The Seven Worst #36 [When she make a move...]

625 4 1
                                    

The Seven Worst #36


[Jethro Solomon's POV]


Pagkarating na pagkarating namin ng mansyon, dinala ako agad ni Vera sa kwarto ko tapos ginamot niya yung mga sugat ko. Naalala ko tuloy nung si Mashie yung nanggamot sa akin that time. Sobrang saya ko, nung siya nanggamot sa akin nung nabugbog ako. Parang gusto ko ulit magpabugbog. Pero ngayon na si Vera ang gumagamot sa sugat ko, parang lungkot lang ang nararamdaman ko.


''Okay na, Jeth. Magpahinga ka na lang muna ha? Pupuntahan na lang kita ulit mamaya. Sige na! Alis na muna ko'' Tapos lumabas na ng kwarto ko si Vera.

Maya-maya naman may kumatok ulit sa pinto ng kwarto ko.


''PASOK!'' Sigaw ko para marinig ng kumakatok. Bumukas naman unti-unti yung pinto at nakita ko si Mashie na palapit sa kin. Pagkalapit niya ay umupo siya sa kama ko.


''Bakit ka nagpabugbog?'' Cold na tanong ni Mashie. Napaiwas naman ako ng tingin. "Diba sabi ko sayo ayokong makitang nabugbog ka ulit? Ano 'to Jethro? Dahil ba sa akin kaya mo 'to ginawa? Dahil ba sa sinabi ko?''


"Mashie, no, na-trip—"


''Stop this shit, Jethro! Alam mo? Ayokong nakikitang nasasaktan ka eh, pero nakakainis lang. Naiinis ako sa sarili ko kasi ako yung dahilan kaya ka nagkaganyan ulit! Naiinis ako sa sarili ko. SOBRA!''


''Mashie, wag ka na umiyak. It's okay! It's all my fault!"


''No, you're not! Ako! Kasalanan ko! Bakit ba kasi nainlove ako sa taong alam kong imposibleng magustuhan ako?! Bakit kasi siya pa?! Bakit hindi na lang ikaw?''


''Mash, hindi natuturuan ang puso. Kusa yang tumitibok para sa isang tao. Malalaman mo na lang na magugustuhan mo ang isang tao kahit nung una eh hindi mo aakalain. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kaya wala kang kasalanan ha? Wag mong sisihin ang sarili mo, please?''


''But—''


''No more but's! Aaminin ko, nasaktan talaga ako sa sinabi mo. Syempre, mahal kita eh. Pero kailangan ko yun tanggapin dahil hindi mo naman yun kasalanan. Mash, hindi pa din kita bibitawan. Hindi pa din ako susuko''


"I'm so sorry, Jethro. Sorry talaga sa nagawa ko sayo!''


''It's okay. Sige na, magpapahinga muna ako. Saka na lang tayo ulit mag-usap''



[Vera Smith's POV]



 ''No more but's! Aaminin ko, nasaktan talaga ako sa sinabi mo. Syempre, mahal kita eh. Pero kailangan ko yun tanggapin dahil hindi mo naman yun kasalanan. Mash, hindi pa din kita bibitawan. Hindi pa din ako susuko''


Natigilan ako sa pagpihit ng door knob ng kwarto ni Jethro nang marinig kong may kausap siya. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ang pag-uusap na yun. So, si Mashie pala ang kausap niya?

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon