolates for?]

867 5 2
                                    

The Seven Worst #17

[Greyson Santos POV]

Sunday. July 25, 2013. 3:00 p.m

‘‘O, san ka punta?’’ tanong ni JB kay Mashie.

‘’Uhm…Church’’ Sagot ni Mashie sa kanya. Nakapang-alis kasi si Mashie.

‘’Ah’’ Sagot naman ni JB tapos binaling na ulit ang tingin sa TV.

‘’Mash!’’ Napalingon kami sa nagsalita. Bihis na bihis si Isabella tsaka si Vera ah. May lakad din ata ‘tong mga ‘to.

‘’Nabanggit mo kasi kanina na magsisimba ka. If you don’t mind, can we join you?’’ Tanong ni Vera. Naisipan ko namang mang-asar ulit.

‘’Nagsisimba pala kayo?’’ Tanong ko kay Isabella at Vera habang nag-iisip kunwari.

‘’SHUT UP!’’ Sigaw ni Vera sabay tingin ulit kay Mashie. Sakit sa tenga ng sigaw eh.

‘’Sige’’ Sagot naman ni Mashie sa kanila.

‘’Wait, sama din ako.’’ Sabat naman ni Jethro habang binobotones yung polo niya.

‘’Sige, tara na?’’ Pag-aaya ni Mashie. Sumunod naman sila. Umupo na lang ako sa sofa at sinamahan sina JB at Kiel. Kaming tatlo na lang ang naiwan dito.

‘’Dapat pala sumama ako magsimba sa kanila.‘’ Reklamo ni Ezekiel.

‘’Onga eh, ang boring dito. Ikaw ba, JB?’’ Tanong ko naman kay JB.

‘’Ayos lang sa akin magstay dito mag-isa. Kung gusto niyo magsimba sumunod na din kayo sa kanila’’ Sabi sa amin ni JB habang nakatingin siya sa TV.

‘’Wag na, next time na lang ulet’’ Sagot ko naman.

‘’Okay, ako na lang aalis’’ Sabi ni JB sabay takbo paakyat sa kwarto niya. Saan naman kaya siya pupunta? Tsss.

After 10 minutes ay bumaba na din si JB galing sa kwarto niya.

‘’San ka pupunta?’’ Tanong ni Kiel.

‘’Maiwan muna kayong dalawa dito sa bahay. Magsisimba ako’’ Sabi ni JB sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Kiel.

‘’Edi dapat sumabay ka na kila Mashie’’ Sabi ko naman.

‘’Sa iba ako magsisimba, kasama parents ko pati yung bunso kong kapatid. Ge, alis na ko!’’ Paalam ni JB saka umalis ng bahay.

[Jett Bentley Dion’s POV]

Tumawag sa akin ang mommy ko at namimilit na sumama daw ako sa kanila magsimba.

Ganto kasi nangyari…

*Flashback*

Calling… Mommy

[…..] Inantay kong yung kabilang linya yung unang magsalita.

[Jett anak, magkita tayo mamayang 3:00 sa church kung saan tayo nagsisimba. Please anak? Gusto ka na naming makita ng daddy mo pati na din ni Kysler. Hihintayin ka namin kahit gaano pa katagal. I hope na dumating ka anak.] Sabi niya sa kabilang linya.

[Pag-iisipan ko] Sagot ko sa kanya. I heard her sigh.

[We will wait. I love you anak] Sabi niya. Hindi na lang ako sumagot at in-end na yung call.

*End of flashback*

So, yun nga. 20 beses ko din pinagisipan ‘to eh. Pero tingin ko gusto naman nila ako makita. Hindi naman sila ganto sa akin dati eh. Actually, nung nakausap ko last week si daddy sa phone, that was the first time na nailabas ko ang sama ng loob ko sa kanya. Naikwento siguro niya yun kay mommy kaya sinusuyo ako ngayon. Kaya ayon, napagisip-isip kong pumunta na lang.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon