The Seven Worst #25 [Bonding]

770 6 0
                                        

The Seven Worst #25

[Isabella Sandoval’s POV]

Monday/ 8:00 a.m

Kanina pa kami nagk-kwentuhan dito sa classroom. Wala kasi yung teacher namin ngayon. Na-ospital daw kasi yung daddy ni Ms. Caballero kaya hindi siya nakapasok. 2 hrs pa naman ang subject niya sa amin. At ayun, si Greyson, tuwang-tuwa.

Nakaform kami ng circle ngayon. Ako, Aaron, Donna, Ezekiel, JB, Jethro, Vera, at Greyson.    

Baka naguguluhan kayo kung sino si Donna? Siya yung isa sa mga classmate namin dito. Maganda siya pero mas maganda ako. Chiks siya ni Kiel. Akala ko pa naman nagbago na, bigla ba namang hinatak si Donna. Baka naman nagtataka kayo kung bakit nandito si Aaron? Hinatak ko siya sa classroom nila tutal breaktime nila.

‘’Ano ba gagawin? Ba’t tayo nakaform ng circle?’’ Tanong ni Vera habang nakasandal sa balikat ni Jethro. Mukha namang dedma lang si Jethro eh. Sabagay, friends lang naman sila.

‘’Ehehe, kwentuhan lang’’ Sabi naman ni Kiel habang nakaakbay kay Donna. Babaero!

‘’Akala ko naman kung ano meron. Bigla kasi ako hinatak ni Bella eh’’ kakamot kamot sa batok na sabi ni Aaron. Cutie niya talaga!

‘’Alam ko na, share na lang kayo ng mga nakakahiyang pangyayari sa buhay niyo!’’ Ngiting ngiting suhestiyon ni Greyson. Gusto nanaman niya na may mapagtawanan.

‘’Osige, ako una!’’ sabi ni Jethro. Nagtinginan naman kaming lahat sa kanya.

[Jethro Solomon’s POV]

‘’Elementary ako nun nung nakipag-away ako sa kaklase kong maangas. Tapos….’’

*Flashback*

‘’Ano?! Tayo! Maghahamon ka tapos lampa ka naman! Tayo! Duwag ka naman pala eh!’’ Sigaw ko sa kaklase kong maangas habang sinisipa sipa siya. Nakahiga na siya ngayon sa semento.

‘’Ah! May sugat ako dyan. Wag mo ko sipain!’’ Sabi niya habang namimilipit sa sakit.

‘’Nyenyenyenye! Neknek mo, asa namang titigilan kita!’’ sabay belat ko. Sinipa ko siya ulit ng malakas. Napangiwi na lang siya sa sakit. Maya-maya may narinig akong sumigaw.

‘’MR. SOLOMON AT MY OFFICE NOW!’’ Sigaw nung matandang guidance councilor. Taeng yan, nahuli pa ako. Wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanya. Tae, kinakabahan ako. Yari ako nito kila Mommy.

Habang naglalakad ako papuntang guidance councilor’s office, napansin kong nagbubulungan sila habang dumadaan ako. May tumatawa, may napapailing. Wala naman akong sugat ah? Ni hindi nga ako nakatanggap ng kahit anong galos o pasa man lang sa letcheng kaklase ko eh.

Teka, bakit parang ang lagkit? Ang lagkit ng pakiramdam ko.

Hindi ko na lang pinansin yun instead nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pagkarating ko ng GCO(Guidance councilor’s office) ay naupo ako sa upuan. Teka, ang lagkit talaga ng pakiramdam ko eh. Tapos parang may napisat na ewan tapos mabasa basa. Ano ba yun?

‘’So, Mr. Solomo--what’s that? Bakit ang baho?’’ Napatingin ako sa GC(Guidance councilor)

‘’Ha?’’

‘’Bakit ang baho? Amoy--yuck! Ikaw ba yun?’’ Tanong nung GC sa akin. Umiling ako. Ano ba kasi yung tinutu--ang baho nga, shet! Ano yun.. bakit parang…

Parang amoy tae?!

Napatayo ako sa upuan ko at tumingin sa inuupuan ko. SHET. Tumae ako ng di ko namamalayan.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon