[Mashie Hisami Mohasco]
1 month has passed. Nakarecover na din sa wakas si JB. Sobrang saya ko nung time na nagkamalay siya at ako pa talaga ang unang taong nakaalam nun. Si Donna naman, ayun comatose pa din. Sobrang nalulungkot nga kami eh, especially si Kiel. Fieldtrip namin ngayon sa Enchanted Kingdom. Magkakasama ang 2nd yr. H.S sa iisang bus, ganun din sa ibang year. Aside from that, kami din ang pipili ng upuan namin. Katabi ko si Stacey sa upuan. Tapos sina Vera at JB (nung una ayaw nila pero wala din silang nagawa). Sina Jethro at Greyson and sina Isabella at Kiel na kasalukuyang naglalandian. Sila na din kasi. 1 week na ang nakakalipas.
‘’Mashieeeee’’ Napalingon naman ako sa katabi ko na hindi mapakali.
‘’Oh? Stacey naman eh. Di ako makatulog sayo’’ Reklamo ko.
‘’Sorry naman. Hindi kasi ako makatulog eh. Wala din akong ka-kwentuhan’’ Tinitigan ko na lang siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
‘’Pambihira ka naman, Greyson eh! Tantanan mo nga ko sa pangungulit mo. Matulog ka na lang!’’ Narinig kong sigaw ni Jethro kay Greyson. Si Greyson naman patuloy lang sa pangungulit sa kanya.
‘’Tulog ka naman nang tulog eh. Kanina ka pa kaya tulog!’’
‘’Tanga. Hindi nga ko makatulog sa sobrang ingay mo eh. Bwiset’’ Sabi naman ni Jethro at nagtakip ng unan sa mukha.
‘’Guys, andito na tayo sa Enchanted Kingdom. Isa-isa lang po ang bababa okay? Ang balik natin dito sa bus ay 10:00 p.m. Wag din kayo mag-iiwan ng gadgets dito kasi baka pag may nawala, sisihin pa si manong driver pati ako. Okay ba?’’ Sabi ng tourguide namin at binigay sa amin ang ticket papasok ng EK.
‘’Wooo! Nakaraos din sa mahabang biyahe!’’ Sabi ni Greyson at nag-unat unat.
‘’Oo nga eh. Nakaraos din ako sa ka-ingayan mo’’ Sabi naman ni Jethro.
‘’Nasan na sila JB?’’ Tanong ko. Wala pa kasi sina Vera at JB eh.
‘’Baka nasa lo--Oh, ayan na pala eh’’ Sabi ni Kiel habang nakaturo sa palabas na sina Vera.
‘’Hoy, stupid witch! Tumigil ka na nga’’ Sabi ni JB kay Vera.
‘’Maka-stupid ka ah. Psh! I-delete mo na kasi yung stolen picture ko dyan sa cellphone mo!!’’ Sabi ni Vera at pinaghahampas si JB.
‘’Eh pano kung ayoko? Bleeeeh—Aray!’’ Sabi ni JB at napahawak sa ulo na binatukan ni Vera.
‘’Walangya ka! BADING! Nyenyenyenyeeee’’ Pang-aasar naman ni Vera. Pinagtitinginan lang namin silang dalawa mag-away.
‘’Ano? Sinong bading?’’ Seryosong tanong ni JB na halatang naiinis na.
‘’Sino pa ba? Edi ikaaaw. Bleeh!’’ Tapos nagbelat pa si Vera.
‘’Hindi ako bading’’ Sabi ni JB at naglakad paalis.
‘’Psh. Tanga maniwala na di ka bading. Ang hilig mong makipag-away sa babae kaya bading ka!’’
‘’Gusto mo bang patunayan ko ha?’’ Tapos lumapit siya ng kaunti sa mukha ni Vera na ikinayuko ng ulo ko. Ano ba naman yan, Mashie…
‘’Sabi na eh, hahalikan mo ko. Matagal ka na sigurong nagnanasa saken ‘no?’’ Sabi ni Vera habang nakataas ang isang kilay.
‘’HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Nagbibiro ka ba? HAHAHHAHAHAHAHA’’ Sabi ni JB na halos mamatay na sa kakatawa.
‘’Oyy, ano ba nakakatawa sa sinabi ko ha?’’ Inis na sabi ni Vera.
BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Teen FictionPitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...