Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

The Seven Worst #20 [Jethro's feelings]

853 5 1
                                        


The Seven Worst #20

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]


Kakatapos lang namin kumain ngayon ng breakfast. At ngayon, andito kami sa living room at pinaguusapan ang gagawin para makatipid sa binigay na pera ni Aunt Valerie.

‘’Mag-grocery tayo today’’ Sabi ni JB.

‘’YEY! SHOPPING! I LIKE IT! Uhm, I want new perfume pati na din new cellphone! Yay! I’m so excited. Tara na!’’ Napatingin kaming lahat kay Isabella. Anong mga pinagsasasabi niya?

‘’Hindi tayo bibili ng mga luho mo, okay? Mga kailangan sa bahay ang bibilhin natin pati na din mga pagkain kaya wag ka magexpect dyan’’ Sabi sa kanya ni JB. Nagpout naman si Isabella. ‘’Meron na akong listahan ng mga bibilhin natin’’ Sabi naman ni JB sa amin. Tumango-tango naman kami.

Wait… Speaking of grocery...

‘’ALAM KO NA! YESSSS! WOOHOOOO!’’ At ayun, napatingin silang lahat sa akin. Malamang napasigaw ba naman ako eh. Sobrang saya ko lang talaga kasi alam ko na kung paano pag-aayusin sina Stacey at Greyson. Wish me luck!

‘’Alam ang ano?’’ Tanong ni Isabella.

‘’Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan, Mashie! Ibang klase ka pala pag masaya’’ Sabi naman ni Kiel.

‘’Wala. Sige na, magusap na kayo.’’ Masayang sabi ko sabay punta sa kwarto ko. 

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Stacey.

Calling… Stacey 

[Hello?] Sabi sa kabilang linya.

[Stacey, si Hisami ‘to]

[Oh, sorry ha? Medyo masama kasi pakiramdam ko eh kaya di ko napansin na ikaw pala tumawag] Sabi niya.

[Kakagising mo lang ba?]

[Yeah. Nakapikit pa nga ako habang sinasagot ‘tong tawag mo. Anyway, napatawag ka?] Tanong niya.

[Well alam ko na kung paano kayo magkakaayos ni Gre---] Hindi niya ko pinatapos.

[Talaga? Naku, Hisami! Magaling na ako. Hindi na masama pakiramdam ko, promise talaga!] aba’t naging energetic? Lukaret talaga ‘to.

[Sure ka okay ka lang?] Paninigurado ko. Baka mapano pa ‘to konsensya ko pa.

[Oo naman no! Ano ba plano mo?] Tanong naman niya.

[Punta ka dito ng 8:00 a.m okay?]

[Okay---] May sasabihin pa sana siya kaso binabaan ko na siya ng phone.

Dali-dali akong bumaba at nakita ko dun sila JB na hanggang ngayon ay naguusap pa rin. Lumapit ako sa kanila. Mukhang hindi naman ako mahahalata ni Greyson dahil nandun siya sa kwarto niya. Natutulog.

‘’Guys, iwan natin si Greyson dito. Para may magbantay ng bahay. Tutal naman masarap ang tulog niya eh’’ Suggestion ko.

‘’Baka di pumayag yun. Magagalit yun pag iniwan dito’’ Sabi naman ni Jethro.

‘’Listen, para sa kanya din naman ‘to eh. Tinawagan ko si Stacey and by 8:00 a.m ay dadating siya dito’’ Paliwanag ko sa kanila.

‘’Anong balak mo?’’ Tanong sa akin ni Kiel.

‘’Ikukulong natin silang dalawa dito. Il-lock natin lahat ng kwarto pati na din ang kwarto niya. Syempre pati na din ang pinto kung saan makakalabas sila. Ikukulong natin sila dito sa bahay’’ Paliwanag ko.

The Seven WorstMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon