The Seven Worst #30
[Mashie Hisami Mohasco’s POV]
As I expected, ganun nanaman ang nangyari. Wala nanamang pansinan. Ganyan na ba kataas ang pride nila? Simpleng sorry hindi nila masabi sa isa’t isa.
Andito kami ngayon sa cafeteria. Si Kiel nagsarili dahil kasama niya si Donna. Si Greyson naman kasama si Stacey. Bale ako, JB, Isabella, Jethro, at Vera lang ang andito. Patuloy pa din naman sa panliligaw sa akin si Jehro. Samantalang patuloy naman ang pagsusungit sa akin ni JB sa di ko malamang kadahilanan. Lumalala nga ata ang pagkaselfish niya eh.
‘’Ang boring… walang maingay’’ Nanlaki naman ang mata ko habang nakatingin kay Vera. ‘’What?’’ Takang tanong niya.
‘’If I’m not mistaken gustong gusto mo sa tahimik, right?’’ Dun kasi kami nagkakasundo ni Vera. Gusto namin ng katahimikan sa paligid.
‘’Well, ikaw ba naman tumira kasama ang maiingay hindi ka ba maninibago? Syempre, nasanay na ako sa ingay. So, ayun. Nakakamiss lang’’
‘’Hmm.. tama ka’’ Sabi ko na lang at tinuloy na ang pagkain ko.
‘’Guys, curious lang ako ha. Bakit nga ba talaga nag-away sina Kiel at Greyson? Ang weird naman. Hindi naman kasi sila sumasagot nung tinanong ko sila.’’ Pag-iiba ng topic ni Jethro. Sang-ayon ako sa kanya. Hindi ko din alam yung dahilan ng away nila and worst hindi na nag-uusap sina Isabella at Kiel? Ano bang connect?
‘’Agree ako, Jethro. Kahit ako curious din eh’’ Sabi naman ni Vera.
‘’Isabella, bakit di na kayo nag-uusap ni Kiel?’’ Tanong ko kay Isabella na kanina pa tahimik na kumakain.
‘’Ha? May konting tampuhan lang’’ mahina niyang sagot.
‘’Nagkatampuhan kayo ni Kiel, tapos si Greyson naman at Kiel magka-away? Warfreak din ata yang si Kiel eh’’ Sabi naman ni JB na hindi man lang nagseseryoso.
‘’Hayaan na lang natin sila’’ Malumanay na sabi naman ni Isabella. Hindi na lang kami sumagot. Maya-maya dumating si Stacey.
‘’Hi! Guys’’ Bati niya sa amin.
‘’Asan si Greyson? Diba kasama mo siya?’’ Tanong ni Vera
‘’Ewan ko ba dun, bigla na lang nawala‘’ Sabi niya tapos umupo sa tabi ni Isabella.
‘’Stacey, alam mo ba yung away between your lovey dovey and Kiel?’’ Tanong ni Vera. Lovey dovey?
‘’Tinatanong ko nga siya eh pero naiinis kaya di ko na lang pinipilit kasi baka mag-away nanaman kami no'n’’ Sabay pout niya.
‘’I’m so curious’’ hindi mapakaling sabi ni Vera.
‘’Me too’’ Sabi naman ni Stacey.
‘’Uhm, guys, una na ko sa inyo’’ Matamlay na sabi ni Isabella at agad ring umalis.
‘’Ang weird. Ang lamya niya naman. Hindi naman siya ganyan dati’’ Sabi ni Jethro. Napabuntong hininga na lang kami.
[Isabella Sandoval’s POV]
Umalis muna ako ng cafeteria dahil sobrang nalulungkot ako. Bakit? May iba kasi kay Aaron eh. Naninibago ako sa kanya. Iniiwasan niya yata ako? Nahihirapan na nga ako eh. Tuwing nalulungkot ako may nasasandalan ako--si Kiel. Pero now? Gosh! I feel so alone.
Naglalakad lang ako nang nakayuko. Wala akong pakialam kung may mabunggo man ako. Ang importante mailabas ko ‘tong luha na kanina pa namumuo sa mga mata ko.
Alam mo ba kahapon nakita ko sina Ezekiel at Donna sa SM?
Talaga? Anong ginagawa?
BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Teen FictionPitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...