The Seven Worst #31
[Mashie Hisami Mohasco’s POV]
Andito kami ngayon sa living room. Walang pasok ngayon dahil holiday. Si JB, as usual nanonood ng TV. Si Isabella kanina pa hindi lumalabas ng kwarto, may lagnat siya dahil na din siguro sa nangyari kahapon. Sina Vera at Jethro nag-aalaga kay Dimples. Si Greyson, tulog. Si Kiel, nag-gigitara. Ako? Nakaupo lang habang nagbabasa ng libro.
Ang boring nga eh. Samantalang dati masaya pa. Naghaharutan sina Isabella at Kiel kasama si Dimples. Si Greyson nakikipag-asaran kay Vera. Nakakapanibago, puro away na lang. Kelan kaya ‘to maaayos?
Maya-maya may nag-doorbell. Dali-dali ko namang binuksan yun. These past few days ako na lagi ang nagbubukas ng pinto.
‘’Konnichiwa! O genki de suka?’’ Si Keira pala.
‘’Konnichiwa minna~! I’m fine. Come in’’
‘’Arigatou gozaimasu!’’
‘’Dou itashimashite’’ Pagkasabi ko nun ay pumasok na siya sa loob.
[A/n: Konnichiwa means Hello/good afternoon
O genki de suka means How are you
Dou itashimashite means You are welcome/Don’t mention it/Not at all]
‘’Hi, everyone!’’ Masayang bati ni Keira. Ngumiti naman sila. Mukhang nanibago siya. Naupo si Keira sa tabi ni JB tapos nag-usap sila. They are so close. Tumabi ako sa malapit kina Keira at JB.
‘’Oh, Kei. Napadalaw ka?’’ Masayang bati ni JB. Bakit ang saya saya niya pagdating kay Keira? Tas sa akin ang sungit sungit.
‘’Well, I miss you na eh’’ Nakangiting sabi ni Keira. Napangiti naman si JB.
‘’Tss, baliw. Nga pala, kelan uwi mo?’’
‘’Nakalimutan kong sabihin sayo… after school year pa ako makakauwi’’
‘’Nag-transfer ka?’’
‘’Yeah, kaso hindi sa school niyo. Atleast matagal pa tayo magsasama!’’
‘’Ah, sige. Okay lang yun’’ Mas gwapo talaga si JB kapag naka-ngiti. Ang problema nga lang, ngumingiti lang siya pag andyan si Keira. Tsss, pati ngiti pinagdadamot.
‘’By the way, nasaan si Isabella? Pati si Greyson?’’
‘’Tulog si Greyson while may lagnat naman si Isabella’’
‘’Aw, samahan mo ako sa room ni Isabella.’’Sabi niya habang naka-pout. Okay, siya na talaga maganda kapag naka-pout.
‘’Sige na nga. Makakatanggi ba ako sa pagpout mo? Haha’’ Tapos tumayo na sila. Aakyat na sana sila nang lumingon sa akin si Keira?
‘’Tara, sama ka!’’ Pag-aaya sa akin ni Keira.
‘’Ha? Wag na’’ Sagot ko naman. Lumapit siya sa akin at hinila ako
‘’Daliiiii naaaaaa!’’ Tapos ayun, nahatak naman niya ako. Pagdating namin sa room ni Isabella ay dali-daling lumapit si Keira sa kanya.
‘’May lagnat ka nga’’ Tapos tiningnan niya ang pinagpapawisan na si Isabella. Kinuha niya yung planggana dun tapos nilublob niya yung towel sa tubig at pinigaan. Nilagay niya yun sa noo ni Isabella.
‘’Keira? Anong ginagawa mo dito?’’ mahinang tanong ni Isabella.
‘’Dinalaw ko lang kayo. Okay ka na ba? May masakit ba sayo?’’
‘’Wala naman. Salamat’’
‘’Welcome. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Nandyan lang ako sa living room. O daiji ni!’’ Tapos lumabas na din siya ng kwarto. Sumunod naman sa kanya si JB.
![](https://img.wattpad.com/cover/5447928-288-k972386.jpg)
BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Teen FictionPitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...